Chapter 44 - the Travel

8K 204 34
                                    

"Life is a SONG - SING it.
Life is a GAME - PLAY it.
Life is a CHALLENGE - MEET it.
Life is a DREAM - REALIZE it.
Life is a SACRIFICE - OFFER it.
Life is LOVE - ENJOY it."
-Sabi Baba

.

Hillary POV

Pagkamulat ng mga mata ko'y nakasandal parin ako malapit sa kilikili ni Ross habang nakaakbay naman siya sa akin.

Ghad, amoy pa lang ay lalaking lalaki na talaga! Nakakabighani ang male scent niya na tila nanunuot sa aking kaibuturan.

Mariing napatingin na ako sa mukha niya. Hindi pa naman nababawasan ang kagwapuhan niya kahit na may nakita akong scar sa kanyang pisngi.

Nakaka-guilty tuloy dahil alam kong ako ang dahilan ng pagkakaroon niya noon at napabaling narin ako sa sugat niya sa tiyan.

Halos patayin na siya ni daddy ngunit hindi parin niya sinukuan ang pagmamahal niya para sa akin.

Oh my goodness, akala ko sa pelikula lang makikita ang ganito!

Bigla naman akong kinikilig at napapangiti narin.

Parang You and Me against the world lang, hahaha!

Hindi parin ako makapaniwalang magiging kami.

KAMI na talaga!
Confirmed!

.

Nandito kami sa alapaap at nagbibiyahe papuntang California.

One peso na lang ay mapapa-langit ka na pero juicecolored ay huwag muna ngayon. Hindi ko pa nga nakikita ang future namin ni Ross.

Napahagikhik na ako sa aking kaloob-looban. Ghad, ano ba itong naiisip ko? Pwede na din naman pero after 5years pa.

.

(Fast forward sa Los Angeles, California)

.

"Nandito na tayo loves!" narinig kong mahinang sambit ni Jimmy kay Dianne habang ginigising iyon, na nakasandal sa balikat niya.

Napapangiti naman ako habang tinitingnan ang dalawa. An'suwerte talaga ng kaibigan ko kay Jimmy.

Ako kaya?

Napatingin narin ako kay Ross, na nakaidlip parin. Ngayon ay kami na pero bukas makalawa kaya?

Alam ko at nararamdaman kong mahal ako ni Ross ngunit sa panahon ngayon ay hindi lahat ng ikinakasal ay dahil sa love.

Gaya ng kasal nina CEO Carlos at ng pinsan kong si Hershey dalawang araw na ang lumipas.

Narinig ko pa ang usapan kanina nina daddy at CEO Lawrence na ikakasal na nga si Ross kay Althea pagkauwi nila na Pi'nas.

Parang may punyal na tumusok sa puso ko. Bakit hindi puweding kami na lang ni Ross ang ikasal?

Bakit madali lang para sa kanila ang kasal kahit pa nga'y walang pagmamahal na namamagitan?

Ganito na ba talaga ngayon?

.

"Besy, gusto mo ba'ng maging official itong pagtatanan ninyo ni Ross?"

"Tanan?" ano? Tanan talaga? "Ano ka ba Besy!" namumulang sabi ko. "Tanan kaagad ang iniisip mo?"

Abot hanggang tenga ang mga ngiti niya. "Ano pala ang tawag mo dito? Apat na oras lang naman mula dito ang Vegas, puwede tayong pumunta doon at kami na ni Jimmy ang bahalang maging witness sa kasal ninyo."

Namula naman ang mukha ko sa mga narinig. Ghad, kasal? Kami ni Ross? Nasapol ko ang ulo.

.

Maya-maya'y naramdaman kong hinawakan ni Ross ang palad ko. Napatitig naman ako sa kanya.

Ngiti sa labing tinitingnan niya ako. "Will you marry me Hillary? Pumapayag ka bang magpakasal tayo sa Las Vegas?" namumungay pang tanong niya.

Napalaki naman ang mga mata ko, ghad! Hindi na ako nakapagsalita pa.

Gustung-gusto ng puso ko ngunit naghuhurumentado naman ang isipan ko.

Naramdaman kong hinalikan ako ni Ross sa noo, "Maghihintay ako Mahal kung kelan ka maging handa..." paanas niyang sambit saka niyakap na ako.

.

Hanggang sa inilapag na ng piloto ang private plane sa itaas ng rooftop ay nanatiling akong natitigilan.

Kami ni Ross, magpapakasal? Parang nanatiling naka-loading ang utak ko. Ghad, nag-hang pa 'ata!

----------------------------------------

Please don't forget to press the star and leave a comment!
Thanks a lot! Lovelots! 💖

-NyllelaineNyeNight

CEO's Ruthless Son!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon