17

668 27 0
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala sa rank ng story na ito, kahit hindi gaano ganun kataas pero i'm happy thanks..



POV ni Leah

Sa wakas, tinawag na rin ako ni Reyna Pamela, nakita ko na kung gaano kalakas ang Reyna ng Umbrea. Ninanais ko na rin na sumunod sa kanilang tatlo sa Bundok upang magsanay.

Kaya nilapitan ko na ang Reyna. Yumuko ako upang bigyan siya ng galang, hinanda ko na ang aking sarili na iwasan at depensahan ang kanyang mga pag-atake.

Hinanda ko na ang kahoy na ibinigay ng kahon at ito ang gagamitin ko upang sanayin ang aking sarili. Kaya inilabas ko ito.

Pero hindi ako makapaniwala sa narinig ko, "Leah, gagamit ka ng kapangyarihan ng isipan mo, hindi mo yan gagamitin ang iyong mahiwagang setro, gagamitin mo lamang yan sa nakatakdang panahon.

Sinunod ko naman siya at itinago ko ang Kahoy na tinatawag niyang Setro. Sinunod ko na lamang siya at inihanda ko na ang aking isipan.

"Ngayon Leah, Gusto kong isipin mo ang Alegria, isipin mo ang mga kahoy, mga tao, mga hayop at ang mga magagandang tanawin doon. Isipin mo ang mahahalagang ala-ala mo."

Inisip ko yun lahat, iniisip ko ngayon ang mga panahon kung saan iniligtas namin ang Alegria, mga panahon na tumatawa ako kasama si Athena, Arman at si Lina.

Ipinikit ko ang aking mga mata, upang mas maisip ko pa ang mga bagay na iyon. Iniisip ko ang panahon na kasama ko ang aking kambal.

Paganda ng paganda ang iniisip ko at habang patagal ito ng patagal, nararamdaman ko na ako ay unti-unting umaangat.

Pero nakaapak ako muli sa lupa nung naputol ko ang aking konsentrasyon, dahil sa sinabi ng Reyna. "Magaling Leah, ngayon sundan mo na sila... at palagi mong tandaan, ang mga ala-ala na iyon."

Nagmamadali yata si Reyna Pamela. Muntik na siyang maglaho pero napigilan ko siya nung tinanong ko siya, "Ano ang gamit ng Setro na ito?"

Itinigil niya ang kanyang paglalaho at lumapit siya sa akin, "Malalaman mo rin, kita mo gaya ng kaalaman mo, tumutubo ang setro na yan.. at tutubo yan sa hinaharap."

Wala akong maintindihan sa sinabi niya pero, bakit parang may isang maliit na dahon na tumubo dito? Sino ang naglagay dito?

Nabasa siguro ng Reyna Pamela ang iniisip ko kaya, ngumiti lamang siya, at sinabing, "Basta Leah.. lagi mong tandaan ang ala-alang yon at maghintay ka, magagamit mo ang setrong yan."

Naglaho siya at naglaho na rin ako, napunta ako sa lugar kung saan nakita ko si Carlos at ang tatlo kong kasama.

Si Arman ay nagbubuhat ng mga malalaking bato at si Athena ay nagsasanay na maging positibo at malinis niya ang kanyang isipan. Kaya  mas pinakalma niya ang kanyang sarili, at nagsasanay din siya na iwasan ang pag-atake ng kapangyarihan.

Hindi madali ang kanilang ginagawa.

Ang kambal ko namang si Lina ay nagsasanay ng husto mas mabilis na siya at mas malakas. Nakikita kong nahihirapan siya pero kinakaya niya. Mas bihasa na siyang gumamit ng kanyang sandata.

Ang lahat namang mga tao dito.. na pinangungunahan ni Carlos ay mas pinalakas nila ang kanilang enerhiya na kapangyarihan.

Hahanap na lamang ako ng lugar para sa aking sarili upang magsanay, ayaw kong abalahin ang kanilang mga ginagawa.

Nakakapagod silang tinggnan, parang ako lang ang may pinakamadaling gawain dito. Naaawa ako sa kanila. Namimis ko narin ang buhay sa Alegria.









Pls.. Vote and leave a comment ;)



Ang Makapangyarihang KaharianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon