8

1.1K 39 0
                                    

Thanks Talaga sa Votes and Reads.. Lalo na sa sumuporta sa akin sa Babaeng Kakaiba JoshsiahQuemanric


POV ni Leah

Nababalisa na ako. Hindi ko pa rin matanggal sa isipan ko ang rebulto.

Alam ko na. Habang tulog pa ang mga kasama ko, pupuntahan ko muna ang rebulto... gusto ko kasing malaman ang misteryo na nakatago sa likod nito.

Sa tuwing nakikita ko rin ang mga batong tao na yun ay narararamdaman ko na para bang tumatawag ito sa akin.

Siguro nararamdaman din ito ng aking mga kasama, itinatago lang nila ito sa akin.. o di kaya ay katulad ko rin sila na patagong pumupunta dun.

Isinuot ko ang kasuotan na may panakip sa mukha, upang walang makakakita sa akin.

Naglaho ako papunta dun at natutuwa akong makaharap muli ang magandang babae at ang makisig na lalaking bato.

Nag-ikot ikot na ako sa rebulto at minamasdan masdan ko ito. Nakakakilabot na nakakatuwa,  hindi ko maipaliwanag ngunit ang pagtitinginan nilang dalawa ay nakakatunaw. Wagas kumbaga.

Sa pag-ikot ko, biglang sumakit ang aking mata, nung biglang kuminang ang isang bagay na natabunan ng damo. Nabigla ako dahil wala namang nakapansin nito sa amin nung una kaming pumunta dito.

Nilapitan ko ang bagay na kumikinang. Nakakabulag naman ang kinang nito, kaya ang kanan kong kamay ay itinabon ko sa aking mata at ang isa ko namang kamay ay nakahanda na ng kapangyarihan.

Lumapit pa ako at nabigla ako nung nakita ko ang isang susi.

Agad ko itong pinulot at naglaho ako pabalik sa bundok. Kahit hindi pa gaanong sumisinag ang araw, nagkaroon ako ng lakas ng loob na gisingin sila.

Upang maging patas ako, gagamitin ko na lamang ang aking kapangyarihan na pumasok sa kanilang isipan at gisingin sila ng sabay.

"Bakit ba Leah!" sabay nilang wika nung napunta sila sa harapan ko.

Pagod na pagod silang tingnan, nakakatawa din. Wala naman kaming masyadong ginawa kahapon, bakit ganito sila ka pagod?

Nagsimula na akong magpaliwanag sa kanila tungkol sa nangyari sa akin kanina, ngunit parang ang bawat salita na binibitiwan ko ay baliwala lang sa kanila.

Hindi sila interesado sa mga sinasabi ko, iniisip pa siguro nila ang kanilang pagtulog. Ipinagpatuloy ko pa rin ang pagpapaliwanag.

Sa pagpapatuloy ko sa pagsasalita, nakikita ko na sa kanilang mga mukha na naghihitay kung kailan ako matatapos. Akala ko ba naman na magagalit sila sa pag-alis ko dahil di ako nagpaalam.

Hindi ko na pinatagalan dahil magsasayang lamang ako ng oras kung  magpapaliguy ligoy pa ako at ipinakita ko na sa kanila ang susi.

Bigla silang tumayo sa kanilang mga upuan. Para bang nabuhayan sila ng dugo o di kaya ay nanalo sa isang napakahirap na labanan.

Akala ko ba pagod na pagod sila.

"Siguro may tinatago itong kayamanan!" wika ni Lina sa akin. Ngunit pilitin ko mang maniwala, parang konektado pa rin ito sa mga rebulto.

"Baka may nakatagong malaking sekreto na mabubuksan lamang gamit angs susing yan, " interesadong sabi ni Arman.

"Mabuti pa, hanapin na natin ang bagay na yun!" wika ni Athena sa kanila... at sa isang iglap, nagpalit na sila ng mga damit at nakahanda na ang kanilang mga gamit.

Nakakainis naman!! Kanina pinaghirapan kong magpaliwanag sa kanila at walang sinuman sa kanila ang nakinig..

Mabuti pa't iinom na lamang ako ng kape. "Bukas na lang natin hahanapin ang mysteryong nakatago sa susi na to.. pagod na ako!" sinabihan ko sila. "Saan galing ang kapeng to?"

"Bigay yan ng babaeng nagpapasalamat kanina." Sabi ni Arman.

Nakakapanibago ito ah.. bigla na lamang akong napagod, dahil siguro ito sa maaga kong paglalakad o di kaya ay nahawaan ako ng tatlong ito, na nadidismaya sa akin. Huwag naman sana.

"Leah, sige na!!" paki-usap nila sa akin.. pero hindi ko sila pinakinggan at nagpahinga, ako... habang nagpapahinga ako, ang mga mata nila ay nakatingin pa rin sa susi na hawak ko.



........

Sa Oscuro...

"Helena, kumusta ang kape na pang patulog.. naibigay mo naba sa kanila?" tanong ng Anito

"Oo, panginoon ngunit sa pangmadaliang panahon lamang ang epekto nito." Balita ni Helena sa Anito.

"Kung ganun, magbibigay pa tayo ng maraming kape... hahahaha at sa oras na tatalab na ang pangpatulog, saka natin sila susugurin!" Binulong ng Anito kay Helena.







Sana nagustuhan nyo. :)

Ang Makapangyarihang KaharianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon