1

8.2K 168 5
                                    

Ang storyang ito ay orihinal. Tao lamang at nagkakamali din :) Hindi ko pa ito na- eedit kaya sa mga Haters.. I don't care.. at sa mga bumabasa at sumusuporta dito.  Thank You!



******************************

Naniniwala ba kayo na ang mga makapangyarihang mga diwata ay may likas na kakayahan at kakaibang katangian?

Sa kahariang wala pang pangalan, may isang makapangyarihang diwata na nakatira sa Bundok na kilala bilang pinakamataas na bundok sa buong lupain. Siya ay si Leah, sinasamba siya ng mga karaniwang taong naninirahan sa kahariang yun.

Hindi lamang siya ang nagiisang sinasamba at pinagpapasalamatan ng mga tao kundi pati na ang tatlo pang iba. Sila ay ang malakas na lalaking nagngangalang Arman, si Athena na masayahin at ang kambal ni Leah na si Lina, talagang magkapareho sila ng mukha, ang kulay lang ng buhok ang magkaiba.

Bawat isa sa kanila ay may taglay na kapangyaihan at silang lahat ay kayang mag-palit ng anyo bilang isang hayop.

Si Arman ay may kayan mag-anyong leyon at ang kapangyarihan niya ay ang makontrol ang lupa at ang mga halaman at mga hayop dito. Si Athena naman ay may kakayahang maging isda kaya, kung may tubig lamang niya nagagamit ang kakayahang ito. May kakayahan din siyang manipulahin ang tubig at ang mga hayop dito.

Naiiba si Leah at si Lina sa kanila, natatangi sila, dahil malalakas ang kanilang kapangyarihan at hindi ito pangkaraniwan. May kakayahang mag-anyong malaking ibon si Leah at si Lina naman ay may kakayahang mag-ayong ahas o di kaya ay isang serpyente na may tatlong ulo.

Nabuo silang apat sa nung panahong wala pang panahon, walang nakaka-alam kung saan sila nangaling, parang nung binuksan nilang apat ang kanilang mga mata ay bigla na nilang nalaman ang kanilang mga pangalan at para bang ganun na sila ka sanay sa mga pangyayaring nagaganap. Nakakalitong isispin ang kanilang pinagmulan.

May mga hinuha din ang mga nakakatanda sa lugar nila na silang apat ay anak ng mga Diyos at Diyosa na lumikha sa kanilang mundo. Wala ring nakaka-alam sa edad nila kahit ang kanilang mga sarili ay walang ideya kung ilang taon na silang nabubuhay.

Para kasing hindi sila tumatanda at nananatili lamang sa edad nila sa kasalukuyan.

May natatangi rin silang pisikal na anyo. Si Arman ay may kayumangging mga mata at malalakas na mga bisig, si Athena ay may mapupulang pisngi at may itim na buhok. Madali mo ring makikilala si Leah at Lina dahil sa kaibahan nila sa kula ng buhok, si Lina ay may mala- plang buhok at si Leah ay may dilaw na buhok.

Tinawag silang mga "Encantado at Encantada." Sila ang nagpoprotekta sa kanilang lugar laban sa mga masasamang kampon ng kadiliman.

Katabi ng kanilang kaharian ang kaharian ng Oscuro o ibig sabihin ay kamatayan. Pinamumunuan ito ng isang itim na anino na walang mukha at may nakakatakot na boses at kapag nahawakan ka nito ay tiyak na hindi mawawala ang sakit na nadarama mo.

Siya ay matagal na nilang naging kalaban at tinatawag siyang "Anito". Gumagamit ito ng itim na kapangyarihan na nagmumula sa galit na nadarama ng bawat taong naninirahan dito.

Ang Anito ay kilala ng lahat dahil noon, kabilang siya sa mga Bathala na gumawa sa mundo, siya rin ang tagabantay sa prisinto ng mga malalaking nilalang na nagkasala at lumabag sa utos ng mga Bathala ngunit isang araw ay bigla na lamang nawala ang katapatan nito at gumawa siya ng kaharian sa mundo at pinalaya niya ang mga masasamang nilalang.

Lahat din ng mga masasamang nilalang ay naninirahan sa Kaharian ng Oscuro at bawat isa sa kanila ay nabubuhay sa ksamaan, kasakiman at walang katapusang kagalitan na nadarama nila.

Nahihirapan din silang puksain ang Anito dahil ang kahinaan nito ay hindi pa nila nalalaman.








Thank You for Reading Please don't forget to VOTE :)

Ang Makapangyarihang KaharianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon