"Forgiveness is the BEST form of LOVE. It takes a STRONG PERSON to say SORRY and even a STRONGER PERSON to FORGIVE."
-beauty of life.
Hillary POV
"Umurong ka na kasi Besy, isama na natin si ultimate crush!" nakangiti pang bulong sa akin ni Dianne habang sinusubukan parin akong hilahin paurong.
Napabaling naman ako kay daddy. Nagbabagang aura ang mga nakikita ko sa mga mata niya, na tila sinisiraban ako ng buhay.
Ilang sunud-sunod na paglunok ang mga ginawa ko. Nababalisa ang buong sistema ko dahil sa matinding takot.
Nakakasindak ang mga titig ni daddy sa akin na para akong nasa hotseat at ini-interrogate sa isang kasalanang hindi ko naman ginawa.
Bakit ganito na lang ang mga galit ni daddy sa amin ni Ross? Gusto ko na lang tuloy na malusaw sa kinauupuan sa mga sandaling ito.
Nanatiling nasa malayo parin sina daddy, na taas-noong sinusubukan ako habang naghihintay ng magiging desisyon ko. Kasama niya sina CEO Lawrence at Tito Dennis.
Nababasa ko sa mga mata ni daddy na tinatanong niya ako kung sino ang pipiliin ko sa kanila ni Ross.
Ghad! Nagpapalit-palit na ako ng tingin kina daddy at Ross.
Nagsusumamo parin si Ross sa akin saka napasandal pa siya sa sasakyan at nakaguhit sa mga mata niya ang hirap at sakit.
.
"Hill, gusto mo ba'ng ipasilya-elektrika o kaya ay ipa-kangaro court itong si kuya ng tito mo? Maawa ka naman sana Hill sa magiging future ni kuya! Ghad, gusto ko rin namang makita ang mga pamangkin ko!" basag pa ni Ricky sa pananahimik ko.
"Besy, ano ba? Let's go, mahuhuli na tayo sa flight." parang naiinip naring sambit ni Dianne at tila nagmamakaawang magdesisyon na ako.
Ghad! Napapikit na ako. Kailangan ko ba talagang mamili? An'hirap!
.
"Mahal mo pa ba Hill si kuya? O may natitira pa ba kahit na katiting na awa diyan sa puso mo? Kasi kung mayroon ay sinasabi ko sa'yo na ngayon palang ay magdesisyon ka na." sambit pa ni Ricky, na tila nagbigay liwanag sa akin.
Napamulat ako ng mga mata saka napaurong narin ako kahit naguguluhan parin.
Hindi ko na maiwasang tapunan muli ng tingin sina daddy.
Nakabakas sa mga mukha nila ang disappointment dahil sa ginawa ko.
Tama ba talaga itong ginagawa ko? Juicecolored, sinusuway ko na ngayon si daddy! Hindi ko na alam...
"Good one Hill." nakangisi na namang sambit ni Ricky, na tila panalo sa pustahan.
.
Dahan-dahan naring pumasok si Ross ng sasakyan habang nakahawak parin sa kanyang sugat at inaalalayan ni Ricky.
"Talo ka kuya! Sinabi ko namang hindi ka kayang tiisin eh! Paano ba iyan akin na si Amanda?" abot-tengang ngisi pa ni Ricky at bahagyang hinalikan pa sa pisngi si Ross. "Don't worry, aalagaan ko naman!"
BINABASA MO ANG
CEO's Ruthless Son!
Teen FictionBook5: CEO's ruthless Son! (Completed!) by NyllelaineNyeNight Mababago kaya ni Hillary Ivon Smith ang ugali ni Mr. Ruthless, na pawang pasakit ang ibinibigay sa kanya? Hanggang kailan siya magtitiis? Susugal parin ba siya sa ngalan ng pag-ibig? Da...