Chapter 16 - her Home

10K 241 28
                                    

"Forget about Prince Charming,
Go for the Wolf.
He can SEE you better,
HEAR you better,
And EAT you better."
-Wolfxblack

.

Hillary POV

"An'dami niyo pong dalang ulam Miss Hillary!" masayang sambit ni Manang Mercy.

Nandito kami ngayon sa kusina at pinagsasaluhan nila ang mga dala ko.

"Galit-galitan muna sila Miss Hillary!" natatawang baling pa niya sa mga kasamahan.

"Oo nga eh! Napansin ko rin. Wala talagang kibuan ang mga ito." ngiti naring kumento ko at napabaling na ako sa mga iyon.

Ang guwardiya, ang driver at ang dalawang utusan. Wala imikan ang apat na nasa pagkain lang ang atensiyon.

.

Isang ngiti ang pinakawalan ko. "Sa susunod ay marami pa iyan. Basta ba huwag niyo akong isumplong kay daddy at mommy ha?"

"Patay!" kagat-labing sambit ni Manang Mercy.

Napalaki naman ang mga mata ko, "Sinabi niyo na Manang Mercy?" paniniguradong tanong ko.

Nahihiyang napayuko siya.

"Huwag mong sabihing kinakahiya mo na ako my dear!" umaalingawngaw na boses na galing sa may pintuan.

Ghad, ang iskandalong lalaki ay nandito na naman!

"Hindi mo ba na-lock ang gate Simon?" tanong ko sa guwardiya.

"Diba binigyan mo na ako ng code my dear! Ako na mismo ang nagbukas para makapasok ako." nakangiting agap ni Ross habang papalapit sa kinaroroonan namin.

Oh my gulay, sa kadaldalan ko pala kanina ay naikuwento kong kapag gagabihin na kasi ako sa klase ay hindi ko na ginigising pa si Simon. Ako na lamang ang nagbubukas ng gate at walang kagatulgatol na nasabi ko pala ang code sa kanya.

Pahamak talaga itong bunganga ko. Tila nahihiyang napabaling ako kay Ross saka bahagyang napangiti. "Kahahatid mo lang sa akin tapos ay namimiss mo na ako." pabirong sambit ko at napatayo na ako.

Napalapit na ako kay Ross at iniangkla ko ang aking mga kamay sa kanang braso niya. "Let's go!" bago pa man siya makasagot ay hinila ko na siya papalabas.

"Bakit ba? Ano'ng kailangan mo? Diba sinabi kong hindi puwede dito sa bahay." medyo iritang sabi ko.

"Tiningnan ko kung okay ka lang ba talaga." sagot niya at may ipinakita pa siyang ecobag. "Ayaw mo kasing magpatingin sa doktor kaya dumaan na ako kay tito at ito ang iniresita niya."

Oh my, concern ang peg! Wala naman talaga akong allergy!

"Salamat!" bagkus ay sabi ko at kinuha narin iyon sa palad niya at inilapag sa mesa.

Nahihiya lang naman ako saka kinikilig, kaloka ang lalaking ito!

.

.

Dinala ko na siya sa harden sa labas ng bahay at naupo kami sa swinging sofa roon.

Mula sa kinauupuan namin ay mariing tiningnan ni Ross ang kabuuan ng bahay, ang lawn at ang mga nasa paligid.

Hindi na ako kumibo pa, baka kung ano na naman ang mga masabi ko, ghad!

Hindi naman kasinlaki ng mansion ng mga Martinez itong bahay namin.

CEO's Ruthless Son!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon