"If I did anything RIGHT in my LIFE it was when I GAVE my HEART to you."
-good morning quote.
Hillary POV
"Bitiwan mo nga ako Ross! Bumalik ka na nga doon sa asawa mo." iritang sambit ko kahit pa nga punung-puno na ng luha ang aking mga mata.
Bagkus na umalis ay pinunasan pa niya ng daliri ang mga luha ko.
Mabilis ko namang itinapi iyon. "Stop it!" naiinis pang sabi ko saka tangka na akong umalis.
Ngunit inakbayan niya ako. "Don't make a scene here pinagtitinginan na tayo ng mga estudyante." bulong pa niya sa akin.
Pero wala akong pakialam.
"Pag-usapan niyo na nga muna iyan. Praktis lang kami bro'." ngiti pang sambit ni Kenneth at napatingin pa sa akin, "Huwag kang bitter Hill!" bilin pa nito saka tuluyang umalis.
Hindi na ako kumibo pa at napapasunod narin ako kay Ross ng igiya niya ako papalabas ng gym.
Naaamoy ko na naman kakaibang pabango niya. Ghad, I really miss him! Na-mimiss ko ang amoy niya, ang pagsusungit niya, mga paglalambing at higit sa lahat ang pangakong ako lang ang mamahalin niya habambuhay.
Hindi ko na kayang pigilan pa ang pangungulila sa kanya at ang mga pananabik.
"Napaka-sadista lang siguro ako kahit alam kong ikinasal ka na kay Althea ay hindi ko parin mapigilan ang sarili ko." naluluhang sambit ko at niyakap ko siya.
Buong higpit ko siyang niyakap na tila wala nang bukas.
Sana'y maging akin ka na lang Ross! Sana ay naging tayo parin.
"Mahal na mahal kita Ross pero kahit si Althea man ang pinili mo ay hindi kita masisisi. Alam kong masakit pero kailangan kong tanggapin." patuloy ko at nagtangka na akong kumawala ngunit hindi naman ako makawala sa higpit ng mga yakap niya sa akin.
Sana'y tayo parin hanggang ngayon, bukas at magpakailan pa man!
Kung puwede lang sana?
Ang mga yakap niyang alam kung makakapagbigay sa akin ng seguridad at kapanatagan.
Tuluyan na namang pumatak ang mga luha ko sa mga mata hanggang pinakawalan ko narin ang mga hikbi.
Kung puwede lang na kami parin! Pero... Ghad!
"Mahal na mahal din kita Hill." sambit pa niya saka iniangat niya ang mukha ko paharap sa kanya at pinunasan ang mga likidong nanggagaling sa aking mga mata.
Wala paring tigil sa pagpatak ng mga luha ko.
Inalo naman niya ako saka hinalikan ako sa noo.
"Kanina mo pa sinasabing pinili ko si Althea. Ano ba'ng pinagsasabi mo?" ipinakita niya ang kanyang palad.
"May nakita ka ba?" nag-aalalang tanong pa niya.
Napalingi-lingi naman ako saka natigilan, "Kasal mo kanina, diba?" nalilito at nauutal na tanong ko ngunit napapangiti naman siya.
"Kasal ko nga pero hindi naman ako ang ikinasal kanina." kasayahang nasasalabi pa niya.
Hindi naman ako makapaniwala sa mga narinig.
"...pero kung dumating ka sana kanina, malamang ay tayo ang ikinasal instead na sina Ricky at Althea." nakangiting balita pa niya.
Namilog naman ang mga mata ko sa mga narinig. Si Ricky at Althea ang ikinasal? Hindi parin ako makapaniwala.
BINABASA MO ANG
CEO's Ruthless Son!
Teen FictionBook5: CEO's ruthless Son! (Completed!) by NyllelaineNyeNight Mababago kaya ni Hillary Ivon Smith ang ugali ni Mr. Ruthless, na pawang pasakit ang ibinibigay sa kanya? Hanggang kailan siya magtitiis? Susugal parin ba siya sa ngalan ng pag-ibig? Da...