VANESSA'S POINT OF VIEW
We're almost done. Yung barnis na lang na binili ni Desiree ang hinihintay namin kaya nagpahinga muna kami.
Bukod sa pagod kami, nagugutom na rin kami. Pero hihintayin ko na lang sina Kuya. Malamang sa malamang may mga dalang pagkain 'yon.
Tatlo na lang kaming naiwan sa bahay. I want to know more about these two. Kung anong klaseng mga babae ba ang kinahuhumalingan ng dalawa sa pinakamaselan na lalaki na kilala ko—- si Vic at si Rommie.
"Nakuwento ko na buhay ko. Kayo naman. Hahaha."
Nagtinginan lang silang dalawa at nagtawanan. May mali ba sa sinabi ko? I feel awkward.
"Hahaha. Kapag ba narinig mo ang nakaraan namin, hindi magbabago tingin mo sa amin? " Genevieve. Magbabago ang tingin? Bakit? Mga kriminal ba 'tong kasama ko?
"The reason why we transferred here is because..." Julie stopped for a moment. Biglang naging seryoso ang mga mukha nila ni Genevieve. Nagtinginan silang dalawa...
"... nandito ang kuta naming mga sindikato..."
Wait, what? Is this the real deal? They look so serious on what they are talking about.
"Rain, you look so scared. Akala ba namin, hindi magbabago ang tingin mo sa'min?" Genevieve.
"Are you serious?"
"Mukha ba kaming nagbibiro?" Julie. I'm I going to die for real? Pinagsisihan ko yung panahon na nagbalak ako magpakamatay. Mahal ko pa buhay ko. Ayaw ko pang mamatay.
"Genevieve, hindi na dapat natin sinabi sa kanya. May alam na siya oh. Alam mo na ang dapat gawin sa kanya. We're sorry Vanessa but we have to do this." Tumayo silang dalawa at dumiretso sa kinauupuan ko. Lord, help me.
The next thing they did shock the hell out of me.
Kumandong sila sa akin. Ugh. Retards.
Pinagtawanan lang nila ako. Ang saya nila. Seriously? Naniwala ako sa kanila?
"Vanessa naman. Mukha na ba kaming parte ng sindikato? Ni hindi ka man lang nagdalawang isip kung totoo mga sinasabi namin. Hahaha." Genevieve .
"Ang dali mo palang mauto? HAHAHA. Kaya pala mahal na mahal ka ni Eric eh. HAHAHA." Julie. Ano raw?
"Anong mahal na mahal ni Eric? Kayong dalawa, iwas-iwasan niyo na pagdikit sa kapatid ko at kay Rommie ha. Nahahawa na kayo eh. Can I at least ask for alliance from the two of you? Please?" Umalis na sila sa pagkakandong sa akin. In fairness ah. Ang bigat nila.
"Hahaha. Pero seryoso. The two of you look good together. Hindi ka ba talaga na attract sa kanya or something?" Julie asked me.
"Napakasinungaling ko naman kapag sinabi kong hindi ako na-attract sa kanya. Syempre, Oo. Na-attract ako. Guwapo eh. Pero hanggang do'n lang 'yon. No more, no less." At isa pa, I don't want to enter another relationship. Not for now. And definitely not with that guy. I just can't imagine.
"Alam mo, kung hindi ko kayo kilala, iisipin ko na kayo eh. Kasi yung mga mata niyo kapag nagkakatinginan, iba eh. Parang may sparks na pumapagitna. Mga gano'ng pakiramdam. Hahaha."
"Maintriga ka masyado Genevieve. Sparks sparks ka dyan. Eh kung itabi kaya kita sa outlet ng kuryente? Do'n panigurado, malakas ang sparks. Pasalamat ka hindi ko puwedeng gawin 'yon kung hindi lagot ako kay Kuya."
Napangiti naman si Genevieve. Ay susme. Mga taong umiibig.
"By any chance, binigyan ka ba ng sagot ni Kuya sa homework natin nung first week? "