Chapter 32 - the News

9.1K 215 41
                                    

It's not always the TEARS that measure the PAIN. Sometimes it's the SMILE we FAKE."
-curiano.com

.

Hillary POV

Halos labing isang oras din ang binyahe namin hanggang sa narating ang Daniel K. Inouye International Airport sa Honolulu, Hawaii.

Ayaw ko sanang magpahatid ngunit mapilit lang talaga si Carlos.

Inihatid pa niya ako sa Waikiki kung saan naroon ang Smith Villas, na pinagmamay-arian ng panganay na kapatid ni daddy.

Nasorpresa sila nang makita ako ngunit mas nagulat ang lahat nang makita nila si Carlos.

Nagulat man ay mas pinili parin ni daddy ang maging mahinahon kahit pa nga'y nang-uusig ang mga titig niya sa akin.

Imagine, katatapos na nga lang ng kaso ko. Ngayon naman ay may isang lalaki na naman akong kasama.

Napapangiti narin ako. Dahil kung saan ay nababalot ng tensiyon ang nangyari kahapon pagkarating namin ni Carlos. Ngayon naman ay masaya na ang lahat na nandidito sa tabing-dagat at nagsasalu-salo.

Mainit naman na tinanggap nina daddy si Carlos, maging ang pamilya ni daddy.

Nakikita ko nga mula dito ang magandang pakikisalamuha ni Carlos sa mga limang pinsan ko. Na taliwas naman sa sinabi ni Ricky na may pagka-exclusive ito.

Naalala ko na naman ang hinayupak na iyon! Ilang beses niya rin akong pinuntahan sa bahay ngunit gaya ni CEO Lawrence ay hindi ko sila hinarap mag-ama.

Ghad, ano na naman itong mga pinagkakaabalahan nang isip ko? Nakakainis!

Don't spoil the day Hillary! Paulit-ulit na sinasabi ng utak ko.

Isinandal ko na ang likuran ko sa bench at bahagya na akong napapikit habang sinasamyo ko ang maaliwalas na paligid.

.

Ngunit napamulat ako ng marinig ko ang tawag sa aking pangalan.

Hindi ko inaasahang si Dianne iyon na nasa di kalayuan at kumakaway pa papunta sa kinaroroonan ko.

Ghad, hindi ako makapaniwala habang papalapit siya.

Napapangiti narin ako at napatayo na ako saka patakbong nilapitan iyon.

Isang mainit na yakap ang ibinigay ko sa kanya at pinanghahalikan ko siya sa noo.

"My goodness, ikaw nga Besy!" nagtitiling sabi ko habang yakap-yakap ko parin siya.

"Na-mimiss kita Besy!" naluluhang sambit naman ni Dianne.

"Nakita ko ang mukha mo sa newspaper kaya nagbakasakali kami ni Jimmy na baka nandito ka sa Villas." nakangiting itinuro pa niya si Jimmy na kausap narin si Carlos.

"Oy Fiancée ka na pala ni CEO Carlos tapos hindi mo man lang ikinukuwento sa akin na kayo na." parang batang nagtatampong patuloy pa niya.

Napanganga naman ako saka napalaki ang aking mga mata. "Fiancée? Ako? Agad-agad? Ghad!" napalingi-lingi na ako.

"Nagproposed naman talaga siya pero hindi ko pa tinatanggap ang proposal niya sa akin." iginiya ko narin siya papuntang bench.

Napangiti naman siya, "Talaga lang ha? At bakit hindi mo pa tinatanggap? Mukha namang mabait si Carlos saka pa'nong naka-headlines pa talaga sa newspaper na engage ka na?" tanong niya at napapaupo narin.

Napaupo naman ako sa tabi niya saka hindi ko napigilang napakamot ng ulo. "Ang bata ko pa Besy para magpakasal." namumulang sagot ko.

"Hindi pa nga ako nakakapag-graduate Besy. Later na iyan kapag naging engineer na ako dahil pipila silang lahat at ako naman ang mangdideadma sa kanila." natatawa naring patuloy ko.

"Halos magkakaedad lang naman tayo Besy pero tingnan mo ako ngayon, buhay Reyna ako kay Jimmy." mangislap-ngislap pang sagot niya.

Napapangiti narin ako para kay Dianne. Ilang baldeng luha din 'ata ang pinakawalan niya saka niya napapaibig si Jimmy.

Ako kaya? Mamahalin din kaya ako ni Ross gaya ng pagmamahal ko sa kanya? Ghad, ano na naman itong naiisip ko?

Masarap talagang untugin ang ulo ko sa semento para matauhan ako!

Iniba ko na ang atensiyon. Napabaling ako kay Carlos. "Inili-labeled ko nga siyang guwapo, simpatiko at madating Besy! Pak na pak! Pasok sa banga, makapuno sa paso! Ghad, saan ka pa makakahanap ng perfect papa right?" para naring kinikilig na sambit ko kahit hindi naman.

Napatawa naman siya. "Hindi parin kumukupas ang pagiging clever mo Besy!" kinindatan pa niya ako.

Napaseryoso naman ako, "He's too good for me Besy!" nagdadalawang sambit ko saka napalingi na ako.

"...Pero hindi ko alam kung pasok ba ako sa expectation niya? Lahat sa kanya perfect na, ako naman..." isang malalim na bugtung-hininga ang pinakawalan ko at tinitigan pa si Dianne sa mga mata.

Napatahimik narin siya saka napapaisip narin.

"Hindi ko alam kung mag-click ba kami ni Carlos dahil hindi parin ako makakamove-on Besy..." nauutal pang sambit ko.

"...sa pagiging MAGANDA!" nagpipigil na tawang patuloy ko.

Binatukan naman niya ako. "Pasaway, akala ko kung ano na!" walang pigil sa kakatawang sambit pa niya.

Napapaisip narin ako habang nakatingin kay Dianne. Twenty pa nga lang siya ngayon at nakatali na siya kay Jimmy.

Bata pa nga siya ngunit mayroong contentment at satisfaction na ang nasa mukha niya.

Mahal na mahal talaga niya si Jimmy at mahal rin siya nito!

Ghad, PAG-IBIG!

Napabaling narin ako kay Carlos. Tatanggapin ko ba ang alok niya?

Magpapaalipin ba ako sa isang relasyon walang pagmamahal?

Magiging masaya kaya ako gaya ng mga nakikita ko kay Dianne?

Oh my, ano ba itong mga iniisip ko?

----------------------------------------

Please don't forget to press the star and leave a comment!
Thanks a lot! Lovelots! 💖

-NyllelaineNyeNight

CEO's Ruthless Son!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon