Salamat sa votes and reads!
"Ano na ba ang nangyayari sa akin, wala nabang kapangyarihan na makakatanggal sa boses na naririnig ko." wika ni Leah kay Lina.
Pambihira lamang itong mangyari, ang mga pagkakataon na ito, dahil ang magkakambal lamang ang seryosong nag-uusap.
Oo, kambal sila pero hindi sila ganun ka lapit sa isa't isa. Pero parang nag-iba na yata ang ihip ng hangin ngayon.
"Huwag kang mag-alala kapatid, mawawala din yan. Basta isipin mo palagi na nandito kami ni Athena at Arman para sayo." sabi ni Lina habang hinihimas niya ang kamay ni Leah.
"Paano kung susumpungin na naman ako at paano kung sasabay ito sa panahon kung saan kailangan tayo dito, ang panahon ng pag-atake ng kadiliman?" tanong niya.
Lumapit sa kanya si Lina, "Huwag mo nang masyadong isipin yan."
"Lina, nababahala na ako... ano na ang mangyayari sa akin." pa-iyak na sabi ni Leah.
Naputol ang kanilang usapan nun pumasok sa silid ang Reyna, at sina Carlos, Athena at Arman.
"Umm, Leah... may nabasa ang mahal na Reyna tungkol sa karamdaman mo." nahihiyang wika ni Carlos.
"Maaaring makatulong ito Leah upang mahanapan ka ng lunas." sambit naman ni Athena.
Ipinakita ni Reyna Pamela ang aklat, at binuksan niya ito.
"Yang nadarama mo, ay hindi isang sakit Leah... iyan ay isang tawag mula sa kaluluwa." sinabi ng Reyna.
"Kaluluwa!" sigaw ng kambal.
"Oo Leah, pambihira lamang ito mangyari." sagot naman ni Arman.
"May gustong sabihin sa iyo ang isang kaluluwa, kaya ka nawawala sa sarili mo, o di kaya ay may naririnig ka na boses." paliwanag ni Pamela.
"Mawawala ba ito?" tanong ni Leah.
Tumingin si Pamela sa aklat at wala siyang sinabi, nagtinginan din si Arman at Athena. Tumayo naman si Lina at siya ay nababalisa.
"Paumanhin Leah, pero makapangyarihan ang kaluluwa na pumipilit na kumukuha sa iyo, patawad talaga." humingi ng tawad ang Reyna.
Nakita ni Leah ang tulo ng luha nito nung naglaho na siya. Niyakap din nina Athena at Lina ng mahigpit si Leah.
"Lalabanan ko ang kaluluwa na ito." sabi ni Leah sa kanyang sarili. Nagsimula na ring tumulo ang luha niya pero pilit niya paring itinatago ito.
Inisip niya na dapat siyang maging matatag kahit pa gaano kalakas ang kaluluwa na sinasabi ng Reyna.
Naglakad-lakad si Arman sa gilid at nababahala siya, pero kumuha sa kanyang atensyon ang lungkot na nakatatak sa mukha ni Carlos.
Naramdaman ni Carlos na nakita ni Arman ang kanyang nadaramang lungkot kaya umabas siya sa silid.
Nandun na siya sa pinto, nung muli niyang sinulyapan si Leah, at lalo siyang naawa sa kanya.
Lumabas na siya sa silid at pumunta siya sa lugar na hilig niyang puntahan, ang tore.
Habang niyayakap naman si Leah ni Lina at ng kanyang kaibigan na si Athena. Sinabihan niya sila, "Kakayanin ko to."
Lumabas na rin si Arman sa silid at kinunan niya ng maiinom na tubig ang tatlo. Hindi nagtagal ay iniwan niya muna ang tatlo sa loob.
Sa paglalakad ni Arman, hindi niya sinasadyang dumaan sa silid ng Reyna.
Gulat na gulat siya sa kanyang narinig. "Ano!"
Sorry talaga sa late Updates. Salamat sa tuloy tuloy niyo na suporta sa storya.
BINABASA MO ANG
Ang Makapangyarihang Kaharian
FantasyAng storyang ito ay orihinal at pinaghirapan ko talaga ito. Mabibighani kayo sa isang babaeng nagngangalang Leah na may taglay na kagandahan at katalinuhan. Maghahalo rin ang inyong mga emosyon sa magaganap na pangyayari. :) Ano kaya ang pakiramdam...