Nakaka-excite na ang ending lol. Pero ang dami pang chapters.
Sa pagsapit ng umaga, dun na nakatulog sina Arman, Athena at Lina, dahil sa pagbabantay kay Leah.
Sa panahong ito naman gumising si Leah, "Hindi ko na sila aabalahin pa, ayaw kong maging pabigat kaya, hahayaan ko muna silang matulog." inisip ni Leah.
Dahan-dahan siyang tumayo sa kanyang kama at naglaho siya palabas sa pinto. "Haaaaay." huminga ng malalim si Leah.
Naglakad-lakad siya. Kaunti pa ang mga tao na gising sa palasyo. Sa paglalakad niya natatanggap niya ang magandang bati at ngiti ng mga taong dumadaan.
Masaya silang makitang naglalakad na si Leah, ngunit hindi nila alam na siya ay tumakas sa kanyang silid.
Nakarating siya sa kusina at kumuha siya ng mainit na tinapay at gatas. Pinasalamatan niya ang tagaluto doon at lumabas siya.
Doon kasi sa Umbrea, nakahanda na ang mga pagkain, ikaw lang ang bahalang magpasya kung kailan ka kakain.
Ang sarap din ng mga pagkain doon, parang piyesta araw-araw, pero mainit na tinapay at gatas ang gustong kainin ni Leah ngayon.
Naubos niya ang tinapay at marahan niyang ininum ang gatas. Nakuha ang kanyang atensyon sa isang tunog.
Parang bale-wala lang ito sa mga nakarinig pero, parang ito ay nabasag na bote, kaya lumapit siya sa direksyon na pinanggalingan ng tunog.
"Ano ba yung nabasag na yun?" tanong niya.
Nagulat siyang makita ang isang mataas na hagdan, wala nang ibang daan, kundi ang hagdan na yon, kaya kahit wala pa siyang sapat na lakas, umakyat siya.
Nakarating siya sa itaas at nagulat siya. "Carlos!!!!" sigaw niya at tumakbo siya tungo sa lalaki. Nakita niya ang basag na lalagyan ng alak.
"Anong nangyari sa iyo?" tanong ni Leah. Nakahiga na si Carlos sa sahig at namumula ang mukha. "Leah, patawad." sambit ni Carlos.
Agad naman siyang bumangon at inayos ng mabilis ang kanyang buhok. "Bakit ka nandito?" sabay na tanong ng dalawa.
"hahahaha" tumawa sila. Naki-usap naman si Leah kay Carlos, "Huwag mong sabihin na nandito ako ha, gusto ko lang kasing lumabas."
Ngumiti si Carlos, at sinabihan din niya si Leah, "huwag mo ring sabihin na uminom ako." Ngayon may sekreto na silang dalawa.
"Matanong ko lang bakit kaba uminom?" tinanong ni Leah, sinagot naman siya ni Carlos, "Wala, nag-aalala lang ako sa taong kilala ko." Tiningnan siya ni Leah.
Lumipas ang ilang segundo at nagtitinginan pa rin sila... Kaya bigla nalang sinabi ni Leah, "Mahangin pala dito noh?" Sumang-ayon naman si Carlos.
"Dito ako pumupunta kapag may pinagdadaanan ako o, gusto kong magpahinga." paliwanag ni Carlos.
Nag-alala si Leah sa sinabi niya kaya tinanong niya, "Maaari ko bang malaman ang problema mo? Hindi kasi nadadaan sa inum yan...malay mo baka makatulog ako."
Tumawa na lamang si Carlos at pilit niyang tinatago ang nadarama niya kay Leah, naisip niya na hindi ito ang tamang panahon para dito.
"Basta, huwag mo nang isipin yun. inumin mo na yang gatas mo malamig na yan. ahahahahha" biniro siya ni Carlos.
Nagtawanan silang dalawa at namumula ang pisngi ni Leah.
Thanksssss Talaga!
BINABASA MO ANG
Ang Makapangyarihang Kaharian
FantasyAng storyang ito ay orihinal at pinaghirapan ko talaga ito. Mabibighani kayo sa isang babaeng nagngangalang Leah na may taglay na kagandahan at katalinuhan. Maghahalo rin ang inyong mga emosyon sa magaganap na pangyayari. :) Ano kaya ang pakiramdam...