Chapter 21 - his Possession

10.4K 285 32
                                    


"My brain has no heart. My heart has no brain. That's why when I speak my mind I seem heartless and when I do whats in my heart I seem thoughtless."
-Pinterest.com

.

Hillary POV

Ilang sweet music din ang sunud-sunod na pinatugtog.

Kung kanina ay naiilang ako kay Carlos ngayon ay nagiging komportably narin 'ata ako sa kanya.

Akala ko'y katulad siya ni Ross na may kasungitan ngunit hindi pala. Mukha lang siyang strict pero napaka-bait niya at may kalokohan din pala sa katawan.

Kahit mga simpleng banat nga niya ay nakapapatawa sa akin.

Ghad, ang gaan ng pakiramdam ko habang kausap siya.

I'm looking forward na siya na si THE ONE! Gosh, magiging buhay prinsesa 'ata ako sa kanya... pero kailangan ko bang magmadali?

Handa na ba ako sa lifetime commitment?

Tatanggapin ko ba ang inaalok niya?

I'm just nineteen years old and he's thirty-three. Sobrang isang dekada ang agwat ng edad namin.

Oh my ghad, magkakaroon na nga ako ng husband at may kasama pang daddy! An'saya-saya, kaloka!

Infairness, hindi naman siya mukhang may edad na. Para nga lang din siyang twenties kung pagbabasehan ang mukha.

Ang guwapong lalaking simpatiko at madating ay naghihintay ng sagot ko? Ghad, ang haba ng hair ko! Para na akong si Rapunzel, hahaha!

Nahihibang na 'ata ako? Kung anu-ano pa ang pumapasok sa isipan ko kaya nahihiya na tuloy akong tumingin sa kanya.

.

.

Maya-maya'y nagsalita na naman ang emcee. Magsimula na raw ang laro.

Oh my, ano'ng laro?

Change partner pagkatapos ng pagbilang ng sampu?

Ito nga 'ata ang tinatawag na Bachelor's Ball, hahaha!

Nakaka-excite!

.

Napatingin naman ako kay Carlos. Isang ngiti ang pinakawalan niya at may iniabot na calling card sa akin.

"Incase na nakapag-desisyon ka na my loves ay sabihan mo ako! Hindi ka magsisisi pinapangako ko iyan." mangislap-ngislap pang bilin niya saka pinaikot na ako kasabay ng change partner.

.

"Hello Elizabeth!" ngiting sabi ni Kenneth sa akin. Pinanindigan talaga ng hinayupak na ito ang pagiging Jack Sparrow niya.

"Hi Jack, it's you again?" pakikipagsabayan ko narin sa kanya.

Napatawa pa siya, "Alam mo ba, hindi parin ako makapaniwalang girlfriend ka ni Ross."

Napatawa naman ako, "Malalaman niyo mamaya ang totoo pagkatapos ng party. For the meantime ay isayaw mo na muna ako dahil may kasalanan kaya kayong lima sa akin." ipinatong ko na ang dalawang palad ko sa balikat niya saka napahawak naman siya sa beywang ko.

"Nahihiya ka pa ba sa akin?" natatawang tanong ko nang makitang para siyang balisa.

"Hindi sa ganoon! Mag-ingat ka Hill, napaka-possessive pa naman ni Ross." paalala pa niya.

Napatawa naman ako sa sinabi niya. "May masama ba sa pagsasayaw? Kasalanan din naman niya dahil mas gugustuhin pa 'ata niyang matutulog ako sa mesa kaysa ang mag-enjoy dito sa party." angal ko at tinapunan ko pa ng tingin si Ross, na nasa di kalayuan.

CEO's Ruthless Son!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon