May forever ba talaga? LOL
POV ni Leah
Bumaba na kami ni Carlos sa tore. Sa mga sandaling naka-usap ko siya ay para bang sumaya ako at ayaw ko nang huminto sa pagtawa.
Nakalimutan ko na nga na tuamakas ako, kaya pagbaba namin agad ko siyang pinasalamatan at nag-paalam na ako.
Pagdating ko sa akin silid ay tamang-tama. Ngayon pa gumising ang tatlo. Binati nga ako ni Lina, "Magandang araw Leah."
Para akong natatawa, kasi ang buong akala nila ay nanatili lamang ako sa aking silid.
Wala silang malay, na ako ay nagpahangin sa labas. Kapag nag-paalam kasi ako, tiyak mag-aalala lamang sila at maaabala ko ang kanilang pagtulog.
Pumunta kaming lahat sa kusina at kumain sila. Sila lamang, dahil uminom na ako ng tubig at tapos na akong kumain.
Habang kumakain sila, at ang pag-nguya lang nila ang naririnig ko, bigla akong napaisip. Ba't hindi pa bumabalik ang Reyna, at saan siya pumunta.
Wala namang nakaka-alam kaya walang makakasagot sa aking mga katanungan.
Ilang sandali pa ay, biglang nawala ang mga tinig sa palasyo, wala akong marinig kahit ang sarili ko hindi ko marinig.
Biglang umitim ang buong paligid, at wala akong makita. Alam ko na hindi ako naka-pikit pero parang ganun na ang pakiramdam.
May nakita akong malaking nilalang. May tatlo siyang mukha, malaking malaki siya para siyang higante. May tatlo siyang ulo na ang bawat isa ay may sungay.
May mga bilog na bagay na nakatali sa leeg niya, para bang kwintas, Ang gitna niyang ulo ay may mata sa noo. Nakakatakot siya.
Gusto ko nang mawala siya sa aking paningin! Pero kahit anong pilit ko, hindi pa rin ito mawawala.
Ilang sandali pa ay inilabas niya ang kanyang buntot, at binuksan niya ang anim apat na kamay niya sabay sigaw. "Umbrea!!! maghanda kana sa akin!"
Umitim na naman ang paningin ko at nakita ko ang Anito! Hindi ako maaring magkamali, ang Anito nga yun! Nagpakita uli ang higante. Lumuhod ang Anito sa harap nito.
Sinasamba niya ang demonyong iyon!. Pero bakit gumagalaw ang Anito? Hindi ba dapat hindi siya gumalaw kasama ang kanyang kampon sa Oscuro, gaya ng sabi ng Reyna.
Bigla na namang nawala ang paningin ko, pero puro puti na ang nakikita ko, at may narinig akong boses. "Anak mag-ingat ka, magpakatatag ka."
At.... bumalik ang lahat sa normal.
"Leah!! Anong nangyari sa iyo." nag-aalalang sigaw ni Athena. Nagsinungaling ako, "Wala natutuwa lamang akong makita kayo."
Matapos ko yung bigkasin, nakita ko na wala silang naintindihan sa mga kinikilos at pananalita ko.
Tumayo ako at sinabihan ko sila, "Dapat na tayong magsanay, nararamdaman ko na nalalapit na ang digmaan."
Binuksan ko ang palad ko at nagulat ako dahil ang kahoy na sandata ko ay naging buto ng halaman.
Hindi ko na iyon inisip pinagpatuloy ko na lamang ang aking sinasabi, "Dapat na tayong maghanda! Huwag niyo na akong aalahanin kakayanin ko ito, Isa ako sa Quadrian, wala sa bokabularyo natin ang maging mahina."
Sa wakas, sumang-ayon sila sa akin pero sinabihan nila ako na dapat kaunti lang ang oras ng pagsasanay ko.
#212 IN FANTASY yung Babaeng Kakaiba THANK YOU SO MUCH!!!
BINABASA MO ANG
Ang Makapangyarihang Kaharian
FantasyAng storyang ito ay orihinal at pinaghirapan ko talaga ito. Mabibighani kayo sa isang babaeng nagngangalang Leah na may taglay na kagandahan at katalinuhan. Maghahalo rin ang inyong mga emosyon sa magaganap na pangyayari. :) Ano kaya ang pakiramdam...