"Everyone has the right to be HAPPY without feeling GUILT."
-ILiketoquote.com.
Ross POV
"Itigil mo na itong kahibangan mo kay Hillary." narinig kong sambit ni daddy buhat sa may pintuan.
Napabaling ako sa kanya kahit alam kong punung-puno nang luha ang buong mukha ko.
Hindi ko na matatago pa ang mga nararamdaman ko.
"Para mo narin akong inutusang magpakamatay dad!" nasasaktan sagot ko saka napaupo na ako sa aking snivel chair at napahawak na naman ako sa aking ulo.
Nakakunot-noong napalapit naman sa akin si daddy samantalang ngiting asong nakangisi naman si Ricky.
"Don't worry kuya, ipalilibing ka namin agad!" natatawang sambit pa nito.
Naiinis na tiningnan ko si Ricky, "Kung tinutulungan mo akong mag-isip ng dapat kong gawin ay pasasalamatan pa sana kita." nayayamot na sabi ko roon.
"Okay, hindi mo naman kasi sinabi agad na kailangan mo ang tulong ko." nakangisi paring sagot nito.
Nilapitan narin ako ni Ricky. "Ano'ng maitutulong ko?" pangiti-ngiti paring tanong. "Itigil mo na nga iyang pag-iyak-iyak mo! Para kang batang inagawan ng lollipop. An'tanda mo na, iyakin ka parin." patuloy pa nito saka tinapik-tapik na ang balikat ko.
Masarap talagang upakan pero huwag na muna dahil kakailangangin ko pa ang tulong nito. Bakit pa kasi ako nagkaroon ng kapatid na ganito? Ghad!
"Nakapag-usap na kami ni Justin kanina." malungkot na balita pa ni daddy.
Napalaki naman ang mga mata ko sa mga naririnig at nahihiyang napayuko.
Kung dati ay napakataas ng tingin ko sa sarili ko, ngayon ay iba na.
Lahat ng kahihiyan ay nakadikit na sa akin. Wala ng ginawa si daddy kundi ang sagipin ako.
"I'm sorry dad! Lagi mo na lang akong tinutulungan." nahihiyang sambit ko.
Napaupo narin si daddy sa harapan ng table ko. "Ano ba'ng nangyayari? Bakit ka nagkakaganito? Hindi ko parin lubos maisip na magkakaganito ka."
"Malakas ang tama niyan dad! Napaka-unreachable kasi dati kaya iyan tuloy napagod narin sa kanya si Hillary." sinamahan pa niya ng nakakalokong tawa.
"Sinabi kong tulungan mo ako, hindi 'yong dinadagdagan mo pa ang sakit ng ulo ko." naiinis na sambit ko kay Ricky.
"Dad, kapatid ko ba talaga ito?" baling ko kay daddy.
Bagkus ay sagutin isang galit na aura ang gumuhit sa mukha ni daddy. "Ako ang sinisisi si Justin sa mga nangyari. Pinagbabawalan ka na niyang lumapit kay Hillary."
Natigilan naman ako sa mga narinig kay daddy, "Hindi puwede dad!" angal ko.
Napalingi-lingi naman si daddy, "Gaya ng sabi ko, pagkalabas mo ay magpapakasal ka na kay Althea."
"Hindi ako magpapakasal kay Althea! Bakit niyo ba ako pinipilit na magpakasal sa kanya?" nagagalit naring sambit ko.
"Bibiguin mo na naman ba ako Ross Lawrence?" nagpipigil paring sabi ni daddy.
Napatahimik naman ako. Ilang beses ko nang binigo si daddy at paulit-ulit ko na naman siyang bibiguin.
Maaatim ba ng puso ko na makasal sa ibang babae?
Hindi ko alam kung mahal ko na ba si Hillary, pero siya lang ang babaeng gusto kong makasama habambuhay.
"Kinausap ko na si CEO Mondragon. Handa na ang lahat para sa engagement party kaya ihanda mo na ang sarili mo." makapangyarihang sambit ni daddy saka napatayo na siya at walang pasabing nilisan ang opisina ko.
Gusto kong umiyak. Naghihinagpis ang kalooban ko.
Ayaw kong pakasalan si Althea. Sh*t, ano ba'ng dapat kong gawin? Ipinatong ko na ang dalawa kong kamay sa aking ulo at sunud-sunod na mura ang lumabas sa aking mga labi.
.
"Pakasalan mo na lang si Althea, tutal naman ay may Carlos na si Hillary! Pakawalan mo na si Hillary." mahinang pagkakasabi ni Ricky ngunit tumagos sa dibdib ko.
Naluluhang napatingin ako sa kanya, "Iyan ba ang nararapat kong gawin?" naguguluhang tanong ko.
Napalingi naman siya. "Hindi!" seryosong sagot narin niya.
Ibinaba ko na ang mga palad ko at mariing napatingin sa kanya.
"Sabi nga nila kapag mahal mo ang isang tao ay kailangan mong pakawalan. Pero isang kalokohan..." direktang sambit niya.
"Mahal mo ba si Hillary?" patuloy pa niya at sinamahan na naman ng isang nakakalokong mga ngiti, "Bakit ko pa itinatanong? eh, halata na nga!"
"Kakausapin ko ang daddy ni Mike para matulungan kang mapawalang-bisa ang court order mo." patuloy pa niya.
Bigla naman akong nabuhayan sa mga narinig. Minsan ay may sense din palang kausap ang isang ito!
"...baka kasi maunahan ka pa ni Carlos! Kawawa ka naman my poor brother!" nakangisi na namang sambit niya.
Ghad, parang gusto ko na tuloy upakan ang isang 'to! Hindi talaga maalis ang mga kalokohan niya.
Pero napapangiti narin ako.
Hindi ko hahayaang mapunta ka sa iba Hill, lalo na sa Carlos na iyon.
Akin ka lang Hill...
Mamahalin mo rin ako ulit!----------------------------------------
Please don't forget to press the star and leave a comment!
Thanks a lot! Lovelots! 💖-NyllelaineNyeNight
BINABASA MO ANG
CEO's Ruthless Son!
Teen FictionBook5: CEO's ruthless Son! (Completed!) by NyllelaineNyeNight Mababago kaya ni Hillary Ivon Smith ang ugali ni Mr. Ruthless, na pawang pasakit ang ibinibigay sa kanya? Hanggang kailan siya magtitiis? Susugal parin ba siya sa ngalan ng pag-ibig? Da...