"Sometimes LIFE hits you in the head with a brick. Don't lose FAITH."
-Steve Jobs.
Ross POV
"Mabuti na lang at nabayaran ko ang pananahimik ng media. News blackout ang kaso mo Ross Lawrence." may galit na sambit ni daddy.
Buong pangalan ko talaga ang binibigkas niya kapag may mga kapalpakan akong pinaggagawa. Pero hindi niya naisip na pangalan naman niya ang Lawrence kaya mana-mana lang.
Nakakamatay na tingin ang ibinigay ko kay Ricky, na sinungaling. "National television pala ha?"
"Hindi ba puweding mang-goodtime? Nakakatawa kasi eh. Hindi kayang ipinta ang pagmumukha mo." nakangising paliwanag pa nito.
"Kung HINDI ay di ko na alam kong ano ang kahahantungan mo Ross Lawrence. Sinisira mo ang credibilidad ng pamilya. Ano ba'ng pumasok sa isip mo at ginawa mo ang kapangastangang iyon? Nakakahiya ka!" pani-nermon pa ni daddy sa akin kaya napabaling na ako ulit ng tingin sa kanya.
"Sa Resthouse pa talaga. Mabuti na lang at nandoon si Ramon ng dumating ang mga NBI kaya natawagan niya ako agad." patuloy pa ni daddy.
Nanatili namang nakatikom ang mga labi ko. Parang papatayin na nga ako ng tito ni Hillary sa mga oras na iyon.
"Kung hindi ay pinagpipistahan ka na ngayon ng mga oud kuya." madiing ngisi parin ni Ricky.
Masyadong papansin talaga ng isang ito pero tama nga naman sila ni daddy.
"Kinausap ko na si NBI Agent Smith para sa negosasyon pero ayaw niya. Si Hillary lang ang kailangan nating makausap para mapawalang-sala ka." patuloy pa ni daddy.
Natigilan naman ako.
Muntik ko ng maangkin si Hillary dahil mas pinili ko na magpatangay sa selos ko. Hindi ko na inisip ang mga nararamdaman niya.
Paulit-ulit niyang sinasabing respituhin ko siya pero hindi ko iyon ginawa.
Tagos hanggang laman ang kasamaan ko.
Ano'ng mukha ang ihaharap ko sa kanya ngayon?
Mapapatawad kaya niya ako?
Bullsh*t! Gusto kong upakan ang sarili.
.
"Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Justin dahil sa mga nangyari. Nag-usap pa kami noong isang araw tungkol sa relasyon ninyo ni Hillary." nagbabagang tinitigan ako ni daddy, na parang susuntukin ako.
Nakaramdam narin ako ng hiya para sa sarili ko. Paano ko haharapin ang mga magulang ni Hillary?
"Hindi sila dad! Wala silang relasyon ni Hillary." sabad na naman ni Ricky.
Hindi naman ako nakakibo. Tila may garalgal na nasa lalamunan ko.
Ano ba'ng nararapat kong gawin?
"Isa pa iyang pagpapanggap niyo." galit naring sambit ni daddy. "Akala mo'y mabibilog mo ang ulo ko? Kilalang-kilala kita mula pagkabata Ross Lawrence. Bawat buka ng labi mo ay alam ko kung totoo o hindi."
Napalaki naman ang mga mata ko. Alam ni daddy?
"Kung pumayag ka na lang sa engagement ninyo ni Althea ay hindi mangyayari ito." madiing patuloy pa niya.
Napalingi naman ako. Hindi ko nakikita ang sarili ko na makasal kay Althea. Isang kahibangan ang makasal sa kanya.
Gusto kong ako ang pipili ng babaeng pakakasalan ko.
"Kapag makipag-negotiate si Hillary at mawalang-sala ka ay ikakasal ka na kay Althea paglabas mo dito." sambit pa ni daddy.
Natigilan naman ako sa mga narinig. Ipakakasal parin niya ako kay Althea? Hindi ako makapapayag.
"Hindi dad, mas gugustuhin kong makulong na lang ako kaysa ang magpakasal kay Althea. Isa ring life sentence ang makasal sa kanya." naiinis naring sabi ko.
Ghad, damn it! Bakit si Hillary ang naiisip ko?
Napatingin naman ako kay Ricky. "Bakit hindi na lang si Ricky ang ipakasal mo doon?" mahinang suhesiyon ko.
"Si Hillary ang pakakasalan ko dad!" hindi ko napigilang sambit ng mga labi ko.
"Nababaliw ka na kuya! Halos natu-trauma na nga si Hillary sa'yo, hindi na nga iyon lumalabas ng bahay. Sa tingin mo naman ay magpapakasal iyon sa'yo! Ghad, gumising ka nga!" natatawa na namang sabad ni Ricky.
"Baka sa akin papayag pa no'on! Lalo na ngayon, wala siyang masasandalan." mangislap-ngislap pang patuloy nito.
"Stop it Ricky, eighteen ka pa lang. May gatas ka pa sa labi Toto!" nakangisi ngunit nagbabagang nakatingin ako sa kanya.
"Eighteen pa nga lang ako pero matured na ang isip ko." sagot naman niya sa nangmamataas na tinig.
"Matured? Wala ka ngang ibang ginagawa kundi ang mag-gimik. Ano'ng ipakakain mo kay Hillary?" sambit naman ni daddy.
Napangisi naman ako. Oo nga? Hindi nga kayang tustusan ang sarili...
"Hindi nga ako kagaya ni kuya dad, na sumusunod sa yapak mo. Pero tingnan mo nga ang mga ibon, hindi rin naman sila nagtatrabaho para may makain dahil pinapakain sila ng Diyos." confident pang sagot ni Ricky.
"Kung ganoon ay ipapasa-Diyos mo na lang si Hillary? TARANTADO!!" may galit na sambit ko.
"Akin lang si Hillary." naiinis na patuloy ko ngunit natigilan naman ako sa turan ng aking mga labi.
Bakit ko inaangkin si Hillary? In the first place ay pagpapanggap lang ang lahat! Nagseselos pa ako?
"Nababaliw ka na kuya... walang sa'yo!" nakangisi paring sambit nito.
Napatahimik ako.
My goodness, ano ba'ng nangyayari sa akin? Bakit gusto kong si Hillary ang pakakasalan ko?
Sh*t! Ano ba? Parang sabog na 'ata ang utak ko?
----------------------------------------
Please don't forget to press the star and leave a comment!
Thanks a lot! Lovelots! 💖-NyllelaineNyeNight
BINABASA MO ANG
CEO's Ruthless Son!
Dla nastolatkówBook5: CEO's ruthless Son! (Completed!) by NyllelaineNyeNight Mababago kaya ni Hillary Ivon Smith ang ugali ni Mr. Ruthless, na pawang pasakit ang ibinibigay sa kanya? Hanggang kailan siya magtitiis? Susugal parin ba siya sa ngalan ng pag-ibig? Da...