Chapter 23 - the Handcuffs

10.2K 254 21
                                    

"Some people create their own storms, then get upset when it rains."
-Pinterest.com

.

Hillary POV

Masakit na masakit ang buong katawan ko. Nanginginig pa ang mga kalamnan ko.

Punung-puno narin ng luha ang buong mukha ko at namamaga pa ang mga mata ko sa kakaiyak.

Parang gustong sumabog ng puso ko habang nakadagan parin si Ross sa akin.

.

Nang bigla namang bukas ng pintuan.

"NBI!" narinig ko mula roon.

Nakita ko si Tito Dennis, wala pa sa isang segundo'y nahila na niya si Ross at inilapat iyon sa walling habang ipinuposasan ang mga kamay sa likuran.

Hinila ko naman ang kumot at tinakpan ang sarili ko saka napatalikod na ako sa kanila.

"Okay ka lang ba Hill?" nag-aalalang tanong ni tito ngunit hindi naman ako nakapagsalita pa, hindi ko mapigilan ang panginginig ng mga labi ko. Ghad, mukha ba akong okay?

"Hill, kilala mo ba sila?" umaalingawngaw na tanong ni Ross sa buong sulok ng silid. "Bakit nalaman nilang nandito tayo?"

Parang naparalisa naman ako. Habang bumabiyahe kami kanina ay pasimply ko nang ini-on ang emergency device na ibinigay ni tito sa akin.

"Sabihin mong hindi totoo ang paratang nila sa akin." patuloy pa niya. "Girlfriend kita..."

Naikuyom ko na lamang ang kumot habang tuluy-tuloy paring pumapatak ang mga luha sa aking mga mata.

Isang kahibangan ang pagpapanggap na girlfriend mo Ross! Isang kahibangan!

Nagpapanggap lang ako na girlfriend mo at hindi ibig sabihin na magagawa mo sa akin ang lahat na gugustuhin mo.

"Mapapatay kita tarantado ka!" narinig kong galit na galit na sambit ni tito.

Ilang sandali pa'y nagpasya na akong linungin sila.

Nakita kong pinagsusuntok na nga ni tito si Ross. Sunud-sunod na suntok sa mukha.

Namanhid narin ako, wala akong makapang-awa para sa kanya.

Hindi naman siya makalaban-laban dahil nakaposas ang mga kamay niya sa likuran.

Muntik na siyang natumba sa sahig ngunit nahawakan siya ng isa sa mga agent.

Sabog ang kilay ni Ross at namumula narin ang mga pisngi niya. Namimilipit na siya sa sakit.

Wala akong nagawa kundi ang panoorin ang mga galit ni tito. Na kung tutuusin ay hindi pa sapat ang mga matamong sugat ni Ross sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

Inawat naman si tito ng isa pang agent at may ibinulong sa kanya kaya iyon napatigil sa pananakit kay Ross.

Napapikit na lamang ako. Hindi ko makayanang makita ang mga dugo na nagsimulang dumaloy sa mukha ni Ross.

"Hill..." sunud-sunod na tawag niya sa pangalan ko ngunit nanatiling nakapikit ang mga mata ko at nakatikom ang mga labi ko.

Manigas ka Ross! Saka napahagulhol na ako...

Halos nagmamakaawa na ang mga tawag ni Ross ngunit mas lalo ko pang pinatigas ang sarili ko.

.

.

.

Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na ako lumalabas pa ng room ko.

Tatlong araw na akong nandito lang sa bahay at gusto ko na lang na magkukulong.

Hindi ko parin makalimutan ang mga nangyari. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit.

Pinuntahan narin ako kahapon ni CEO Lawrence ngunit ayaw kong iurong ang kaso.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ko matitiis si Ross.

Pero sa ngayon ay kailangan muna niyang maturuan ng leksiyon sa mga kahibangan niya.

----------------------------------------

Please don't forget to press the star and leave a comment!
Thanks a lot! Lovelots! 💖

-NyllelaineNyeNight

CEO's Ruthless Son!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon