20

635 26 0
                                    

#452 in Fantasy!! Salamat talaga


POV ni Carlos

Hindi ko na maitatago pa, napapaibig na yata ako kay Leah.

Hindi ko inaakala na sa haba ng panahon na nandito ako sa Umbrea ay magkakaroon pa ako ng pagtingin sa isang babae.

Minamasdan ko ang kanyang mga kinikilos, magmula palang nung dumating sila dito sa kahariang ito. Nakakatuwang tingnan ang kanyang mabait na mukha.

Ang kanyang gintong buhok na kanyang sinusuklayan tuwing umaga at bago siya matulog. Ang kanyang mapupulang labi at pisngi na nababagay sa kanyang maputing balat.

Nakakabighani ang kanyang mga mata na para bang tumatawag sa iyo kung ito ay iyong titingnan. Ngiti niya na nakakakumpleto ng araw ko.

Ang kanyang mga kilos na naiiba sa lahat. Bukod tangi kumbaga. Hindi ko pa siya nakikitang nagagalit, parang hindi siya marunong dumama ng ganun.

Lahat nalang yata sa kanya ay gusto ko. Siya na yata ang pinakaperpektong babae para sa akin. Minsan nga, ginagaya  ko ang kanyang estilo sa pakikipaglaban, ay ginagaya ko dahil inaamin ko mas magaling pa siya sa akin.

Sa totoo lang, gusto kong ibalik ang panahon na itinuro ko sa kanila ang kanilang silid. Dahil sa panahon na iyon, pinasalamatan ako ni Leah at ngumiti siya sa akin.

Gusto kong sabihin sa kanya na mahal ko siya at gusto kong ipagtapat sa kanya ang nararamdaman ko. Pero kahit ako ang lider ng mga mandirigma dito, eh wala akong sapat na lakas ng loob.

Nahihiya naman akong magpatulong kay Arman, o kay Athena, ng sa ganun ay malaman ko kung ano ang mga bagay na gusto ni Leah.

Pero mas nahihiya ako kay Lina, dahil kapag hihingi ako ng payo sa kanya, ay parang nakakausap ko si Leah at si Lina din ay gaya ng Reyna namin.. matapang hahaha.

Sa nakikita at nararamdaman ko, hindi naman siguro ganun ka sungit si Leah upang bale-walain lamang niya ang nadarama ko. Sana may panahon na mapansin niya to.

Mali pala, hindi pala dumadating at lumilipas ang panahon dito  sa Umbrea. Nakakainip na nga... kaya gusto ko na may paglaanan ako ng panahon bukod sa mahika at pakikipaglaban.

Nais ko sana na mapasaya si Leah, lalo na ngayon na siya ay nasa kalagayan na walang nakakaalam  kung ano ang makakagamot nito.

Naaawa na ako sa kanya damang dama ko ang kanyang kalagayan. Nais ko siyang tulungan pero ano ba an magagawa ko? Nasa kanya na yata ang lahat ng kailangan niya.

Gusto ko man lang kumustahin siya. Kung ano na ang nadarama niya at kung ano ang bumabalabag sa kanya.

Gusto ko nga na ako na lamang ang nasa kalagayan niya. Oo, ganun ko siya kamahal. Kahit na alam ko na hindi siya magkakagusto sa akin.

Imposible kasi na magkaroon siya ng pagtingin sa akin. Walang magkakagusto sa akin dahiil ako ang pinaka-simpleng nilalang dito sa Umbrea. Minsan lamang ako tumawa at minsan lang din magmahal.

.....

Ang lalim na pala ng gabi, sana pag-gising ko maayos na ang kalagayan ng sinisinta kong si Leah.

"Mahal na mahal kita Leah."







Salamat talaga!! Comment at vote naman diyan. lol


Ang Makapangyarihang KaharianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon