4

1.6K 58 0
                                    

Salamat talaga sa support ninyo... Naa-apreciate ko talaga ang lahat ng votes and reads!!


Nag-aalala na si Leah para sa kanyang kapatid kaya naisipan niyang magpaalam sa dalawa na sila na muna ang haharap sa kalaban dahil hahanapin niya si Lina. "Kakayanin niyo ba ito?" nag-aalala niyang tanong.

"Oo kaya namin ang dalawang yan! Patas na ngayon ang laban kahit ganyan sila ka laki!" malinaw namang sinigaw ni Athena.

Naglaho na si Leah pero hindi niya alam kung saan sisimulan ang paghahanap lalo na't hindi naman na wawala ng ganito ang kanyang kapatid. Labis niyang pinag-mamasdan ang pook kung mayroon bang senyales kay Lina. Damang dama niya ang mga nahuhulog na dahon at ang simoy ng hangin sa gubat na iyon.

Habang sa paanan naman ng bundok...

Gumawa ng ilang hakbang ang dalawang mga higante tungo sa kinaroroonan ni Arman at Athena, pero hindi nila hinayaan na lumapit pa ito at sirain ang kanilang tahanan.

Nilabas ni Athena ang kanyang makapangyarihang sibat at napalitan din ang kanyang nadamang pangamba ng kasabikan sa labanan.

"Bawat isa sa atin Arman ay pumili ng isang higanteng makakalaban!"  utos ni Athena habang tumalon na si Arman at nakaapak siya sa batong malaki at mataas. "Sugod!!" sigaw niya habang nilalabas niya ang enerhiya ng lupa mula sa kanyang katawan.

Gamit ang kanyang kapangyarihan mula sa biyaya ng lupa, pinatubo niya ang malalaking ugat ng punong-kahoy at ginapos niya ng mahigpit ang higante. Pinataas at pinalaki pa niya ang mga gamot hanggang sa kalahati na lamang ng itaas na bahagi ng katawan ng higante ang kanyang nakikita.

Nahirapan naman ng kaunti si Athena, dahil kung ikukumpara mas maliksi ag higanteng kinakalaban niya kaysa sa higanteng kinakalaban ni Arman ngayon.

Tumakbo ang higante papunta sa kanya at damang dama niya ang pagkilos ng lupa. Kinabahan siya sa malakas na yanig na ginagawa ng higante habang ito ay umaapak sa lupa habang siya ay tumatakbo tungo sa kanya.

Kahit na malakas ang pagyanig, nakatayo pa rin si Athena. Gamit ang tubig dinulas niya ang higante at tinamaan ang kanang paa ng higante ng kanyang sibat at natumba ito.

Nagdulot ng malakas na tunog ang pagtumba nito, para bang mga bomba na sabay na pinaputok. Nabali rin ang mga kahoy sa lugar kung saan natumba ang higante.

Pero kahit na natamaan na ang kanang paa nito,, tumayo pa rin ito at sinubukan  pa rin niyang kalabanin ang Encantada.

Kaya naman, upang mapigilan na ang dalawang malalaking higante na possibleng magdulot ng kasawian ng nakakaraming buhay, naglaho si Arman tungo kay Athena at pinag-sanib nila ang kanilang lakas at pwersa!

Ginamit nila ang kanilang malalakas na kapangyarihan, upang gumawa ng umiikot na malaking tubig na kasing laki ng higante at nagdadala ito ng malalaking mga bato na sumasabay sa ikot ng tubig.

Pinatama nila ito sa mga higante at natumba ang dalawang higante at dahil sa lakas ng pagtumba nila, hindi ito kinaya ng mga mala-batong katawan nila at nabasag ang kanilang katawan at ikinamatay nila ito.

"Haaaaayy" pagod na hininga ni Athena, "Malakas nga sila" pagsang-ayon naman ni Arman at binigyan niya si Athena ng tingin na dapat na silang bumalik sa taas ng bundok.

Pagdating nila doon, sinalubong sila ng kambal at ikinalugod naman nilang nakita si Lina, "Saan kaba nanggaling Lina,?" nag-aalalang tanong ni Athena

Inilagay naman ni Leah ang kamay niya sa balikat ni Athena at ipinaliwanag niya, "Sa totoo lang, mas nauna pang nakalaban ni Lina ang tatlong higante kaya nawala siya at sinubukan niyang pigilan silang tatlo habang tayoo ay tulog pa."

"Tatlo?" wika ni Arman. "Oo, ang isa sa kanila ay may kapangyarihang maglaho kaya hinanap ko ito at iniwan ko na ang dalawa pang iba sa inyo." sabi ni Lina.

"Mabuti naman at nakaligtas ka!" nahihiyang pahayag ni Athena kay Lina. "Huwag muna tayong magpakasaya dahil marami pang ganun ang makakalaban natin sa hinaharap, na nagmumula sa Oscuro o sa ating kaharian." wika ni Lina sa kanila.










Salamat sa pagbabasa! at Sorry sa late Update

Ang Makapangyarihang KaharianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon