TYSM!!! ynna091915 RheaMaeHonrobi JoshsiahQuemanric at Trhionadz
"Oo, kayong apat nga." wika ni Carlos. Biglang-bigla silang apat at wala silang masabi. Muntik na silang mapanganga.
Nagtinginan silang apat at parang nagsasalita ang kanilang mga mata sa isa't isa na huwag silang maniwala kay Carlos.
Gaya ng inaasahan ni Carlos, ay nagulat silang apat at nagtaka. Kaya sinabihan niya nalang sila, "Ang Reyna na ang bahala sa inyo mamaya. Ihahatid ko muna kayo sa inyong silid."
Sumunod silang apat sa kaniya. Binilisan nila ang kanilang paglalakad dahil may gustong sabihin ang apat sa isa't isa.
Hindi tumagal ay nakarating na sila sa isang silid. Lumapit si Lina at binigyan niya ito ng nadismayang mukha.
"Nandito na kayo sa silid niyo noon." wika ni Carlos. "Kung may kailangan kayo, sabihin niyo lang sa akin o sa Reyna."
At umalis na si Carlos....
Nagmadaling pumasok ang tatlo sa silid. Si Leah naman ay nakatingin pa rin sa mga disenyo ng pinto.
"Para bang ang kahoy na pintuang ito ay naaiba sa mga gintong pinto dito at mas mahalaga pa ito" inisip ni Leah.
Pumasok siya sa loob at narinig niya ang usapan ng tatlo, sa totoo ang lakas lakas ng mga boses nila.
"Kaya pala hindi tayo tumatanda!"
"Wala naman akong maalala sa lugar na toh ah..."
"Niloloko lang tayo ng Carlos na yun at ng Reyna nila... para magamit ang kapangyarihan natin."
"Pero ang yaman ng kaharian ng Umbrea."
"Ginagamit lang tayo dito para turuan ang mga taong walang kapangyarihan."
Hindi na nakatiis si Leah at sumigaw siya, "Pwede bang tumigil muna kayo!"
At tumahimik silang apat, nakinig sila sa mga sinabi ni Leah, "Pareho kami ng kapangyarihan ng Reyna nila, at naniniwala ako na dito tayo galing, at isa pa diba ito naman ang gawaing gusto natin hindi ba? Ang magsilbi at ipalaganap ang mahika?"
Yumuko si Athena at niyakap niya si Leah, "Huwag ka nang magalit Leah.." Sumagot naman si Leah, "Hindi ako galit, hindi ko lang talaga maipaliwanag ang nadarama ko ngayon patawad.."
"Hindi ko rin maipaliwanag Leah, kung bakit ka ineteresadong-interesado sa lugar na ito..." sambit ni Lina
"Hindi ko kayo masisisi, mahirap talagang maniwala at magbigay ng tiwala hindi ba? Pero ang susi niyo ang magpapaliwanag ng lahat." Sinabi ni Reyna Pamela nung bigla siyang pumasok sa silid.
"Tama ka Reyna Pamela, mahirap paniwalaan ang mga sinasabi mo." tugon ni Arman.
"Ibigay niyo sa akin ang susi at ang kanang kamay ninyong apat." utos ni Reyna Pamela.
Sumunod naman silang apat sa gusto ng Reyna at may sinambit na enkantasyon ang Reyna at biglang kuminang ng husto ang susi.
Biglang nawala ang susi at lumitaw sa kanila ang isang malaking kahon na nakabukas. "Ito ang mga gamit niyo noon."
Tumingin silang apat sa kahon at biglang lumutang ang mga bagay doon. Ang mga bagay na bigla na lamang napunta sa mga kamay ng Encantado at mga Encantada.
"Bukas, pumunta kayo sa punong bulwagan, ipapakilala ko kayo sa mga tao dito at bukas na bukas din magsisimula ang pagsasanay ng mga kagamitan niyo, dahil tiyak ako na nakalimutan niyo nang gamitin ang mga bagay na iyan."
At umalis na si Pamela.
Ngayon, hindi muna inisip ng apat ang pagsasanay bukas, ang kailangan nila muna sa ngayon ay pahinga.
Unti-unti na ring naniniwala ang tatlo. Pero hindi pa rin mawala sa isipan nila ang kaligtasan ng Alegria.
"Sana nga totoong huminto ang oras sa Alegria upang, may panahon pa kami na iligtas ang mga tao doon." hiling ni Leah
Thank you for reading, pls vote :)
BINABASA MO ANG
Ang Makapangyarihang Kaharian
FantasyAng storyang ito ay orihinal at pinaghirapan ko talaga ito. Mabibighani kayo sa isang babaeng nagngangalang Leah na may taglay na kagandahan at katalinuhan. Maghahalo rin ang inyong mga emosyon sa magaganap na pangyayari. :) Ano kaya ang pakiramdam...