Chapter 7 - the First kiss

11.8K 301 7
                                    


"You can't live a lie. You have to follow your HEART."
-Paul Weller

.

Hillary POV

Parang nagdadabog na humahakbang si Ross pababa habang sumusunod ako. Ghad, kalaking tao tapos parang bata kung umasta!

"See, sinasabi ko na ngang maghihiwalay din kayo. Hindi pa nga lumipas ang biente kuwatro oras ay away-tampuhan na kaagad." sarkastikong boses ang narinig ko na nasa di kalayuan.

Napatingin ako roon. Nakita ko si Ricky na nakasandal sa balustrade ng balcony na may hawak na isang boteng alak at ang isang kamay naman ay ice cap, na inilalagay sa kanyang panga.

Kinindatan pa niya ako, "In case na hiniwalayan mo na Hill si kuya, abisuhan mo ako ha dahil magpapaparty tayo... sagot ko!"

Hindi na ako nakaimik. Ano'ng tripping ng hinayupak na ito? Ghad, parang sabog sa UBAS!

Naramdaman kong napalapit sa akin si Ross at inakbayan ako. "Huwag mong pansinin ang isang iyan my dear!" sabi niya at iginiya na ako pababa ng hagdanan.

"Huwag na huwag mong ibibigay ang v-card mo sa kanya Hill. Iiwan karin niyan. Magsisisi ka lang sinasabi ko sa'yo." pahabol pang paalala ni Ricky habang sunud-sunod na namang umiinom ng alak.

Napakabastos talaga ng bunganga ng lalaking ito. Bakit ko naman ibinigay ang sarili ko kay Ross? An'suwerte niya!

Napatingin na ako kay Ross, nakita kong napalingon siya sa kapatid, "Nakuha ko na nga matagal na at malamang ay magkakapamangkin ka na nga." ngiting balita pa niya sa kapatid saka napataas-noo. "Kahit mag-ninong ka pa!" ngisi pang patuloy niya.

Namula naman ang mukha ko. Bahagyang siniko ko si Ross, "Ano'ng pinagsasabi mo?" pabulong na angal ko.

Ghad, hindi pa nga ako nagkakaroon ng first kiss, buntis agad?

"Buntis si Hillary?" narinig kong panlilinaw ni Mr. Lawrence, na kakalabas lang din ng room.

Namilog naman ang mga mata ko. Ghad, lagot na! Napakagat-labi ako.

"Kung ganoon ay dapat na dito ka na titira sa mansion. Sasabihin ko sa daddy mo." patuloy pa ni Mr. Lawrence.

Oh my, hindi ko kinaya... "No tito, huwag niyo hong sabihan si daddy. Hindi ho ako buntis!" nauutal na pagtatama ko.

Bahagyang pinisil naman ni Ross ang beywang ko.

Ghad, hindi ko maipaliwanag ang bulta-bultahing koryenteng dumaloy sa katawan ko! Napatingin na ako sa kanya at pasimpleng tinanggal ang kamay niya sa beywang ko.

"Hindi pa kumpirmado dad pero alam kong sooner or later. Kaya ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa iyo na mas mabuti pang si Ricky na lang ang ipapakasal mo kay Althea." ngising pang baling niya sa kapatid. "Iyan din kasi ang makapagpapaligaya sa kanya."

"Nagbago na ang isip ko, mas type ko na 'ata ngayon si Hillary kaysa kay Althea. Hindi mo pa naman pala nabubuntis, eh di mag-unahan na lang tayo!" nakangisi ring sagot ni Ricky at nagflying-kiss pa sa akin.

"Tarantado!" mariing bulyaw ni Ross at tangkang sugurin ang kapatid kaya napahawak na ako sa magkabilaang beywang niya.

Sobrang kinabahan ako. Hindi ko matagalan ang tensiyong namamagitan sa dalawa. "Please Ross, calm down!" parang naluluhang sabi ko.

CEO's Ruthless Son!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon