"Forgiving is not forgetting.
It's letting go of the HURT."
-the Fresh Quotes.
Hillary POV
Tahimik lang ako habang inaayos na ni Manang Mercy ang mga dadalhin ko.
Mariing nakatingin lang ako sa center table kung saan nakalagay ang ticket ko, ang passport at ang iba pang mga dokumento.
Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay daddy pagdating ko roon ang mga nangyari.
Kinikilabutan na ako. Dahil sa mga katangahan ko kaya nangyari ang lahat ng ito.
Parang gusto kong batukan ang aking sarili.
Nagpapaka-desparada kasi ako kaya ganito tuloy ang mga nangyari sa akin.
Paano pala ako makakamove-on kung palagi kong naaalala ang lalaking iyon!
Bakit pa kasi ako naghuhumaling doon? Napakasadista lang siguro ako dahil matagal ko na ngang alam na ganoon ang ugali niya'y pumayag parin akong magpanggap ng girlfriend niya.
Muli ko na namang naaalala ang apprenticeship ko. Hindi narin ako makaka-graduate next year kapag hindi ako makakapagsumiti ng gradu.
My goodness, dahil parin sa pagiging katangahan ko kaya ma-i-extend pa ang pagtatapos ko.
Parang ma-freeze pa 'ata ang future ko. Nakakalungkot na nakakainis!
.
(fast forward sa Ninoy Aquino International Airport)
.
Hanggang sa inihatid na ako nila Manang Mercy dito sa airport ay nanatiling malayo parin ang iniisip ko.
"Nakakapanibago kayo Miss Hillary. Napakatahimik mo ngayon." nag-aalalang sambit pa niya ngunit isang ngiti lang ang itinugon ko roon.
Nanatili akong walang imik. Tahimik na akong bumaba ng sasakyan.
.
.
Papasok na ako ng airport nang narinig ko ang tawag mula sa likuran ko.
Hindi ako makapaniwalang napalingon ako roon.
Nakita ko si Ross, may dala itong travelling bag at iwinagayway pa niya ang kanyang passport at ticket.
Napakunot-noo ako. Saan naman pupunta ang lalaking ito? Sasama siya? My goodness, huwag ka ngang mag-assume Hill!
Hindi ko na siya pinansin pa. Pumasok na ako para magcheck-in.
.
.
"Hello my loves! How are you?" masayang bati pa mula sa likuran ko.
Napalaki ang mga mata ko sa mga narinig.
OMG, that voice!
Napabaling na ako roon.
Nakita ko si Carlos, abot hanggang tenga ang mga ngiti sa mga labi niya. "Hindi mo pa ako tinatawagan my loves." ibinigay narin niya sa teller ang kanyang ticket para makapag-check-in narin siya.
Ghad, ang guwapo, simpatiko at madating na lalaking nakilala ko sa party ay nandito din ngayon!
Wow na wow! Same flight at the same time pa talaga, kaloka!
Gusto ko namang upakan ang sarili ko, hindi pa nga ako nakaka-get-over, eh kumikinding na naman ako!
Behave ka nga Hillary! Mapapahamak ka na naman sa ginagawa mo. Paulit-ulit kong sinasabi sa utak ko.
Pero infairness, isang lifetime commitment itong inu-offer sa akin ng lalaking ito.
I-grab ko na ba? Guwapo, simpatiko at madating nga diba. Hindi na ako lugi kung sakali man at saka mayaman pa.
Saan ka pa makakakita ng complete package diba? Ngiting nasasalabi ko. Pak na Pak!
"Nakita ko ang boyfriend mo sa labas, hindi siya pinapasok! May court order na hindi siya puweding lumabas ng Pilipinas." seryosong balita pa niyon.
Natauhan naman ako at napatingin ako sa kanya. Boyfriend? Ako? May mga kalungkutan akong nababasa sa mga mata niya.
Napatingin na ako sa entrance. Hindi na maipinta ang mukha ni Ross habang nakikipag-usap parin sa mga nandoon.
Buti nga sa'yo! Ngiting nasasaisip ko.
Napatingin pa siya sa akin kaya mabilis ko ng binawi ang mga tingin ko at muling napatingin ako kay Carlos.
"Hindi ko siya boyfriend!" may paglalambing pang sambit ko at napahawak na ako sa palad niya.
"Tapos ka na ba?" ngiti pang tanong ko.
Iniabot narin niya ang kanyang passage sa teller. "Yeah, let's go!" nabuhayang tugon niya saka magkasabay na naming tinungo ang cashier para bayaran ang terminal fee namin.
Ross POV
"Sir nasa hitlist po kayo. Hindi kayo puweding magtravel papalabas ng bansa." dumadagundong naman ang tenga ko sa mga narinig.
Marami-rami narin ang mga taong papasok ng airport. Lahat ay nakakadaan, maliban sa akin.
Pinagtitinginan na ako pero wala akong pakialam.
"Ano'ng hitlist? Na-release na ako kanina kahit tawagan niyo pa ang NBI." napalingi-lingi na ako.
Gusto kong samahan si Hillary sa biyahe at kailangan kong kausapin ang mga parents niya.
Ngunit paano? Ayaw akong papasukin sa airport. Hindi naman ako isang kriminal para sabihin nilang nasa hitlist.
Napabaling na ako sa kinaroroonan ni Hillary.
Biglang may tumusok sa puso nang makitang kasama na naman niya si CEO Carlos Castro.
Wala akong magawa habang sinusundan na lamang sila ng tingin.
Nawawarak ang dibdib ko sa sakit!
Nagdurugo ang puso ko sa kirot!
Masakit na masakit!
----------------------------------------
Please don't forget to press the star and leave a comment!
Thanks a lot! Lovelots! 💖-NyllelaineNyeNight
BINABASA MO ANG
CEO's Ruthless Son!
Genç KurguBook5: CEO's ruthless Son! (Completed!) by NyllelaineNyeNight Mababago kaya ni Hillary Ivon Smith ang ugali ni Mr. Ruthless, na pawang pasakit ang ibinibigay sa kanya? Hanggang kailan siya magtitiis? Susugal parin ba siya sa ngalan ng pag-ibig? Da...