18

658 22 0
                                    

Rank 617 TYSM!!!




Lumipas ang ilang araw na pagsasanay ng mga Quadrian, hindi man sila sanay na iyon ang itawag sa kanila pero dapat nila itong panindigan.

Sila na kasi ang tinitingalang mga bayani ng Umbrea.

Abalang-abala si Leah sa kanyang konsentrasyon, pumunta siya sa isang lugar sa kanilang pinagsasanayan kung saan may maraming patay na dahon, mga bato at may ilog sa tabi.

Lumulutang siya habang siya ay papunta doon. Ang tindi ng kapangyarihan ng kanyang utak. Ginamit niya ito upang paikot-ikutin ang mga bato at ang mga dahon.

Ilang sandali pa ay binuksan niya ang kanyang mga mata at ibinalik niya ang mga bato at ang mga dahon. Tumingin siya sa itaas sabay hinga ng malalim.

"Haaay, Kataas-taasang Bathala, na gumawa ng Umbrea, kayo na po ang bahala sa amin, gabayan niyo po kami." panalangin niya sa itaas.

Bigla na lamang nagdilim ang kanyang paningin, at siya ay natumba.

"Magpakatatag ka anak, huwag kang mawawalan ng pag-asa, nakasalalay sa iyo ang buong mundo. Sabihin mo na lamang sa iyong kapatid na mahal na mahal ko siya."

Biglang nagising si Leah, Nagulat na lamang siya dahil nakahiga na siya sa isang kama at umuupo sa katabi niya ang kanyang kapatid na si Lina.

Nakita din niya sa kanilang mga mukha ang pag-aalala, "Anong nangyari?" Tanong ni Leah habang minumulat niya ang kanyang mga mata.

"Mabuti na lamang at nasa mabuting kalagayan kana Leah, Si Lina na ang bahala sa iyo, iiwanan ko muna namin kayo, Tayo na balik sa ensayo!" Paliwanag ni Reyna Pamela.

Nung naka-alis na silang lahat, nagsimula nang tumulo ang luha ni Lina, "Ayos ka lang ba?" tanong niya. Niyakap niya si Leah ng mahigpit.

Ngayon lang  nakita ni Leah si Lina na umiiyak kaya tinanong niya, "Ano ba ang nangyari?" Sinagot naman siya ni Lina, "Nahimatay ka.."

"Kaya pala nagdilim ang paningin ko, at may narinig ako." Sabi niya, "Anong boses.?" Tanong ni Lina. "Isang boses na tumatawag sa akin bilang anak, sinasabi niya rin na mahal niya tayo." paliwanag ni Leah.

Hindi makapaniwala si Lina sa mga sinabi ni Leah, inisip niya na lang na parang nanaginip lang si Leah, "Magpahinga ka muna, pagod ka lang siguro. Babalik muna ako sa pagsasanay dito ka muna at huwag kang aalis." sinabihan siya ng kanyang kambal.

Naglaho si Lina.

Bumangon si Leah mula sa kama at sinabi niya sa kanyang sarili, "Ba't ka nama mapapagod? Ikaw naman yung may pinakamadaling trabaho ah? At bakit umiyak si Lina?"

Winala niya muna ang mga tanong na iyon, nung bigla niyang narinig na may tumawag sa kanya. "Leah,.. Leah.." Hindi lamang karaniwang boses kundi ang boses na narinig niya kanina.

Inisip niya na parang guni-guni lamang ito at kaya binaliwala niya lamang ito.

Tumindig siya at lumabas siya sa silid, tumingin siya sa labas kung mayroon bang tao, pero wala naman, kaya isinara niya muli ito.

Umupo siya muli sa kama at hinawakan niya ang kanyang ulo dahil parang sumasakit ito, At narinig na naman niya ang boses, "Anak!".

Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili kaya, naglaho siya at sinundan niya ang kanyang mga kasama.


"Anak Balikan mo ako!!!"








Salamat talaga sa bumasa, nag vote at nag comment!!

Ang Makapangyarihang KaharianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon