775 In Fantasy!!! Thank You talaga !!
Inuna na ni Reyna Pamela si Arman at si Athena. Lumapit na silang dalawa dala ang maliit na bote at ang lubid.
Nakatingin sa kanila si Leah. Naghanda na ang Reyna at sinabihan niya ang dalwa, "Malinaw ang usapan, walang gagamit ng kapangyarihan tanging ang mga kagamitan lamang niyo."
Nagtinginan sina Arman at Athena. Ilang sandali pa at sumugod na ang Reyna.
Talagang nalilito na si Leah dahil hindi gaya ng pagsasanay ng kambal niyang si Lina, hindi gumamit ng enkantasyon ang Reyna Pamela.
Bumalik na lamang si Leah sa kanyang pwesto, sa gilid ng punong bulwagan.
"Paano ko lalabanan ang Reyna gamit ang boteng ito?? Habang siya ay gumagamit ng sandata?" tanong ni Athena sa kanyang isipan.
Umilag na lamang silang dalawa ni Arman sa mga pag-atake ng Reyna. Laking takot nalang nila nung gumamit ng kapangyarihan ang Reyna.
Nag-alala naman si Arman na may halong pag-tataka dahil sa pagsugod ng Reyna sa kanila, si Arman lamang ang ginagamitan ng sandata, at si Athena ay ginagamitan niya ng Kapangyarihan.
Nag-aalala si Arman sa kanyang sinisintang si Athena. Kaya naman kahit na pabigat ng pabigat ang lubid na hawak niya, sinubukan pa rin niyang gamitin itong panlaban sa Reyna.
Naaawa din si Leah sa dalawa dahil kitang kita niya ang mga pawis na tumutulo sa mukha ni Arman dahil sa pag-kapagod sa pagbubuhat ng mabigat na lubid.
Si Athena rin ay nahihirapan nang iwasan ang mga pag-atake ng Reyna. Napatayo din si Leah sa pagnanais niyang tulungan si Athena nung nagpakawala ng malakas na enerhiya si Reyna Pamela.
Mabuti na lamang at nakatago si Athena sa dingding na kalaunan naman ay nasira dahil sa lakas ng kapangyarihan ng Reyna.
Inuna ng Reyna si Arman, matapos nakahanap si Athena ng pagtataguan habang hinahanap niya kung ano ang gamit ng boteng yun.
Nahihirapan naman siyang buksan ito, dahil kahit ilang ulit na niyang sinubukang buksan ito, ayaw pa rin.
Kaya habang hinahanapan niya ng paraan upang buksan ang bote kinaya ni Arman ang lakas ng Reyna. Ihinagis niya ang mabigat na lubid sa espada ni Reyna Pamela.
Sa panahong iyon, parang gumaan na ang lubid pero nakikita niya na parang nabibigatan si Reyna Pamela.
Hindi na kaya nitong igalaw ang kanyang espada. Hanggang sumigaw si Reyna Pamela, "Ngayon alam mo na kung ano ang gamit ng lubid na yan.. yun ay ang pahirapan ang kalaban. Kaya ngayon Arman sumunod ka kay Lina at kay Carlos, magbuhat ka ng mga kahoy doon at magsanay ka ng lakas mo."
Unti-unti nang pinakawalan ni Arman ang Espada ng Reyna at aalis na sana siya pero, naisip niya si Athena.
"Kakayanin ni Athena ito Arman alam mo yan, magtiwala ka." Wika ni Reyna Pamela. Ngumiti naman si Leah sa gilid. Kaya naglaho na si Arman sa kinaroroonan ng mga tao doon, upang magsanay pa.
"Athena!!!" Sigaw ng Reyna.
Naglaho ang Reyna sa harapan no Athena at nangangamba ito kaya tumakbo siya habang sinusubukan niyang buksan ang bote.
"Bumukas kana, wala kang kwenta eh.. isa ka lamang bote na walang laman na pinapahamak ang buhay ko." sinabi niya sa bote habang tumatakbo.
Nabigo siyang takasan ang Reyna at nakaharap niya muli ito. Sa panahong ito nakikita niya na maglalabas na ng napakalakas na kapangyarihan ang Reyna.
Naghanda na rin si Leah upang tulungan si Athena dahil parang papatayin na ng Reyna si Athena sa lagay na yun.
Bahala na kung ano ang mangyari, tatanggapin ko na lamang na ito na ang katapusan ko at wala na akong magawa. Inisip ni Athena.
Sabay ng pagdating ng napakalakas na kapangyarihan, natakot ng husto si Leah sa kaligtasan ni Athena.
Inilagay na lamang ni Athena ang bote sa kanyang dibdib at pumikit siya. Hindi niya inakalang maririnig pa niya ang sasabihin ng Reyna. "Magaling Athena."
"Anong nangyari," sabi niya,. Nagulat siya dahil may maliit na laman na ang bote. Ito ay dahil hinigop ng bote ang kapangyarihan na inilabas ng Reyna.
Ngayon, naglalaho na si Athena tungo ni Arman at Lina at sa lahat ng mga tao sa Umbrea.
"Leah..."
BINABASA MO ANG
Ang Makapangyarihang Kaharian
FantasyAng storyang ito ay orihinal at pinaghirapan ko talaga ito. Mabibighani kayo sa isang babaeng nagngangalang Leah na may taglay na kagandahan at katalinuhan. Maghahalo rin ang inyong mga emosyon sa magaganap na pangyayari. :) Ano kaya ang pakiramdam...