22

652 23 0
                                    

Thanks sa pag support sa dalawang storya ko.




"Kilalang kilala ko ang kaluluwa na tumatawag kay Leah, hindi ito maaari, dahil pwede siyang mamatay kung hindi siya titigilan nito."

Yun ang mga salitang binitiwan ng Reyna na rinig na rinig ni Arman. Kinabahan si Arman at ayaw na niyang mag-alala pa ang mga kasama niya.

Sa pakikinig ni Arman, hindi niya namalayan na nakita na pala siya ng Reyna.

"Arman! Kanina ka pa ba dito?" tanong ng kamahalan."Patawad pero narinig ko na malakas ang kaluluwa.. yun lamang." paliwanag ni Arman.

Nagsasalita kasi ang Reyna sa kanyang sarili kapag may problema  siya. Minsan rin, hindi niya namamalayan na ganun na kalakas ang kanyang boses. Sapat upang marinig ng ilan.

"Arman, ikaw ang haligi ng quadrian, ikaw ang matatag kaya gusto kong maging matatag ka." pabulong na sabi ni Pamela.

"Ganun naba kalubha ang mangyayari at nangyayari sa kaibigan ko?" tanong ni Arman.

Hindi na sumagot pa ang Reyna sinabi niya lamang na, "Bantayan niyo muna ang Umbrea at huwag mong sabihan ang dalawa sa kalagayan ni Leah at lalo na si Leah."

Bago siya maka-alis, tinanong muna siya ni Arman. "Saan ka patungo kamahalan?"

"May bibisitahin akong kaibigan na maaaring makatulong, kung matagal akong makabalik, alam niyo na ang gagawin kung aabutan ako ng panahon, umaasa kami sa inyo Quadrian." sabi ng Reyna.

Naglaho ang kamahalan at napansin ni Arman na ang kanyang paglaho ay sinabayan ng usok na puti. Nakakakilabot tingnan.

Bumalik siya sa silid ni Leah, upang balitaan ang tatlo, hindi sa karamdaman ni Leah kundi sa balitang umalis ang Reyna.

Sa kanyang  paglalakad tungo sa silid, napansin niya na parang walang ibang tao sa lugar. Parang sila lamang ang naroroon.

Pagkarating niya sa silid, mahimbing na natutulog si Leah. Sinabihan niya sina Lina at ang kanyang sinisintang si Athena tungkol sa pag-alis ng Reyna.

"Sana maawa si Bathala sa kalagayan ni Leah at mahanap na ng Reyna ang solusyon dito." panalangin ni Athena.

"Tumigil na sana yang kaluluwa na yan! Sino ba siya!?? Ba't hindi siya mapigilan ng anumang kapangyarihan?" galit na sinabi ni Lina.

"Sa ngayon, may mga mahalagang bagay muna tayong dapat gampanan habang wala ang Reyna. Ang pagbantay kay Leah at ang kaligtasan ng Umbrea." wika ni Arman.

Namimis na nila ang mga masasayang mata ni Leah, na ngayon, ay puno ng takot at pangamba.

Ang mga ngiti niya na napalitan ng luha, sa tuwing siya ay nakakarinig ng boses na tumatawag sa kanya. Napapansin din nila ang pagnanais ni Leah na bumangon at magsanay.

Wala pa silang maggawa sa ngayon, maghihintay muna sila sa pagbabalik ni Reyna Pamela. Umaasa din sila na sa kanyang pagbabalik ay magagamot na si Leah.

Upang siya ay maging masaya na muli at upang mapigil na ang kaluluwang pumipilit na kumukuha sa kanya.

Sa ngayon, dapat nilang alagaan at bantayan si Leah na isa sa mga Quadrian na tagapagtanggol ng Umbrea.

Walang may gusto sa nangyayari sa magandang dalaga na may ginintuang puso, na magdusa ng ganito.










Sino kaya ang kaibigang sinasabi ni Reyna Pamela.

Ang Makapangyarihang KaharianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon