Salamat talaga sa suporta niyo.
Hindi na pinansin ni Leah ang boses na pilit tumatawag sa kanya, nilalabanan niya ito gamit ang kapangyarihan ng isip niya.
Naglaho siya tungo sa kanyang mga kasama pero parang wala siya sa kanyang sarili.
"Leah bakit ka nandito? Magpahinga ka muna.." tanong ng Reyna. "Leah..." wika ni Carlos. Unti-unting lumapit ang mga tao sa kanya.
"Ba't hindi ka sumasagot Leah, ano ang nangyayari sa iyo." Nagaalalang sabi ni Lina. "Leah... Leah," wika naman ni Athena habang hinahawakan niya ang kanyang mga kamay.
Nakatingin lamang si Leah kay Pamela, para bang may gusto siyang sabihin, pero walang salita o boses na lumabas sa kanyang bibig. Para siyang bato na inilagay sa lupa.
"Hindi na maganda ang nangyayari dito, Iwan niyo muna kami." Utos ng Reyna. Pero kahit sinabi niya na yun, may iba pa ring nagpupumilit na manatili dahil gusto nilang makita ang kalagayan ng isa sa kanilang mga bayani.
Biglang lumutang ang mga tao na nanatili doon. "Mahal na Reyna! Ano ang nangyayari?" sigaw nila. Umatras sila at ilang sandali ay bumaba na ang nakalutang na mga tao.
Nabigla silang lahat nung lumakad si Leah na parang patay at itinuro niya ang kanyang mga kamay kay Pamela.
"Umalis muna kayo! Bilis!" sigaw ni Arman sa mga taong nanatili.
Ngayon, silang anim na lamang ang natitira sa lugar na sinasanayan nila. "Leah, paki-usap magsalita ka." wika ni Carlos.
Niyakap siya ni Lina, pero itinulak niya ang kanyang kambal at natumba ito. Binuksan ni Leah ang kanyang mga palad at itinuturo pa rin niya ito kay Pamela.
Nagsalita ang Reyna ng Umbrea, "Bakit Leah? Ano ang kailangan mo sa akin?" Hindi pa rin sumasagot si Leah, nilapitan niya ang Reyna at hinawakan niya ang mga kamay nito.
Nagulat ang Reyna sa lamig ng mga kamay ni Leah. "Carlos ngayon na!" sigaw ng Reyna.. Ginamitan ni Carlos si Leah ng kapangyarihan na pampatulog, unti-unting natumba si Leah pero sinalo siya nina Carlos, Lina, Athena at Arman.
Naglaho silang anim sa palasyo. Dala dala nila ang katawan ni Leah na tulog, halos hindi sila makadaan dahil kahit ano pa ng i-utos ng Reyna pilit pa rin na tumitingin ang mga tao kay Leah at napuno ng mga tao ang labas at loob ng silid niya.
Napaka-ingay ng lahat, natahimik lamang sila nung may malay na si Leah.
"Leah?" sabi ng Reyna. "Ano ang nangyari? tanong ni Leah. Bumalik na siya sa kanyang sarili.
Niyakap siya ng kanyang mga kasama at ramdam nila ang init ng dugo ni Leah, hindi gaya kanina na sin lamig na siya ng yelo.
"Hindi kaba nasaktan Leah?"
"Ano ang nararamdaman mo?"
"Leah.."
"Ano ang nangyari sayo?"
"Leah..kumusta kana."
tanong ng mga tao, muling naingay ang paligid.
"Tigil!" sigaw ng Reyna. "Bumalik na kayo sa mga silid niyo!" utos niya. Umalis naman ang mga tao na may dalang pagkadismaya sa kanilang mukha.
"Ayos ka lang ba Leah?" tanong ng kamahalan.
"Mahal na Reyna wala talaga akong matandaan, ang buong akala ko ay natutulog lamang ako." paliwanag niya.
"Sana hindi nato maulit." wika ni LIna.
Pls vote and leave comment.. :) thank u
BINABASA MO ANG
Ang Makapangyarihang Kaharian
FantasyAng storyang ito ay orihinal at pinaghirapan ko talaga ito. Mabibighani kayo sa isang babaeng nagngangalang Leah na may taglay na kagandahan at katalinuhan. Maghahalo rin ang inyong mga emosyon sa magaganap na pangyayari. :) Ano kaya ang pakiramdam...