26

1.8K 27 3
                                    

Ano ang birth month niyo,?




POV ni Reyna Pamela


Matagal na matagal na akong hindi nakakalabas ng Umbrea. Kaya nung lumabas ako, namangha ako nung tiningnan ko ang lahat ng bagay na humihinto sa pag-galaw.

Alam ko na delekado itong gagawin ko, dahil pupunta ako sa Kaharian ng Alegria.

Ibig sabihin, ay dadaanan ko ang kampon ng kadiliman ng Kaharian ng Oscuro. Pero, alam ko na nanigas na silang lahat.

Kailangan ko pa ring gawin ito dahil naaawa ako kay Leah, hindi ko pwedeng pabayaan ang anak  ng kaibigan ko.

Kasi hindi lamang basta sakit ang dinadama niya, kundi ito ay isang sumpa mula sa Pinakamataas na Bathala ng Kadiliman.

Ang Bathala namin, ay gumawa ng makapangyarihang proteksyon sa Kaharian ng Umbrea upang walang makapasok na masamang nilalang.

Pero sa kasamaang palad, may isang nilalang ang pwedeng makapasok dito, at iyon ay ang Bathala ng Kamatayan, kadiliman at Sakit.

Siya ang Bathalang matagal nang hindi nakikita ng Bathala namin, at siya ay makapangyarihan din.

Nakarating na ako sa paanan ng Bundok na tinitirahan ng mga Quadrian noon. Dinaanan ko ang mga nakakatakot na nilalang na hindi na gumagalaw.

At nung nakarating na ako sa gitna ng bundok... Naawa ako sa mga taong inosente na takot na takot sa paglusob ng Oscuro sa kanila.

Kawawa sila dahil sila ay naging mga bato na, pero kapiling na nila ang Bathala namin.. Oo, sila ay wala na. Pero hindi man gumagalaw ang mga masasamang nilalang ay buhay na buhay pa sila.

Dumating ako sa tuktok ng bundok at doon ko nakita ang tatlong Mga tao na may sungay. Nakita ko rin doon ang isang babae, at siyempre ang Anito.

Sa totoo lang siya ang pinunta ko dito. Dahil sa kantunayan, isa siya sa kilalang mandirigma noon. Apat din kami noon.

Nung mga bata pa kami, nung hindi pa ginawa ang Umbrea, may kasama kaming lalake at babae ang Anito, at ako.

Para na rin kaming mga Quadrian. Dapat na rin sigurong malaman nila  na isa sa mga sinaunang mandirigma ang Anito.

Siya ay isang magiting na mandirigma may kapangyarihan siyang tawagin at kausapin ang mga nilalang na pumanaw na at minsan, ang mga Bathala.

Siya ang nagsisilbing gabay namin upang maka-usap namin ang Bathala. Malaki talaga ang tulong niya sa amin noon, dahil tinawag niya ang mga patay at binigyan siya ng mga ito ng lakas.

Kaya sa digmaan ng mga Bathala noon, kaming apat ay nakasali rin. Presko pa sa aking isipan ang mga nangyari. Parang kahapon lang.

Pero hindi nagtagal ay nabulag si Francisco sa kapangyarihan, tunay niyang pangalan.

Kaya nagsilbi siya sa Masamang mga Bathala at binigyan siya ng pangalang "Anito" at para na rin siyang usok na naging tao. Nawala ang kanyang mukha.

Winala niya ito upang makalimutan na niya ang Quadrian. Tuluyan na siyang kinain ng kadiliman at kasakiman.

Hindi ko na siya makilala ngayon, pero susubukan ko pa rin na kausapin siya para sa kapakanan ni Leah.

Buksan mo sana ang puso mo Francisco.








Maganda pala ang pangalan ng Anito LoL

Ang Makapangyarihang KaharianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon