Naghahanda na ako sa malaking Plot twist dito.. :( ... :)
Ngayon... puntahan naman natin ang kaharian ng Oscuro at ito ay ang Point of View ng Anito.
Hindi ito maaari!! Ang susi na nahanap nila ay hindi ordinaryo! Sa oras na matawid nila ang kweba.. maari nilang malaman ang totoo.
Si Helena lamang ang nakikita kong may kakayahang makatagal kung pagtutuos laban sa Alegria ang pag-uusapan.
Naghihintay ako ngayon na bumalik siya dito upang ibalita sa akin kung ano na ang nangyayari sa kweba.
Hindi kasi ako pwedeng makalapit doon dahil dumadaloy pa doon ang sumpa ng Reyna sa akin at wala akong sapat na lakas upang puksain ito.
Oo nga pala, wala PA akong sapat na lakas. Ang dugo mula sa puso lamang ng isa sa mga Encantado ang kailangan ko.
Pero, sa oras na malaman nila ang totoo, baka gamitin nila itong panlaban sa akin at baka huli na ang lahat upang makuha ko ang huling kasangkapan.
Nababalisa na ako!!!
Mabuti naman at nararamdaman ko na ... na, babalik na dito si Helena, at ganun nga.. hindi ako nagkamali ibinalita na niya sa akin.
"Narating na nila ang dulo ng kweba!" Nung sinabi niya yun sa akin, kumulo ang dugo ko at hinampas ko siya.
Sinigawan ko siya, "Wala kang kwenta! Paano kung makakabalik na sila sa kanilang kaharian!!!???"
"Patawad panginoon, ngunit apat sila at malalakas sila wala akong kakayanan na pigilan sila hindi sapat ang kapangyarihan ko!" sabi niya sa akin.
Lalo akong nainis sa kanya, " Hindi sapat ang dahilan mo Helena! Wala kang binatbat! Katulad ka rin pala ng tatay mong walang kwenta!!!" sinumbatan ko siya.
Pero tumayo siya at pinanindigan niya ang kanyang pangako. "Ipapakita ko sa iyo, na hindi ako mahina!!!" at naglaho siya.
Wala akong ideya kung saan siya pupunta.. pero pinanghahawakan ko ang kanyang pangako.
Hindi ko gusto na may maka-alam na kahinaan ko ang Kapangyarihan ng Hari at Reyna.
Mabuti na lamang at naging bato na sila sa sumpa na binitiwan ng Bathala na gumawa ng itim na kapangyarihan.
Wala na akong ibang magawa kundi maghanda ng sapat na lakas kung sakaling magtagumpay ang mga Encantada at Encantado.
"Mga alipin!!!"... kahit ilang ulit pa akong sumigaw.. wala ni isang kaanib ko ang nagpakita sa akin.
Walang hiya ka Helena!! Dinala niya silang lahat tungo sa Alegria!! Sana magtagumpay ka kundi ang dugo mula sa puso mo ang gagamitin ko!!
Mabuti kung marami sila na susugod upang matigil ang paglalakbay nila sa kweba.
Alam ko rin na mas uunahin nila ang kapakanan ng Alegria... at hindi nila alam na kapag ipinagpatuloy nila ang paglalakbay ay matatalo nila ako.. pero .. wala silang kaalam-alam.. hahahahah
Ito na yata ang naaamoy ko na tagumpay. Di bale na rin kung mamatay si Helena at ang lahat ng mga nilalang dito na gumagamit ng itim na kapangyarihan.
Bathala ng Kadiliman.. sinasamu kita.. gabayan mo ang Oscuro at ipanalo mo ito laban sa Alegria.
Ang kahariang kinasusuklaman ko.. at ang kaharian na puno ng tuwa, pagmamahal at pag-asa.. na walang lugar dito sa Oscuro!!
Dapat ang ang itim na mahika lamang ang manaig!! Kahit na alam ko na ang mahika sa hinaharap ay hindi na masyadong ginagamit.
Wala kasi silang alam na ang tinatawag nilang Anito ay ang kanilang Kahapon, Ngayon at sa Habang Panahon.
Dahil ang isinumpang nilalang na gaya ko ay hindi nabubuhay muli, hindi gaya ng mga Encantado na kapag sila ay namamatay ay nabubuhay sila sa ibang anyo at kikilalanin sila sa ibang pangalan.
Sa makatuwid magsisimula sila ng bagong buhay.
Kaya.. mahalaga talaga para sa akin ang Itim na perlas at ang singsing na ito.. lalo na ang dugo na kinakailangan ko dahil magbibigay ito sa akin ng kapangyarihang walang makakalamang.
Double Update... #FeelingProductive
BINABASA MO ANG
Ang Makapangyarihang Kaharian
FantasyAng storyang ito ay orihinal at pinaghirapan ko talaga ito. Mabibighani kayo sa isang babaeng nagngangalang Leah na may taglay na kagandahan at katalinuhan. Maghahalo rin ang inyong mga emosyon sa magaganap na pangyayari. :) Ano kaya ang pakiramdam...