Thank you Sa pagbibigay ng motivation.. palbss
POV pa rin ni Leah
Nakapagtataka, gumawa ang Reyna Pamela mahikang nakapalibot at nagbabantay sa kanila ni Lina.
Wala akong makita kundi ang liwanag ng mahikang ito. Sinubukan din naming tatlo na lumapit, pero, wala din kaming marinig.
Malinis naman ang intensyon ko, gusto ko lang malaman kung ano na ang nangyayari kay Lina at ng Reyna.
Nais ko ring malaman kung ano ang dapat kong gawin kung ako na ang tatawagin ng Reyna, upang magsanay.
Kaya, sinubukan kong gamitin ang aking kapangyarihan upang malaman ko kung ano na ang nagaganap pero nabigo pa rin ako.
Umupo na lamang ako at hindi na rin ako nake-alam sa dalawa kong kasama na si Athena at Arman. Ayaw kong sirain ang kanilang pag-uusap, lalo't alam ko na nagtataguan pa rin sila ng nadarama.
Kaya, inisip ko na lamang, "Ito ba talaga ang tadhana namin?" at "Ano na ang mangyayari kung sakaling manalo/matalo kami laban sa mga kaaway.???" Nakakagulo naman talaga sa isipan.
Ang bilis bilis kasi ng pangyayari, biruin mo, napadpad kami sa makapangyarihang kaharian na may napakakapangyarihang Reyna.. na itinuri kami bilang mga bayani?? Nakakapagtaka pa rin.
Isa pa, iniisip ko rin. Kaya naman hindi kami sumama ni Carlos at ang lahat ng mamamayan dito, ay dahil sa pagsasanay na ito kaya, iniisip ko na ito ay mahalaga talaga.
Sa bawat segundong nagdaan, panay parin ang tingin ko sa mala-bilog na nakahating enkantasyon na nasa loob nito ang aking kambal at ang Reyna.
Napansin ko, wala namang signos ng pagsabog sa loob... at nararamdaman ko na parang walang nagaganap na pagsasanay dun.
Parang ang liit din ng lugar sa loob, kung dun sila magsasanay. Kulang lang yun kung ang paggamit ng espada ang gagawin nila o.. ang pagtuturo man lang.. kay Lina.. na gamitin ito.
O di kaya ay pilit lang na itinago ng Reyna sa amin ang kanyang lakas upang hindi kami matakot na harapin siya.. tsk.... Kinakabahan na tuloy ako.
Ano kaya ang mararamdaman ko kapag nakapasok na ako sa loob ng enkantasyon at makakaharap ko na ang Reyna, at hindi ako gagamit ng kapangyarihan kundi ang manipis at payat na kahoy na to... para nga itong sanga.. lang.
Magkahalong kaba at pagka- sabik ang nadarama ko.
Eh... ang dalawa namang to ay may gana pang maging matamis sa isa't isa.. ha... kahit na may pagsasanay silang gagawin.
Pero hindi ko naman pinagdududahan ang kakayahan ni Arman at Athena, lalo na si Arman, malakas siya at matatag gaya ng lupa.
Ngunit, kapag si Athena na ang kausap niya, para siyang bulaklak na namumukadkad sa umaga. Ganun din si Athena..
Ilang sandali pa ay tumayo ako at naghanda dahil nawala na ang enkantasyon.. at nagpakita na ang Reyna at si Lina.
Pero hindi ko sinasadyang marinig mula kay Lina, "Gagawin ko ito.. kahit na anu pa man ang mangyari."
Pursigido siya ha..
Naging seryoso ang mukha ni Lina at naglaho siya... nagsalita naman si Reyna Pamela, "Handa na si Lina, kaya pinatulong ko na siya kay Carlos."
"Arman at Athena, kayo na ang susunod.. dito na natin gaganapin ang pagsasanay." sabi ng Reyna.
Nagtataka ulit ako, "dito?" ehh.. dito naman talaga sila ni Lina nagsanay hindi ba?
thank you.. Pls Vote :)
BINABASA MO ANG
Ang Makapangyarihang Kaharian
FantasíaAng storyang ito ay orihinal at pinaghirapan ko talaga ito. Mabibighani kayo sa isang babaeng nagngangalang Leah na may taglay na kagandahan at katalinuhan. Maghahalo rin ang inyong mga emosyon sa magaganap na pangyayari. :) Ano kaya ang pakiramdam...