Chapter 49 - Martinez-Mondragon Nuptial

11.3K 231 36
                                    

"LOVE is MORAL even without LEGAL MARRIAGE, but MARRIAGE is IMMORAL without LOVE."
-Ellen Key

.

Ross POV

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Hillary noong isang araw ay mas lalo pang sumakit ang puso ko. At habang papalapit ang kasalan ay mas lalo lang bumibigat ang pakiramdam ko.

Lagi kong tinatawagan ang numerong ginamit niya ngunit hindi na iyon matawagan pa.

Paulit-ulit ko na iyong dinadeal ngunit wala ding nangyayari.

Ang pagpapakasal kay Althea ang pinakamalungkot na mangyayari sa buong buhay ko.

.

.

.

Napapabilang narin 'ata ang buhay ko sa Unfortunate Events na nangyari sa Pilipinas ngayong buwan ng Agosto.

Ang pagkakawasak ng puso ko na kagaya ng pagkakatupok ng buong kamaynilaan noong August 1583 dahil sa isang malaking sunog. Sunog na kumitil ng maraming buhay at ari-arian.

Ang pagsusumamo ng puso ko at ng aking kalooban katulad noong August 26, 1896 sa pangunguna ni Andres Bonifacio na tinaguriang Sigaw sa Pugad Lawin. Ang magkasabay-sabay na pagpunit- ng mga katipunero ang kanilang mga cedula na naging simula ng rebolusyon.

Ang paghihimagsik ng utak ko at pagdurugo ng puso ko na maihahango sa dugo, pawis at luha ng mga Pilipino para maitatag lamang ang simbahang malaya. Ang simbahan ng malayang Pilipino at simbahan ng mga bayani, ang Iglesia Filipina Independiente na itinatag noong August 3, 1902. "Pro deo et patria"

Ang paghihinagpis ng damdamin ko na maihahalintulad ko sa bombing incidents noong August 21, 1971 sa Plaza Miranda na naging dahil nang deklarasyon ng Martial Law.

Ang pagkawarak na puso ko na katulad ng Largest Tsunamigenic Earthquake magnitude 7.8, na pumatay ng halos 8,000 katao sa buong Isla ng Mindanao noong August 17, 1976.

Ang namamatay na puso ko kagaya ng assassination ni Benigno "Ninoy" Aquino, Jr noong August 21, 1983.

Ang pagkadurog ng puso ko ay kagaya ng Rizal Park Hostage - taking Incident noong August 23, 2010, na kumitil ng limang katao.

At ngayon ika-lima ng Agosto ganap ng alas siyete ng umaga. Dito mismo sa loob ng San Anthony Parish Church gaganapin ang pag-iisang dibdib namin ni Althea.

Isang arranged marriage o kilala sa tawag na marriage of convenience, na ang bawat pamilya namin ay makikinabang dito.

Nakatayo na ako ngayon sa may altar katabi ko sina daddy, mommy at ang bestman kong si Ricky.

Kasalukuyang nagmamatsa narin si Althea papuntang altar.

Bakit ba kailangan pang madaliin ni daddy ang lahat?

Napatingin na ako kay daddy. Bakit kailangan pa niyang pangunahan ang magiging desisyon ko?

Bakit kailangang ako?

Mula noon ay palaging si daddy ang nasusunod at laging kasuguan niya ang natutuman.

Hindi ba puweding ako naman sa mga sandaling ito?

Bilang ama ay tinatanggap ko ang mga kasuguan niya pero hindi sa pagpapakasal?

Hindi ang pagpapatali sa babaeng hindi ko naman minamahal.

Si Hillary lang ang tanging babaeng mamahalin ko habambuhay.

"She's so beautiful kuya..." narinig kong kumento pa ni Ricky sa likuran ko kaya napalingon na ako sa kanya.

CEO's Ruthless Son!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon