11

928 36 0
                                    

Salamat sa Votes at Reads nyo
:) Lalong lalo na kay angelicah0717 , JoshsiahQuemanric at Trhionadz



"Tunog iyon ng tubig na umaagos sa talon!" sigaw ni Athena at tumakbo siya.

Sumunod naman sa kanya ang tatlo. Nakalabas na sila sa kweba at namangha sila sa ganda ng lugar na nakikita nila.

Halos mapanganga silang apat dahil sa ganda nito! May naglalakihang mga ibon na lumilipad. May malakas na buhos ng tubig na nagmumula sa talon na napakataas.

Marami ding mga hayop at nilalang doon na hindi nila makikita sa Alegria.

Pero ang talagang kumuha sa kanilang atensyon ay ang Mataas na Bundok sa gitna. Hindi lamang basta-bastang bundok, ngunit kahawig na kahawig nito ang bundok sa Alegria.

"Hindi ba yan ang tirahan natin?" tanong ni Leah. "Maglaho tayo doon." iminungkahi naman ni Lina.

Handa na si Lina na maglaho ngunit nangamba silang tatlo kaya sinabihan niya sila, "Mas madali tayong makakarating doon kung maglalaho tayo at wala naman akong nakikitang nakakatakot o kalaban dito kaya tayo na."

Naglaho sila sa tuktok ng bundok at lumantad sa kanila ang grupo ng mga tao na may di-pangkaraniwang kasuotan. Matataas ang kanilang mga damit at kulay berde ito. Napakarami din nila at napapalibutan nila silang apat at nakahanda na silang lahat sa kanilang kapangyarihan upang labanan silang apat.

"Kita mo na Lina? Walang kalaban dito.." sabi ni Leah. Nilabas naman nilang apat ang kanilang kapangyarihan.

"Paslangin sila!" sigaw ng isang lalaki na para bang lider ng hukbo. Sa lahat ng mga tao na nakapalibut sa kanilang apat siya lamang ang nakasakay ng kabayo at may gintong marka sa kanyang kasuotan.

"Hindi naman siguro siya ang hari dito... wala naman siyang suot na korona." inisip ni Leah.

Hinanda na nilang apat ang kanilang mga sarili at handa na silng tanggapin ng kamatayan.

Ilang saglit pa may boses ng isang babae ang narinig ng lahat. "Tigil! Hindi yan ang tamang pagbati sa ating mga bisita."

"Mga kasama, tayo na." Inutos niya. Naglaho silang lahat kasama sina Leah, Lina, Arman at Athena sa isang mala-palasyong lugar. Malawak ito at puno ito ng mga bata at taong naka-suot ng berdeng damit.

Ang Reyna lang ang nakasuot ng korona niya na gawa sa kahoy na nakapalibot sa kanyang ulo at mga bulaklak na para bang tumutubo dito. Ang kanyang damit ay kulay puti at ang kanyang palda ay parang isang bulaklak na nakabaliktad na may pilak at gintong disenyo.

Mapupula ang kanyang mga labi. Nababagay ito sa kanyang itim buhok na nakalagay sa likod ng kanyang ulo.

Ilang saglit pa naglibot siya sa mga Encantado para bang naninigurado siya na totoo ang kanyang nakikita. Habang silang apat naman, ay nakahanda na sa pag-atake.

"Hindi ibig sabihin na inutusan mo ang mga alagad mo na hindi kami ipapaslang ay magtitiwala na kami sa iyo!  at hindi rin namin alam kung nasaan kami.!" Gusto ni Leah na sabihin ito sa kanya ngunit natakot siya kaya sinabi niya lamang ito sa kanyang isip.

"Huwag kang matakot Leah." Boses na narinig ni Leah sa kanyang ulo at sigurado siya na katulad ito sa boses ng Reyna at talagang sigurado siya na nanggaling ito sa kanya.

Gulat na gulat ang mukha ni Leah at ngumiti sa kanya ang Reyna.

"Ikaw nga yan Leah, may kakayahan kang makipag-usap sa akin gamit ang isipan mo at ikaw lamang at ako ang may ganyang kapangyarihan." sinabi ng Reyna.

Sa panahong ito, nagsalita na siya gamit ang bibig at tinig niya, "Iwanan niyo muna kami dito... Carlo maiwan ka... may pag-uusapan tayong anim."









Ano kaya ang pag-uusapan nila at ano kaya ang pangalan ng Reyna?



Ang Makapangyarihang KaharianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon