3

2.5K 63 0
                                    

Thank You talaga sa Reads and Votes and feel free to comment! :)

Masasabi natin na mas malapit sa isa't isa sina Athena at Leah kaysa sa kanyang sariling kapatid na si Lina. May kasungitan kasi si Lina kaya, minsan iniiwasan siya ng tatlo. Ngunit sa kabila ng kasungitan ni Lina, mahal pa rin siya ng kanyang kambal na kapatid.

Matagal na panahon nang pinangarap ni Leah ang magkaroon ng isang paaralan para sa mga batang nais matutong gumamit ng kapangyarihan. Kaya naman ngayon, nababalisa siya dahil gusto na niyang sabihan ang mga kasama niya upang maisakatuparan ang plano niya gamit ang kanilang tulong.

Binabalak din ni Leah na ang paaralan ay magiging bukas sa mga masasamang nilalang na gustong magbago at iwan ang karahasang kapalaran na tinahak nila.

Nakakapagod na kasing maghintay na lamang na may darating na kalaban at pumaslang ng mga nilalang na nagtangka sa mga buhay ng mga mamamayan nila. Kaya gusto niya ng panibagong gawain at gusto din niyang makipaghalobilo sa mga bata.

Nais niyang magturo sa kanila kung papaano makipaglaban at kung paano maging matatag sa mga pagsubok na darating sa kanilang mga buhay at hindi na lamang sila aasa sa tulong ng mga Encantado at Encantada lalo na't alam ni Leah na may hangganan din ang buhay nila.

Ngunit naisip din niya ang negatibong epekto ng pagpapalaganap ng mahika sa kanilang kahariang walang pangalan.

Natatakot kasi si Leah na sa oras na maturuan at masanay na niya sila, baka manaig ang pagnanasa nila na maging kagaya nila at ang pagiging sakim sa kapangyarihan at pagnanais na matuto ng mga itim na mahika.

Walang pinagkaiba ang itim at mabuting mahika, pareho silang malalakas at nakadudulot ng malaking pwersa ngunit, para sa mga tao na nakatira sa Oscuro at sa kaharian nina Leah, mas malakas ang mabuting mahika pero hindi nila alam na natututunan lamang nilang mangibabaw sa itim na mahika.

Kaya ganun na lamang ang pangambang nadama niya dahil alam niya na ang mahika ay hindi nasisira, nagagawa lamang ito at nalalamangan ng iba pang mahika kaya may nananalo at may natatalo.

Ganun ka lalim ang iniisip ni Leah habang hinahalo niya ang kanyang kape sa kanyang gintong tasa at habang ang mainit na tubig nito ay umuusok. Para bang ang ritmo ng pag-ikot ng kutsara at ng kanyang isip ay walang pinagkaiba. Sa mga ganitong oras, may kanya kanya kasing ginagawa sila.

Nasira ang malalim na pag-iisip ni Leah nung biglang sumigaw si Arman sa kanya, "Leah may mga kalaban sa paanan ng Bundok!". Wala nang oras na sinayang si Leah at tinawag niya si Athena at si Lina, pero wala si Lina sa kanyang lugar.

Mabilis silang naglaho sa baba ng Bundok at tanaw nila ang dalawang higante na may matitigas na parang mga batong katawan at ang kanilang mga mukha ay parang mga bundok na naglalakad.

Hindi naman sila ganun ka laki dahil isang kamay lamang nila ang katawan ng dalawang Encantado. Alam nila na marami na silang nakalaban na mas malaki pa sa dalawang iyon, pero nararamdaman nila na bukod tangi ang enerhiya na nilalabas nito.

Simula nang sumigaw ang mga higante at para bang nanghahamon ito sa kanila at para ding sinasabi nito na kayang kaya nilang dalawa sila at sila ang pinakamakapangyarihang nilalang sa buong daigdig.

"Nasaan naba si Lina?" tanong ni Athena kay Leah, "Hindi ko siya nakita kanina sa punong pinapahingahan niya at tinawag ko na rin siya at wala namang sumagot." paliwanag ni Leah habang hinahanda ang kanyang sarili sa labanan.












Ano na kaya ang nangyari kay Lina?








Ang Makapangyarihang KaharianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon