"It's hard to pretend that you LOVE someone when you DON'T, but it's harder to pretend that you DON'T LOVE someone when YOU REALLY DO."
-dopiest.tumblr.com.
Hillary POV
"Araw-araw pa talaga ang pagpunta ng Carlos na iyan dito? Magpapakasal ka na sa kanya? Usap-usapan na sa atin ang kasal ninyo. Hindi mo man lang muna ikinunsulta sa amin ng daddy mo bago ka makipag-engage?" nagpipigil na tanong ni mommy sa akin. "Kaya mo na ba'ng mabuhay na wala kami ng daddy mo?"
Napabaling naman ako sa kanya na papalapit na sa kinaroroonan namin ni daddy.
"Mom naman!" kunot-noong sambit ko saka napababa na ako ng tingin.
"Nasa baba si Carlos. Naasiwa ako habang kaharap siya." naiinis pang patuloy niya.
Ganito talaga si mommy, an'tapang-tapang kaya hindi ako masyadong malapit sa kanya.
Ewan ko ba?
Kahit na nga matapang ang aura ni mommy ay marami parin siyang mga pasyente sa clinic niya.
Bilang isang OB-GYNE ay halos na hindi bumababa sa tatlumpo ang mga pasyente niya araw-araw.
Ganoon kadaming vag*na ang nasisilip niya araw-araw. Kung ikaw kaya hindi ka ma-i-stress?
Naalala ko tuloy ang British artist na si Jamie McCartney kung saan ang kanyang obra maestra na tinawag niyang, the Great Wall of Vag*na. Kaloka ang isang ito, imagine halos 400 women's genitatia.
OMG, hindi raw pala vulgar iyon kundi isang vulva, hahaha!
Baka isang OB-GYNE din siguro itong si Jamie in his past life, tapos na-frustrate siya kaya hindi siya makapag-move-on, hahaha!
Pero wala siya kay mommy kasi sa kanya 400 lang kay mommy naman ay halos sampung libo sa isang taon.
"Kailan pa naging kayo ni Carlos? Noong isang araw si Ross, ngayon naman ay si Carlos. Sino naman bukas Miss Hillary?" parang nag-uusig paring tanong ni mommy.
Hindi naman ako nakapagsalita pa dahil kung saan parin lumilipad ang isip ko.
Nakakatakot kasi si mommy baka ibitin niya ako nang patiwarik na parang pendulum. Kaloka! May pagkabrutal din kasi siya kaya mahirap na!
Ipinaglihi ba naman ito sa amazona kaya magiging kawawa lang ako kapag may maisagot akong hindi makapag-satisfied sa kanya.
Binalingan ko na si daddy at tiningnan iyon na tila nagmamakaawang tulungan ako.
Ghad, nandito na naman kasi ang amazona!
"Hindi pa tinatanggap ni Hillary ang alok ni Carlos 'mmy!" ang sagot ni daddy.
"Isa ka pa Justin, kukunsintihin mo na naman itong dalaga mo!" sighal naman ni mommy kay daddy.
Napangiti naman si daddy saka napatayo at inalo si mommy. "An'ganda mo ngayon 'mmy," paglalambing pa roon ni daddy at niyakap na niya si mommy.
"Ikaw Justin ah..." bahagyang hinampas pa si daddy sa balikat.
OMG, an'tanda na ng dalawang ito ay naglalambingan pa!
Sinenyasan naman ako ni daddy kaya napatalima na ako at iniwan sila.
.
Pasipul-sipol parin ako habang pababa ng balcony.
BINABASA MO ANG
CEO's Ruthless Son!
Novela JuvenilBook5: CEO's ruthless Son! (Completed!) by NyllelaineNyeNight Mababago kaya ni Hillary Ivon Smith ang ugali ni Mr. Ruthless, na pawang pasakit ang ibinibigay sa kanya? Hanggang kailan siya magtitiis? Susugal parin ba siya sa ngalan ng pag-ibig? Da...