Chapter 47 - Broken

8K 193 17
                                    

"It hurts to have someone in your HEART. But you can't have them in your ARMS."
-quotepix.com

.

Hillary POV

Dalawang araw na ang nakalipas simula ng umuwi ako dito sa bahay at dalawang araw narin akong nakakulong.

Grounded ako buong summer at kinuha pa talaga ni daddy ang phone ko, maging tablet at laptop ko ay nasa kanya rin lahat.

Para na nga akong Taong Paleolitiko na naninirahan sa loob ng kuweba. Na hindi nalalaman ang mga nangyayari sa labas dahil sa abala ako sa kakabantay ng apoy.

Apoy para mabuhay at mailigtas ang sarili sa mga ligaw na mga hayop.

Oh my, ano na naman ang iniisip ko?

Sino bang ligaw na hayop ang iniisip ko? Ghad, ang mga hinayupak na nagpapabigat sa kaloob-looban ko.

.

Helpless!

.

Ignored!

.

Alone!

.

Hurt!

.

Scared!

.

Scattered!

.

Hindi ko parin alam kung ano ba talaga ang ugat ng mga galit ni daddy kay Ross.

Gulung-gulo ang utak ko sa kakaisip. Lahat ay iniisip ko ng mga posibilidad na puweding hugutan ni daddy ngunit wala parin akong maisip na dahilan.

Dahil kung ang pagtangkang panggagahasa sa akin ni Ross ang tanging rason lang niya ay isang kababawan iyon.

Hindi naman 'ata ganoon kabobo si daddy para mag-react ng sobra.

Ghad, ano ba talaga? Nasapol ko ang ulo ko.

Ilang beses na ngang humingi ng tawad si Ross ngunit tila bato parin ang puso ni daddy.

Ang kamatayan ba ni Ross ang makapagpapabalik ng masayang ugnayan namin ni daddy?

Pero huwag sanang umabot sa ganoon. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ba? Tama na ang minsang binaril ni daddy si Ross.

Muli na akong napahiga sa kama. Hindi ko na naman mapigilan ang sunud-sunod na na pagpatakan ng mga luha sa aking mga mata.

Masakit na masakit.

Para narin akong pinapatay ni daddy sa mga ginagawa niya.

Bakit hindi na lang siya magiging masaya para sa amin ni Ross?

.

Naalala ko pa noon na masaya pa nga naming pinag-uusap ni daddy si Ross.

At dahil pa nga na magaling maglaro si Ross ng basketball ay naging hobby narin namin ni daddy during weekend ang paglalaro niyon.

Naging bestbuddies and best of friends pa nga kami ni daddy.

Pero ang akala kong magandang pagsasamahan namin ni daddy ay mauuwi lang sa ganito.

Gulung-gulo na naman ang isip ko! Hindi kaya ay nagseselos si daddy kay Ross?

Ghad! Wala na talaga akong maisip na dahilan.

Baka nga nagseselos si daddy!

Hanggang naramdaman ko na lamang ang pamimigat ng mga mata ko'y tanging salitang SELOS parin ang nasasalabi ko.

CEO's Ruthless Son!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon