Chapter 40 - with his Dad

8K 193 16
                                    

"Don't wait for someone to bring you FLOWERS. Plant your own GARDEN and DECORATE your SOUL."
-lovequoteswiki.com

.

Ross POV

"Let's go home Ross Lawrence!" narinig kong sambit ni daddy kaya napamulat ako ng mga mata.

Pagkamulat ko'y unang kumuha ng atensiyon ko ang isang hindi kilalang silid na kinaroroonan ko. "Nasaan ako dad?" hinang-hinang tanong ko at nakita ko ring naka-dextrose pa pala ako.

Ngunit imbes na sumagot ay isang nagbabagang tingin ang ibinigay ni daddy sa akin.

Nag-sink-in naman sa aking ang mga pinaggagawa ko sa Villas. Tangka na akong bumangon ngunit may masakit akong naramdaman buhat sa aking tagiliran.

Binaril pala ako ng daddy ni Hillary. "Dad, gusto kong makausap si Hillary!" mahinang sabi ko.

"Inaayos ko na ang mga papeles mo. Uuwi na tayo sa Pi'nas. Pinagsabihan na kitang itigil mo na itong mga kalokohan mo pero ayaw mo paring makinig sa akin." makapangyarihang sambit ni daddy, na puno ng galit.

Hindi na ako kumibo pa dahil walang patutunguhan itong pakikipag-usap ko kay daddy.

Napahiga na ako ulit at napatingin na lamang ako sa kisame. Kaya kong tiisin ang lahat ng sakit para maipakita kong mahal ko si Hillary.

"Alam ko ang mga tumatakbo ngayon sa isip mo Ross Lawrence kaya sinasabi ko sa'yo na kilala ko si Justin, hindi ka magtatagumpay sa mga binabalak mo." dumadagundong na sabi pa ni daddy sa apat na sulok ng silid.

"Dad, bakit hindi mo na lang kasi kausapin si Justin na pakakasalan ko si Hillary kahit ngayon na mismo." kumento ko kay daddy.

Natigilan naman si daddy sa sinabi ko. Hindi ko mabasa ang mga ekspresyong gumuhit sa mukha niya.

Ilang bugtung-hininga ang pinakawalan niya saka napapaisip narin siya ng malalim.

"Ang bata-bata pa ni Hillary para magpakasal." walang ekspresyong sambit ni daddy at tangkang lisanin ang silid.

"Bakit kong si Hillary ay hindi puwede? Pero kung si Althea ay ora-mismo? Halos magkakaedad lang naman kaming tatlo." may hinanakit na tanong ko.

"Magkaiba sina Hillary at Althea." nagpipigil na sagot ni daddy at muling hinarap ako.

"Pero mahal ko si Hillary dad at handa akong pakasalan siya." sambit ko at nakipagsukatan narin ako ng tingin sa kanya.

"Itigil mo na itong kahibangan mo Ross Lawrence!" may galit na namang sabi niya. "Aalis na tayo pagbalik ko. Aayusin ko lang ang mga papeles mo!"

Hindi na ako umimik pa. Sinundan ko na lamang si daddy ng tingin habang papalabas ng silid.

"Huwag ka ng magtangkang tumakas ulit dahil malilintikan ka na sa akin! Isang pagkakamali na lang." pagbabanta pa niya sa akin saka tuluyan na niyang pinihit ang lever pabukas.

Napahawak na ako ng aking tiyan saka tinitingnan ko ang sugat ko. Daplis lang naman ito, malayo sa puso.

Hindi mo ako mapipigilan dad! Ngiting nasasaisip ko at tinanggal ko na ang dextrose na nakakabit sa kamay ko at napaupo na ako sa kama.

Pinaikot ko na ang tingin, nakita ko ang backpack ko na nasa side table.

Marahan ko nang iniabot ang sleepers na nasa sahig.

Ilang beses akong nagpakawala ng hangin sa dibdib saka nagpasya na akong tumayo.

Dahan-dahan ko ng nilapitan ang backpack ko at kinuha ko na iyon bago tinungo ko ang pintuan.

Hindi mo ako mapipigilan dad! Gagawin ko parin ang gusto ko.

Ngunit laking gulat ko nang biglang bumukas ang pintuan...

----------------------------------------

Please don't forget to press the star and leave a comment!
Thanks a lot! Lovelots! 💖

-NyllelaineNyeNight

CEO's Ruthless Son!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon