Chapter 18 - at the Bar

8.9K 233 21
                                    

"The course of true love never did run smooth."
-William Shakespeare

.

Hillary POV

"Ano'ng ginagawa mo dito Hill?" isang boses na nagpakaba sa akin. Ghad!

Natigilan ako at nahihiyang napatingin ako sa katabi kong nakaupo sa stool paharap sa bartender.

Napalaki ang mga mata ko, nang makompirmang si Tito Dennis iyon, ang nakakabatang kapatid ni daddy.

Dito pa talaga niya ako nakita sa bar at sa ganitong oras pa.

May pagka-konserbatibo pa naman ang pamilya ni daddy.

"Sinasamahan ko lang tito si Ross!" nahihiyang sagot ko at bahagyang napalapit na sa kanya. "Ngayon lang naman ito tito, huwag sanang makarating kay daddy." habang hawak-hawak ko ang braso niya.

Oh my, napaka-depensive ko! Bahala na, mahirap na kasing makarating kay daddy.

"Boyfriend mo?" direktang tanong niya.

Naiilang na napatango ako saka napatingin na ako sa CR kung saan pumasok si Ross. Ghad, claiming as boyfriend pa talaga, napaka-sinungaling ko na!

"Akala ko ba'y pinagbabawalan ka ni Justin na makipag-boyfriend!" nalilitong tanong niya at tinitigan ako sa mukha.

"Hindi naman ito ganoon kaseryoso tito!" namumulang sabi ko.

"Napakaganda mo Hill para buntisin lang ng boyfriend mo. Mapapatay ko siya." kunot-noong paalala niya.

Ang OA naman ni tito, wala nga akong boyfriend ay bubuntisin pa.

"Akala ko sa National Defense ka tito? Ano'ng ginagawa mo rito?" mahinang tanong ko na pang-iiba narin ng usapan.

"Surveillance! Maraming nagkalat na party drugs o 'yong tinatawag nilang Viola Extra." bulong pa niya sa akin saka may iniabot pa siyang maliit na device, na may sukat na 2inches by 4inches at may kapal na 6mm.

"Ano'ng gagawin ko dito tito?" kunot-noong tanong ko habang sinusuri ang ibinigay niya.

May apat iyon na button at iba-iba ang kulay. May orange, yellow, blue at saka red. "Parang remote control naman ito ng LED light tito iyong nilalagay natin sa Christmas tree! Malayo pa ang pasko ah?" natatawa pang sabi ko.

"Ikaw talaga!" palingi-linging sambit ni tito.

"Emergency alarm, press mo lang ang button. Kapag tinalo ka ng boyfriend mo ay sabihan mo ako dahil puputulan ko siya ng kaligayahan." dumadagundong na patuloy niya.

Kinilabutan tuloy ako kay tito! Puputulan talaga? Namilog ang mga mata ko. Ghad, napakabrutal niya! Kawawa naman si Ross my loves kapag magloko! Natatawang nasasaisip ko.

"Ang orange ay alarm na may mga treat gaya ng mga bomba at mga sakuna sa paligid, na dulot ng terrorist attacks, rebellion at kung anu-ano pang related sa giyera." sunud-sunod na sabi niya.

Namilog ang mga mata ko, hindi makapaniwala sa mga narinig. Oh my, World War III na ba? Unstable na ba ang seguridad ng Pilipinas?

Huwag muna, please! Hindi ko pa nga napapa-inlove si Ross, my loves!

CEO's Ruthless Son!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon