14

873 27 2
                                    

Sana nagustuhan niyo ang storya.

POV ni Leah

Maaga pa at pagod na pagod pa ako.. kami pala. Tsk.. Hinahanda ko na ang sarili dahil ito na ang unang araw ng pagsasanay namin.

Nakakapagtaka pa rin, ano ba ang gamit ng mga bagong kagamitan namin? Nakakatawa itong isipin kung ito ang gagamitin namin sa labanan.

Pero wala muna akong sinabihan sa mga naisip ko dahil hindi muna ako manghuhusga..

Marami na ang mga kakaibang mga bagay ang naganap dito at ang kahariang ito, ang Umbrea mismo ay makapangyarihan.

Kaya sa tingin ko mahalaga ang mga bagay na ito. Ito kaya ang nakatago sa kahon na mabubuksan lamang ang mahiwagang susi...

Ilang sandali pa ay gumising na rin si Athena sumunod naman sina Arman at Lina.

"Ngayon diba ang unang araw ng pagsasanay?" tanong ni Lina. Pinaalala ko sa kanya ang bilin ng Reyna Pamela at naging aktibo silang tatlo.

Naglaho na kami tungo sa punong bulwagan at nakita namin doon si Carlos at ang Reyna Pamela. Nakahanda na silang dalawa.

Suot suot nila ang kanilang mga baluti at dala dala rin nila ang kanilang mga armas.

Nung naglakad kami palapit sa trono ng Reyna, tumayo siya at yumuko si Carlos. Unti-unti na ring naging tahimik ang lugar.

Nung nakalapit na kami sumigaw ang Reyna, "Mga mamamayan ng Umbrea!! Ipinapakita ko sa inyo ang mga itinakdang tagapagligtas!"..

Tumugtog na ang tambol at ang mga trunpeta. Namangha kaming apat at ang aming mga bibig ay medyo napanganga nung nakita naming bumukas ang bubong ng Castilyo.

Nung bumukas na ito, binuksan ng Reyna ang kanyang mga palad. Hindi namin alam ang gagawin nanuod na lamang kami.

Nagpalabas siya ng kumikinang na kapangyarihan at ganun din ang lahat ng tao na nandoon. Ihinagis nila ito sa itaas.. at lumiwanag ng todo ang Umbrea.

Nakakasilaw ang liwanag nito, hindi namin kayang tinggnan kaya kaming apat at bahagya naming tinakpan ang aming mga mata.

Pero parang sanay na ang mga tao dito sa liwanag na iyon... at hindi man lang sila nasilawan ng konti.

"Mga Encantada at Encantado, bilang Reyna ng Umbrea kikilalanin na kayo bilang mga Quadrian!" Sigaw ng Reyna. Pumalakpak silang lahat.

Tumingin si Carlos sa Reyna, para bang humihingi ng pahintulot at ngumiti si Reyna Pamela sa  kanya at nagbigay si Carlos ng Utos, "Kayong lahat, hinihingi ko ang inyong kooperasyon dahil sasama kayo sa akin sa kapatagan upang magsanay ng mahika at kapangyarihan doon. Maglaho na tayo sa Kapatagan!" Naglaho silang lahat ng ganun ganun lang..

Tinanong  ko naman ang Reyna, "Kamahalan, kung hindi mo mamarapatin, bakit tayong lima lang ang natitira dito?"

"Ako ang magsasanay sa inyo, ngayon ilabas niyo na ang mga bago niyong sandata." Sinabihan niya kami.

Sinunod namin siya, Una kong inilabas ang kahoy na nagmula sa kahon.. Kuminang amg dulo nito at lumutang ito sa aking mga kamay.

Sumunod naman si Athena, Nilabas niya ang bote na walang laman. Nagtataka din siya..kung bakit naging sandata ang maliit na boteng yun, sinliit ng kanyang daliri.

Si Arman naman, nilabas niya ang
lubid na natatangi sa anumang lubid dahil kahit manipis ito, mayroon itong bigat na hindi pangkaraniwan. Pero nung nilabas na niya ito, naging magaan ito at lumutang din.

At si Lina, ang pinaka swerte sa amin siguro.. dahil nasa kanya ang diyamanteng punyal na may disenyo ng ahas sa hawakanan nito. Kahit papaano yun ang masasabi kong sandata hindi tulad ng manipis na kahoy, lubid at boteng walang laman.

"Lina, ikaw ang unang susubok sa pagsasanay natin, hindi ka pwedeng gumamit ng kapangyarihan, yang punyal lang ang pag-asa mo." utos ng Reyna.

Lumapit si Lina at hinanda niya ang kanyang sarili sa labanan nila..










Pls vote.. and comment :)

Ang Makapangyarihang KaharianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon