Salamat talaga sa reads niyo. Sana magustuhan niyo ang storya. Naniniwala ba kayo na lahat ng bagay ay may buhay?
Nag lakad-lakad si Arman sa gubat at wala siyang malay na sinundan pala siya ni Athena.
"Ano ang ginagawa mo dito Athena?" laking gulat niya. "Hindi ba dapat ikaw ang sumagot niyan." pangiting sabi ni Athena.
"Ehh.. kung ganun, tawagin mo na lamang ang dalawang kambal at may ipapakita ako sa inyo." wika niya kay Athena.
Naglaho si Athena at tinawag niya si Lina at Leah. "May ipapakita daw si Arman sa atin, hindi ko alam kung ano pero mukhang mahalaga ito." tinawag niya ang dalawa.
"Saan ba siya naroroon?" tanong sa kanya ni Lina. "Sa gubat" sagot naman ni Athena. "Kung ganun, ay tayo na." pagmamadaling utos ni Leah at naglaho silang tatlo.
Napunta sila sa harapan ni Arman at binigyan lamang sila ni Arman ng galaw ng ulo sa direksyon ng kanyang lalakaran. Nagtataka rin ang tatlo kung bakit tahimik lamang si Arman.
Ilang sandali pa ay narating nila ang gitna ng gubat kung saan may mga malalaking kahoy at ang dahon nito ay kayang takpan ang sampung tao. Ganun ka laki ang mga halaman sa gitna ng gubat.
"Huwag kayong magugulat sa ipapakita ko sa inyo." wika ni Arman habang ginagamit niya ang kanyang kapangyarihan upang itabi ang mga malalaking dahon.
Lumantad sa kanilang apat ang isang rebulto ng isang babae at lalaki. Sa kanilang pagka-gulat ay nagpalabas silang tatlo ng kanilang kapangyarihan at pinigilan ito ni Arman.
"Baka isa itong patibong Arman!" sigaw ni Lina sa kanya. "Hindi yan patibong, mga rebulto lamang yan, nakita ko yan kaninang umaga nung naglalakad ako tungo sa mga tao upang gawin sana ang trabaho ko ngunit napansin ko kasi na may kakaibang bato at nakita ko ang paa ng rebulto." paliwanag niya.
Nilapitan nila ang rebulto.. ang mapuputing mga rebulto na nagpapakita ng dalawang nagmamahalan na tao. Ang isang rebulto ay nagpapakita ng isang lalaking nakaluhod at parang may ibinibigay na maliit na kahon sa nakaayong babae.
Namangha naman si Leah kaya nilapitan niya ang rebulto. Sumunod din naman sa kanya si Athena at sinabing.. "Ang ganda ng babae, korona ba yag suot niya na tila naging bato?" tanong niya.
"Bakit walang laman ang kahon na hinahawakan ng lalaki?" tanong din ni Lina. "Para silang mga hari at reyna na naging bato." wika din ni Arman.
"Arman, itago mo muna ang rebultong ito at gagamitan ko ng sumpa ang lugar na ito upang kung may masasamang tao man ang sumubok na sirain o kunin ito, hindi sila magtatagumpay." utos ni Leah.
Sinunod naman siya ni Arman at tumulong din sa kanya si Athena. "Bakit parang interesadong interesado ka diyan Leah... isa lamang yang rebulto na luma. Akala ko pa naman kung ano ng nakita ni Arman." pagkadismayang wika ni Lina habang naglalaho siya pabalik sa knilang bundok.
"Tayo na Leah, bumalik na tayo." wika ni Athena.
Bumalik na sila sa bundok gaya pa rin ng dati, ngunit parang may gumugulo pa rin sa isip ni Leah at nararamdaman niya na kakaiba talaga ang rebultong iyon.
Thank You
BINABASA MO ANG
Ang Makapangyarihang Kaharian
خيال (فانتازيا)Ang storyang ito ay orihinal at pinaghirapan ko talaga ito. Mabibighani kayo sa isang babaeng nagngangalang Leah na may taglay na kagandahan at katalinuhan. Maghahalo rin ang inyong mga emosyon sa magaganap na pangyayari. :) Ano kaya ang pakiramdam...