25

802 24 1
                                    

Nagpaplano ako ng Teen Fiction LoL.

Nagsasanay na ang mga tao kahit na hindi pa dumarating ang Reyna. Seryoso silang lahat at sila rin ay determinado.

Si Leah ay binabantayan pa rin ng mga kasama niya kahit na sila ay nakatutok sa pagsasanay. Hinayaan muna ni Carlos ang mga kasama niya at sinamahan niya si Leah sa kapatagan.

Napakapresko ng hangin doon, at napakatahimik, hindi gaanong malayo sa kinaroroonan ng iba pang quadrian.

Hindi gusto ni Lina at Athena ang ideya na ito dahil hindi nila mababantayan si Leah, pero nais kasi ni Lina na pumunta sa isang lugar na mas magkakaroon siya ng konsentrasyon.

Alam naman ni Arman na hindi pababayaan ni Carlos si Leah kaya pumayag siya.

Ayaw din nilang tatlo na maramdaman ni Leah na pinagbabawalan siya ng maraming bagay.

Kaya doon sa kapatagan, umupo si Carlos at dama niya ang simoy ng hangin habang pinapanood niya ang galing ni Leah.

Tumingin si Leah sa direksyon ng kampo, ang liit tingnan ng mga tao dun. Ngumiti siya at tumingin siya sandali kay Carlos.

Ang sabi kasi ng Reyna Pamela, dapat niyang isipin ang mga masayang panahon sa buhay niya upang mapalakas nito ang kapangyarihan ng isip.

Inumpisahan na niya. Gamit lang ang kapangyarihan ng isip niya, kinausap niya si  Carlos, "Kumusta Carlos haahha." tawa niya.

Nagulat si Carlos nung marinig niya yun, kaya sinagot din niya sa kanyang isip si Leah, "Nakakamangha ang kapangyarihan niyo ng Reyna."

"Wala to, mas nakakamangha ang galing niyo sa labanan. Hahahaha." sagot niya.

"Uyy, magsanay kana, hindi sa pinapa-alis kita sa isipan ko pero mahalaga ang gagampanan niyo." iminungkahi ni Carlos sa dalaga.

"Sige Carlos, pasensya na kung nagambala ko ang isipan mo." sinabi ni Leah.

"Hindi ka abala At hindi ka makakagambala sa akin, mahal kita."

Hindi alam ni Carlos na narinig yun lahat ni Leah. Ang buong akala niya kasi ay wala na sa isipan niya si Leah.

Hindi naman ito sineryoso ni Leah at nagsanay na lamang siya. Ipinalipad niya sa ere ang mga bato at mga dahon. Mas mabilis at mas malakas na ito ngayon.

Manghang mangha si Carlos. Sumigaw siya. "Leah!!! ibato mo sa akin ang mga bagay na yan gamit ang isip mo!"

Hininto ni Leah ang lahat at sumigaw din siya. "Ano!! Paano pag matamaan ka?". "Huwag kang mag-alala para makapagsanay na rin ako." sagot niya.

Sumang-ayon siya sa kanya at sinimulan na niya ang pag-atake. Pinikit ni Leah ang kanyang mga mata at lalo pa niyang pinalakas ang kanyang isipan.

"Ang saya nito! HAhahahahhah" sigaw ni Carlos. Naging masaya ang kanilang pagsasanay.

Matapos ang ilang sandali, naglaho na si Leah tungo kay Carlos at  hindi niya akalaing pareho sila ng sasabihin. "Salamat."

Tumawa silang dalawa, nagulat din si Carlos sa narinig niya mula kay Leah, "Ang saya mong kasama!"

Ngumiti si Carlos at tuwang tuwa siya dahil dito! Sa tingin niya ay may pag-asa na siya kay Leah.

Hindi nila naramdaman ang pagod ng pagsasanay.




Ano ang favorite niyong K-drama?

Ang Makapangyarihang KaharianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon