9

1K 29 0
                                    

Salamat talaga sa Votes niyo lalo na kay : Trhionadz at ni JoshsiahQuemanric


POV ni Leah


Nagulat ako pagising ko ngayon, ano  ba tong mga to! Nakapalibot na sila sa akin.

"Leah, nasaan na ang susi?" tanong ni Lina sa akin. Kung maka-tingin sila sa akin parang ako na ang pinakasikat na nilalang dito sa Alegria.

"Tayo na!" sabi ko sa kanila. Ipinakita ko muli sa kanila ang susi at talagang nakakatawa na parang nakokontrol ng susi na ito ang kanilang isipan.

Pero totoo naman talagang nakakabighani ang disenyo ng susi na ito, ang tatlong diyamante na medyo nakabaun sa parte kung saan mo ito hinahawakan. Sa kinang nito, masasabi kong purong ginto ang gamit nito.

Kaya naman, hindi na kami nag-aksaya pa ng panahon at naglaho na kami sa lugar kung saan nakita ko ang susi.

Nagsimula na ring gumamit ng kapangyarihan si Lina upang matukoy kung may nakatagong bagay ba sa paligid.

Sa ganung paraan magaling si Lina, nakakapansin siya ng mga bagay na nakatago. Habang ako kaya kong gamitin ang mga kapangarihan ni Arman at ni Athena.

Pero ang palagi ko talagang ginagamit ay ang kapangyarihan ng isip dahil marami itong nagagawang nakakamangha.

"Leah! May napapansin akong malaking bagay na nakabaun sa kailaliman ng lupa!" sigaw ni Arman.

Agad kaming tumakbo sa kanya at ginamit namin ang aming mga kapangyarihan upang makita ito, ng-ingat din kami upang hindi masira ang rebulto.

Nalantad sa aming paningin ang lumang mga hugis parisukat na bato na para bang bumubuo ito ng daanan tungo sa mala-kweba nitong daanan.

Nagulat kami, dahil sa tagal ng paninirahan namin dito, ahhh... hindi ko nga pala alam kung gaano na kami katagal dito... pero hindi namin alam na may kakaibang daanan tungo sa isang kweba dito.

Natatakot kaming pumasok dahil hindi namin alam kung ano ang laman ng kwebang ito at kung saan kami dadalhin ng kwebang ito.

"Pumasok na kayo." alok ni Athena. Nadarama ko na natatakot siya. "Ako na lamang ang mauuna!" matapang na sinabi ni Lina at Pumasok na siya, gumawa din siya ng liwanag.

Sumunod kami sa kanya at naging tahimik ang paglalakad namin. Ginamit din ni Arman ang kapangyarihan niya upang maitago kami sa malalaking puno at mga halaman.

Sa aming paglalakad, parang nakakarinig kami ng mahihinang boses. Naging alerto din kaming apat. "Teka lang.. tingnan niyo"

Itinuro ko sa kanila ang mga larawan na naka-ukit sa ding ding.

Nakakatindig-balahibo kung tingnan. May nakaguhit kasi na para bang liwanag at ang isa ay kadiliman.. at parang nagkakaroon ng digmaan.

Bigla na lamang umihip ng malakas ang hangin. Nakakatakit dahil kung iisipin, nasa loob kami  ng isang kweba, pero ba't may ganun ka lakas na hangin.

Huminto na muna kami sa paglalakad. Ginamit ko muli ang aking kapangyarihan. May nadarama akong nilalang na nagmamasid sa amin ...  ramdam ko ang kanyang presensya.

"Hindi tayo nag-iisa dito, ihanda niyo na ang inyung mga sarili." Binalaan ko sila.

"Mabuti pa't ipagpatuloy na natin ang ating paglalakad upang marating na natin ang ating hinahanap." Sabi ni Lina

Nagpalit ang aking kambal ng kanyang wangis at naging ahas siya, sa ganitong paraan mas may kakayahan siyang damhin ang init ng dugo ng kung sinumang nandito.

Gumapang na si Lina sa lupa at ilang minuto pa, bumalik siya sa kanyang dating anyo.

"Bakit Lina" tanong ni Athena. "Nararamdaman ko na ang sinag ng araw.. malapit na tayong makarating sa dulo ng kweba.

Bigla na lamang may narinig kaming tunog. Sigurado kami na tunog yun ng paglalaho.. "Walang hiya, nagmamanman lamang yun sa atin" wika ni Arman.

Ipinagpatuloy namin ang paglalakad hanggang sa may tunog na narinig si Athena.









Pls Vote and Comment



Ang Makapangyarihang KaharianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon