VANESSA'S POINT OF VIEW
Nautusan kaming dalawa ni Eric na pumunta ng library to get out class' library cards, bilang elected president siya sa semester na 'to at elected secretary naman ako.
"Akin na 'yang class list. Maupo ka na lang at maghintay dito. Ako nang mag-aasikaso nito." He said coldly. He eventually went to the librarian para nga kunin ang mga library cards.
Napaka-dry ng pag-approach niya. Hindi ko alam kung bakit ganyan na naman siya. Parang dati lang ang ingay-ingay niya, nagpapapansin pa siya. Nang nagsimula ang semester na 'to nanahimik na siya, tapos kahapon sobrang aning-aning siya dahil ngumingiti siyang mag-isa tapos ngayon naman, napakasungit. Mas moody pa 'to sa babae eh.
"Are you alone?" nagulumihanan ako nang may isang pamilyar na boses akong narinig. He sat in front of me and flashed a smile.
My EX-BOYFRIEND sat in front of me and flashed a smile.
Hindi ko siya sinagot at nagtangka na akong lumipat ng upuan pero pinigilan niya ako by pulling my hand.
"Greg, let go of my hand." Pabulong kong sabi, bilang nasa library kami at gumagawa ng eksena 'tong mokong na 'to.
"Please, stay. Hindi naman kita guguluhin. I just want to end this hassle between the two of us." I removed my hand from his.
"Dito at ngayon pa talaga ha?"
"Yes. Dahil tayong dalawa lang ang nandito ngayon. Since wala ka namang kasama---"
"I'm with my boyfriend. At ayokong makita niya tayong magkasama."
Greg looked shocked. Sakto rin namang pagdating ni Eric while counting the library cards.
Anuman ang kahihinatnan ng desisyon kong 'to, sana sumang-ayon.
Eric was unaware that Greg is sitting in front of us not until, "Vanessa, I have the cards. Puwede na tayong bumalik---"
"Your boyfriend is Eric?" Greg asked.
Nagtama na lang ang mga mata namin ni Eric. Hind ko 'to plinano. At wala akong planong sabihing si Eric ang boyfriend ko. Sinabi ko lang na may kasama akong boyfriend para tigilan niya ako.
Oh sheez. Ang saya! Grabe. (note the sarcasm)"Y-yes. So please stop bringing up everything that had happened. I'm fine and have moved on. There is nothing to talk about." I entwined my hand to Eric's hand.
He looked confused. At kahit ako, nalilito sa pinaggagawa't pinagsasabi ko.
"B-babe, let's go." Wala na akong nagawa kundi hilahin paalis si Eric.
Now Vanessa, how are you going to deal with this?
"Alright Miss Actress, you can let go of my hand. There is no such thing as your ex-boyfriend watching us right now."
Nakalabas na kami ng library. Agad ko namang inalis ang pagkahawak ko sa kamay niya. He smirked and walked ahead. I think, I have offended him in some ways.
I hurried to catch up with him. Ang bilis niya kasing maglakad. Mga five meters and counting yata agad ang layo niya sa akin. At nakakahingal kasi naka-heels ako.
I reached for his shoulder to stop him. Sheez. Napakapahabol nitong kumag na 'to."Eric, wait. Let me explain." Hooo! Kinukulang na naman po yata ako ng oxygen supply.
"Explain what--- tumakbo ka ba? Tsk. Gold medalist ka talaga sa katigasan ng ulo eh noh?" he led me to a bench nearby and sat there.
"... dala mo ba inhaler mo? Mapapatay ako ng kapatid mo nito eh. Okay ka lang ba? Gusto mo bang dalhin na kita sa clinic?" sunod-sunod na tanong ni Eric. He looked so worried... and guilty.
