Chapter 19 - her Plan

8.3K 227 17
                                    

"I am not afraid of storms for I am learning how to sail my ship."
-Louisa

.

Hillary POV

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa sunud-sunod na katok sa pintuan.

Ghad, umagang-umaga nambubulabog!

Tinakpan ko ng unan ang magkabilaang tenga ko.

Pagud na pagod ako. Puyat na puyat! At antok na antok! Nakakainis!

.

Wala namang tigil na katok ang mga narinig ko. Paulit-ulit, na tila ba palakas nang palakas.

.

Nakakairita! Itinapon ko na doon ang hawak na unan. My goodness!

.

Napatayo narin ako at padabog na tinungo ang pintuan saka naiiritang binuksan iyon. "Distorbo, natutulog pa ako. Bakit ba?" inis pangtanong ko.

Nakita ko si Manang Mercy, nag-aalalang-alala ang mukha niya. "Miss Hillary, pasensiya na sa abala! Tumatawag raw kasi sa'yo kagabi pa ang mommy ninyo pero hindi mo sinasagot ang mga tawag niya."

"Eh sa natutulog ang tao! Paano ko masasagot? Puwede ba'ng pagsabayin ang pagtulog at pag-receive ng phone?" wala sa mood na angal ko.

"Masyado lang nag-aalala ang mommy niyo Miss Hillary." kalmado paring sabi niya.

Kunot-noong tiningnan ko siya at wala ng anumang boses ang lumabas sa mga labi ko.

Gusto ko lang sa ngayon ay matulog!
Matulog!
Matulog!
Matulog!
Iyon lang.

Masakit ang buong katawan ko, pati puso ko, atay, apdo at lahat na laman loob ko! Ghad, saklap!

Muli ko na namang naalala ang mga nangyari kagabi. Masarap tirisin ang lalaking iyon.

Pinasasakit lang niya lagi ang ulo ko at ang puso ko! Tutal wala kasi siyang puso kaya hindi niya nararamdaman ang mga nararamdaman, kairita!

Tangka ko nang isara ang pintuan nang maagap na, "Kanina pang six thirty sa baba ang boyfriend ninyo Miss Hillary. Ma-li-late na raw kayo sa opisina."

Oh my, at sinundo pa talaga ako! "Wala akong boyfriend!" naiinis na pagtatama ko. Ang kapal ng lalaking iyon. Nakakainis!

"Pero?" takang bulalas niya.

"Ang totoo niyan ay nagpapanggap lang ako na girlfriend niya Manang Mercy. Sabihan mo sina Simon na huli na itong pagtapak ng lalaking iyon sa pamamahay natin at palitan ng code ang gate." makapangyarihang bilin ko.

"At sabihin mo sa lalaking iyon na natutulog pa ako kaya huwag akong bulabugin. Hindi ako papasok!" patuloy ko.

"Mahigit isang oras na siyang naghihintay sa labas Miss Hillary. Ilang ulit ka narin raw niyang tinatawagan." kamot-noo pang sabi niya at mukhang nahihirapan narin sa sitwasyon.

Napabugtung-hininga na ako, "Maliligo lang ako!"

.

Isinara ko na ang pintuan saka tuluyan narin akong pumasok ng banyo.

.

Halos kalahating oras din akong naligo.

.

Binistidahan ko ang sarili sa salamin. Namamaga ang mga mata ko ngunit kailangan kong magpakatatag.

.

Dinagdagan ko pa ang make-up ko para itago ang mga pangingitim ng mga eyebags ko at ang mga kalungkutang nakaguhit sa aking mukha.

Kung ganito ang gusto mo Ross, then maglalaro tayo!

Hindi ko rin kailangang ipagpipilitan ang sarili ko sa'yo.

Ang bata ko pa para ma-alarmang mapang-iiwanan ng panahon. Mayroon pa akong seven years para makahanap ng one true love!

Pagkatapos ng party mamayang gabi ay katapusan narin ng pagpapanggap kong girlfriend mo Ross!

...pero kailangan ko munang ipamukha sa'yong maraming lalaki ang magkakagusto at nagkakandarapa sa akin!

At hindi ka karapat-dapat sa pagmamahal ko!

Ngayong gabi makikilala mo ang isang Hillary Ivon Smith, na sinasamba ng mga kalalakihan.

Humanda ka Ross Lawrence Martinez!

HUMANDA KA!

.

Pangiti-ngiti na ako habang papalabas ng room ko.

.

Isang itim na sasakyan ang sumalubong sa akin paglabas ko ng bahay.

Bago na namang sasakyan ang gamit niya at may kasama pa siyang driver.

Ngayon na ba kami pupunta ng party? Masyado pang maaga ah! Nasa kanya pa nga ang susuutin ko para mamaya.

.

Kinuha pa ng chauffeur ang kanyang sombrero saka bahagyang napayuko sa akin sabay bati. Parang prinsesa ang salubong sa akin!

Naniniwala din malamang ang hinayupak na ito na girlfriend ako ng malanding boss niya.

At pinagbuksan na ako sa backseat.

Pagkabukas niya'y nakita ko si Ross na ngiti pang nakaupo roon.

Kinabahan akong bigla pero kailangan kong maging matatag. Isang mapagkunwaring ngiti ang pinakawalan ko.

"I'm sorry. Let's go!" saka pumasok na ako ng sasakyan.

Napatango naman siya saka napangiti.

Kung ano'ng saklap ang sitwasyon ko kagabi ay siya namang ikinaganda ng timpla ng lalaking ito. Masarap talagang tirisin!

.

Pinatakbo narin ng chauffeur ang sasakyan.

.

Hindi na ako umimik pa. Sa labas ko na itinuon ang aking atensiyon.

Don't spoil the day! Paulit-ulit na iniisip ko. Kailangan kong maging matatag!

Mapagkunwaring ngiti ang pinakawalan ko.

Ramdam na ramdam ko ang mga kakaibang titig ni Ross, na tila nanunuot sa kaibuturan ko ngunit hindi ko na siya pinansin pa.

Magmoving-on na nga diba!
Ilang ulit ko naring sinabi pero ngayon ay tunay na tunay na talaga. This is it!

Hanggang mamaya na lang ang pagpapanggap ko.

Pagkatapos ay paalam na Ross! Itigil na natin ang kahibangan ito.

Nakakapagod na!

----------------------------------------

Please don't forget to press the star and leave a comment!
Thanks a lot! Lovelots! 💖

-NyllelaineNyeNight

CEO's Ruthless Son!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon