"The successful man keeps his mind fixed on what he WANTS in life - not what he DOESN'T WANT."
-edited by: Kitz Rivera.
Hillary POV
Narinig kong umalis narin ang CEO at si Miss Jean habang ako'y nakapako parin sa kinatatayuan.
Hindi parin ako nakaka-get-over sa mga narinig mula kay Ross.
Paulit-ulit niyang dinudurog ang puso ko.
Gusto kong kumawala sa pagkakayakap niya ngunit tila wala akong lakas para itulak siya papalayo.
"Wala na ang daddy mo, itigil mo na itong pagbabalat-kayo mo?" nauutal at nanginginig na sabi ko.
Nang bitiwan niya ako'y nagpasya na akong humakbang papalabas.
.
"Saan ka pupunta?" narinig kong tanong ni Ross ngunit hindi ko na siya pinansin.
Sunud-sunod na hakbang ang ginawa ko papuntang pintuan.
"Stay!" malakas na utos niya kaya natigilan naman ako.
Napabugtung-hininga pa ako saka pinatatag ko ang sarili. "Kung gusto mong manatili akong magpanggap ng girlfriend mo ay bawas-bawasan mo iyang pagiging rude mo sa akin. Sagad na sagad na ang pasensiya ko!" naiinis paring sambit ko.
Napabaling na ako sa kanya. "Huwag na huwag mo akong ihahalintulad sa mga babae mo. Kahit ganito lang ako ay may respeto ako sa sarili ko."
"Malaki ang takot ko sa Diyos at naniniwala ako sa sagrado ng kasal dahil kailangan munang magpakasal ng babae at lalaki bago sila makipag-s*x." madiing patuloy ko. "Masahol pa sa hayop ang mga gumagawa ng labag sa kautusan."
"At tandaan mo Ross, hinding-hindi ko ibibigay sa'yo ang sarili ko. Inaamin ko hindi lang paghanga ang nararamdaman ko para sa'yo."
"Alam kong napakabata ko pa para maramdaman ito pero hindi ko madadaya ang puso ko. Mahal kita Ross, mahal na mahal! Ngunit kahit na katiting ng pagmamahal ay hindi ka KARAPAT-DAPAT." may hinanakit na sambit ko kasabay ng pagpatak ng mga luha ko.
Hindi naman nakaimik si Ross sa mga sinabi ko at maging ako'y hindi rin makapaniwala sa mga katagang lumabas sa aking mga labi.
Parang gusto kong lamunin ng lupa dahil sa mga rebelasyong isinampal ko kay Ross.
Ghad, totoo namang mahal na mahal ko siya! Pasalamat pa nga dapat siya...
Namumulang napatingin ako sa kanya.
Isang blangkong ekspresyon naman ang nababasa ko sa mga mata niya.
.
Kahit na nanginginig ang mga kalamnan ay marahan na akong napahawak sa pintuan saka itinulak iyon.
.
Pagkalabas ko'y nanginginig pa ang mga kamay ko habang inilalabas ko ang phone ko at itinext ko na ang driver ko na sunduin ako.
.
Habang papalabas na ako nang Rossbeer ay ngiti parin ang salubong sa akin ng mga empleyado.
.
BINABASA MO ANG
CEO's Ruthless Son!
Ficção AdolescenteBook5: CEO's ruthless Son! (Completed!) by NyllelaineNyeNight Mababago kaya ni Hillary Ivon Smith ang ugali ni Mr. Ruthless, na pawang pasakit ang ibinibigay sa kanya? Hanggang kailan siya magtitiis? Susugal parin ba siya sa ngalan ng pag-ibig? Da...