"Even the ROUGHEST CHARACTER, underneath all that hurt, is someone who wants to love and be loved."
- Jan Karon.
Hillary POV
Isang mahaba-haba ding biyahe saka narating namin ang Martinez Mansion.
Nakakalula ang laki nang mansion at may tatlong palapag iyon, na halos triply 'ata ang laki sa bahay namin.
Sa wakas ay nakapasok narin ako sa tinaguriang white house in the city.
Napapangiti pa ako habang pinapaikot ang tingin sa bawat nadadaanan naming mga human size figurines and vases, na parang lumuluwa ang mga mata ko sa mga nakikita. Ghad!!!
"Nakakaawa ka naman, ngayon ka lang nakakita ng mga antigo sa buong buhay mo?" sarkastikong tanong niya.
Inirapan ko naman siya, "Hindi ka kasi marunong mag-appreciate kaya ganyan ka makapagsalita. Ugali mo kasi parang pakong ilang raang ibinaon sa lupa kaya kinakalawang na." pabulong na sambit ko.
Kunot-noong napatingin siya sa akin, "Ano'ng sabi mo?" medyo iritang tanong pa niya.
Napalingi naman ako, "Sabi ko guwapo mo kahit masungit!" sagot ko at ibinaling na ulit ang tingin sa mga antigo.
"Napupuno lang itong mansion ng mga antigong collection ni mommy all over the world. Ang kulang na lang 'ata iyong life size elephant sa Thailand." naiiritang sabi pa niya, na halatang ayaw sa mga nakikita.
"Kung hindi lang iyan mahalagang bagay kay mommy ay pinatapon ko na silang lahat sa Sanitary Landfill sa Payatas." sambit niya at itinuro pa niya ang nasa pinakadulong bahagi ng hagdanan, kung saan naroon ang mga mga imahe ng mga apat na natives from somewhere. "Pati iyong mga mukhang unggoy ay dinala pa niya dito."
"Ibigay mo na lang sa akin kung ipatatapon mo lang din naman." ngiti pang sabi ko at napatingin na sa kanya.
"'Kala mo naman ay magkasya ang mga ito sa bahay mo? Maliit na nga ang bahay mo, napakahigpit pa ng guwardiya mo. Parang may mawawala pa doon, Maria santisima!" pagsusungit parin niya.
Naiinis namang, "Sige, isa pa't sasapatusin na talaga kita!" pagbabanta ko. "Napakasama talaga ng ugali mo!" angal ko.
Hindi narin siya umimik pa, ipinagpatuloy na niya ang pag-akyat ng hagdanan.
Tahimik narin akong sumusunod. Pahirapan pa ako sa pag-akyat bago pakakainin!
.
Hanggang sa narating narin namin ang Zen garden sa ikatlong palapag kung saan nakahanda ang dinner.
Ghad, napalaki ang mga mata ko sa mga nakikita! Nababalutan ng mga topiary plants ang buong paligid! Nakakawala ng stress! Parang biglang napawi ang pagod ko sa pag-akyat ng halos isang raang steps 'ata..
.
Nakita ko narin ang halos buong pamilya Martinez, na nakaupo na sa hapag. Nakaramdam ako ng pagkabalisa kahit pa nga magandang naman ang ipinakitang pagsalubong nila sa akin.
Pagkatapos akong ipakilala ni Ross ay nagsimula narin kaming kumain.
.
.
BINABASA MO ANG
CEO's Ruthless Son!
Novela JuvenilBook5: CEO's ruthless Son! (Completed!) by NyllelaineNyeNight Mababago kaya ni Hillary Ivon Smith ang ugali ni Mr. Ruthless, na pawang pasakit ang ibinibigay sa kanya? Hanggang kailan siya magtitiis? Susugal parin ba siya sa ngalan ng pag-ibig? Da...