BAKASYON na!!!! Sana ma enjoy nyo ang summer niyo :)
Sa Madilim na Kaharian ng Oscuro
"Nalalapit na ang panahon, aking mga alagad!" sinabi ng Anito sa kanyang mga kampon. Tumawa siya ng malakas at lumapit sa kanya ang babaeng nagngangalang Helena.
Si Helena ay isang napakasamang nilalang. Totoo na siya ay makapangyarihan din, ngunit hindi niya ito ginamit ng tama. Nung bata pa siya, naninirahan siya sa Alegria at sumasamba siya sa mga Encantado.
Kilala ang pangalan niya sa Alegria hindi lamang sa kanyang taglay na kapangyarihan kundi sa kanyang magandang mukha. Nababagay sa kanya ang kanyang maitim at medyo maikling buhok.
Masayahin siya at kontento siya sa kanilang payak na pamumuhay ng kanyang ama. Pumanaw na kasi ang kanyang ina nung siya ay ipinanganak.
Kinakaibigan siya ng mga kabataan noon dahil mabuti ang kanyang puso... pero nagbago ang lahat nung araw kung kailan namatay ang kanyang ama dahil sa isang malubhang sakit.
Kumalap ang balita sa kaharian nila at nakarating ito sa mga Encantada at Encantado. Sinubukan nila Arman, Lina, Leah at Athena ang lahat ng makakaya nila upang gamutin ang kanyang ama, ngunit wala silang nagawa.
Nagalit siya dito, nagkamali din siya ng akala na hindi ito ikinalungkot ng mga Encantado... humingi sila ng tawad sa kanya, ngunit hindi niya ito tinanggap.
Lumayas siya sa kaharian na walang pangalan, Alegria kung tawagin ngayon, at nagsilbi siya sa kaharian ng Oscuro.
Lumuhod siya sa harapan ng Anito. Nung una, hindi pa agad naniwala ang Anito sa kanya, ngunit ipinangako niya, "Makukuha mo ang aking katapatan at gagamitin ko ang aking kapangyarihan sa kasamaan."
Kaya naman, ginamit siya ng Anito at itinuring niya siyang tapat na alagad at si Helena naman ay itinuring niyang Panginoon ang Anito.
Kung noon, naging kilala si Helena dahil sa kanyang mabuting gawain... Ngayon, kilala na siya dahil sa dami ng taong sinaktan at napaslang niya.
Sa bawat panahon rin na makakaharap niya ang mga Encantado... naawa rin sila sa kanya kaya hindi nila kayang paslangin siya, lalo na't wala silang nagawa upang iligtas ang kanyang ama.
Ayon din sa mga nakakatanda sa Alegria, ang Anito ang nagbigay ng sakit sa kanyang ama, at ginamitan niya ito ng sumpang hindi nawawala, isang beses sa buong buhay lamang niya itong pwedeng gamitin. Ang sumpa din ay nakakaapekto lamang sa mga karaniwang tao.
Pero wala silang ebidensiya kaya naniwala si Helena hanggang ngayon na kakampi niya ang Anito.
"Nasa iyo na ang singsing" wika ni Helena. "Oo, Helena, ngunit kailangan ko pa ng isang kasangkapan upng makuha ko ang buhay na walang hanggan.!"
Tumingin sa isa't isa ang mga kawal ng Oscuro at tumingin din sa kanila si Helena.
"Nasa akin na ang itim na perlas na nagbibigay ng kadiliman, ang singsing ng pagmamahal na nagbibigay ng kakaibang proteksyon, at ang kulang na lamang ay ang dugo na nagmumula sa puso ng makapangyarihang nilalang." paliwanag ng Anito.
"Kung ganun pwede ka namang pumatay ng kahit sinung makapangyarihang nilalang ano pa ang hinihintay mo?" nagmamadaling tanong ni Helena.
"Tanging dugo lamang ng kalaban ang pwede kaya nais ko na ang dugo na nagmumula sa puso ng mga Encantado ang kukunin ko!!!" sigaw ng Anito at gumawa siya ng kidlat at kulog.
Salamat sa pagbabasa :)
BINABASA MO ANG
Ang Makapangyarihang Kaharian
FantasyAng storyang ito ay orihinal at pinaghirapan ko talaga ito. Mabibighani kayo sa isang babaeng nagngangalang Leah na may taglay na kagandahan at katalinuhan. Maghahalo rin ang inyong mga emosyon sa magaganap na pangyayari. :) Ano kaya ang pakiramdam...