Late Update na naman, Sorry:) Sana patuloy niyo pa rin akong supportahan! :)"May gusto sana akong sabihin sa inyo," matahimik na wika ni Leah sa tatlo. "Bakit parang kinakabahan ka Leah?" tanong ni Athena, "Hindi ko kasi alam kung sasang-ayon ba kayo dito." sagot niya.
Lumapit sa kanila si Arman at sinabing, "Parang naninibago ka yata Leah, nandito kaming tatlo para makinig."
Huminga ng malalim si Leah, at nagsimula na siyang magsalita, "Nais ko sanang bigyan ng pangalan natin ang kahariang ito!" Pinikit niya ang kanyang mga mata at tila ba handa na siyang tanggapin ang hindi pag sang-ayon nila.
Nagulat siya nung tumawa sila at hinawakan ng kanyang kambal ang kanyang kamay. ''Ano ka ba kapatid ko!! Kambal nga tayo! Gayun din kasi ang iniisip ko!!" anya ni Lina.
"Salamat naman at pareho tayo ng adhikain!" pasasalamat ni Leah habang nagyakapan silang tatlo. "Ano ang maaring maging pangalan ng kaharian ito?" tanong ni Lina.
Pinutol nila ang kanilang pagyayakapan at tumingin sila sa isa't-isa at natahimik silang apat.
"Kung ang Kaharian ng Oscuro ay ibig sabihin ay kadiliman at kamatayan, ano kung ang kahariang ito ay tatawaging Alegria!" tuwang sinabi ni Leah sa kanila. Ngumiti naman sila at sumang-ayon! "Mabuhay ang Alegria!" "Kaharian ng kaligayahan!" sigaw nilang apat.
Pinatawag nila ang lahat ng taong nakatira sa dating kahariang walang pangalan, upang magdiwang at magsaya para sa ALEGRIA!
Inihanda nilang apat ang napakaraming pagkain, nagmula ang pagdiriwang sa paanan ng bundok hanggang sa tuktok nito!
Tuwang tuwa sila at napupuno nga ng kaligayahan ang Kaharian ng Alegria.
Na-upo silang apat sa isang lugar at tuwang - tuwa silang makita ang masasayang mukha ng mga tao. Para bang hindi nababayaran ng kahit anung bagay ang kaligayahan nila.
Kumain sila at sinira ni Leah ang katahimikan, "Hindi lang yan ang gusto kong gawin, nais ko sanang mag-tayo ng paaralan para sa kanila upang matuto silang gumamit ng mahika at tayong apat ang magtuturo sa kanila."
Huminto sa pag-iinom ng kanyang inumin si Lina at naging seryoso ang kanyang mukha at tumingin siya kay Arman at binalikan niya ng tingin si Leah at sinabing, "Magandang ideya yan, ngunit.. tila ang bilis naman ng mga pangyayari,.. at alam ko na kaya ng kapangyarihan nating apat na gawin ang napakalaking paaralan kung gusto mo, ngunit mapanganib ito! Sagrado ang mahika Leah!" paliwanag ng kanyang kambal.
Yumuko ng kaunti si Leah at para bang nahihiya siya,. Lumapit sa kanya si Athena at sinabing, "Tama si Lina, dapat muna nating ihanda ang ating sarili bago pa natin ihanda ang mga karaniwang tao."
Naiintindihan naman ito ni Leah hindi niya kailangang magmadali, at tinatanggap niya ang pagkakamali sa pagpapasya ng agad-agaran.
"Pag-iisipan natin ito, sa ngayon magsaya muna tayo at pagkatapos ay magpahinga sa ganun ay mas makaka-isip tayo ng mas mabuti para sa Kaharian ng Alegria!" wika ni Arman habang itinuturo niya sa kanila ang mga taong dumalo sa pagdiriwang.
Dinig na dinig naman ng Anito ang sigaw, tawa at ang musika na nanggagaling sa bundok.... at habang sa kanyang kaharian...
Lumabas siya sa kanyang madilim na palasyo at tinawag niya ang kanyang mga tauhan, "Ibagsak ang Alegria!!!" sigaw niya
Nanginginig naman ang isa niyang kawal sa takot dahil sa kanyang malakas at nakakatakot na boses.
Naglakad lakad ang Anito at ilang sandali pa ay lumapit sa kanya ang isa niyang tauhan at sinabing, "Panginoon, heto na po ang ini-utos niyo sa akin, nandito na po ang makapangyarihang singsing!"
"Magaling HAHAHAHhahahha!!!"
Saan kaya galing ang singsing na iyon? Alamin yan sa susunod na kabanata :)
BINABASA MO ANG
Ang Makapangyarihang Kaharian
FantasyAng storyang ito ay orihinal at pinaghirapan ko talaga ito. Mabibighani kayo sa isang babaeng nagngangalang Leah na may taglay na kagandahan at katalinuhan. Maghahalo rin ang inyong mga emosyon sa magaganap na pangyayari. :) Ano kaya ang pakiramdam...