Round 28

23 0 0
                                    

ERIC'S POINT OF VIEW

"Grabe pare ha! Ang tagal mo mamili ng isusuot mo. Mamaya maunahan ka pa ni Vanessa."

"Eh kung tinutulungan mo na lang kaya ako rito 'di ba nang nakapag-decide na ako ng susuotin? Kaya nga kita pinapunta rito dahil alam kong sa ating lahat, ikaw ang pinakabeterano. Hindi kayo tatagal ni Desiree ng 6 years kung wala lang noh."

"Sa pagkakaalala ko bro, sa fastfood na may masayang bubuyog ang unang date naming dalawa at nakapantalon at shirt lang ako nun. Duh Eric, high school pa lang nang naging kami ni Desiree."

"Kayo pa rin ba hanggang ngayon? May girlfriend ka pa rin ba? Akala ko kasi wala na eh. Hindi na kayo nag-uusap eh."

Cedric hit me with a pillow, "...sira. Girlfriend ko 'yun. Mahal ko 'yun kahit ganito kami kaya puwede ba. Akin lang 'yon."

"Weh. Mahal mo talaga? Eh sino yung nakita kong ibang babae sa phone mo?"

"ANONG PINAGSASABI MO ERIC?! Si Desiree lang babae sa phone ko. Baliw ka ha! Kapag binanggit mo 'yang kasinungalingan na 'yan sa harap ni Desiree sinasabi ko sa'yo. Mapapatay kita."

"Biro lang bro! Alam ko namang loyal ka. Chill. Buti naman hindi mo na ipinamimigay. Hahaha."

"Sira ka ba? Kawalan ko kapag nawala sa akin si Desiree. Tsk. Bakit mo ba kasi ako iniintriga ha?!"

"Alam mo namang unang date namin 'to kaya gusto kong maging espesyal. Kaya tulungan mo na ako puwede?"

"Seriously bro? Mag-dress na may mahabang slit ka na lang para mas kabog mo si Vanessa. Tss... Ni hindi ka pa nga nanliligaw, makaarte ka dyan. Manligaw ka kaya muna?"

Ibinato ko sa kanya ang mga damit kong nakakalat sa kama habang tuloy-tuloy siya sa pagtawa at pang-aalaska.

"Wala ka rin palang maitutulong sa akin. Umalis ka na nga lang dito! Kaya kayo nag-aaway ni Desiree eh. 'Di ka niya deserve."

Siya naman ang nambato ng damit sa akin. Paano, hindi na naman sila nagpapansinan dahil nairita sila sa isa't-isa. Tss. Relationships. Nako kapag naging kami talaga ni Vanessa, walang ganyan ganyan.

Hindi rin nagtagal at tumigil na sa panloloko si Cedric sa akin kaya nagseryoso na siya at binigyan na ako ng mga matitinong suggestions sa puwede kong isuot. Gusto kasi pino-provoke pa siya bago magseryoso eh.

"Oh ayan, mukha ka ng tao. Pero mas guwapo pa rin ako sa'yo. Hahaha!" Cedric.

"Guwapo ka nga, sira naman lovelife mo ngayon---" nakatikim ako ng pagdagok bago pa man ako matapos magsalita. Truth hurts.

Maya-maya, tumunog na ang phone ko. It is Vanessa who's calling which I answered right away.

"Napaka-excited mo naman. Hindi ka na nakatiis na tawagan ako."

"Unfortunately Mr. Oozing with self-confidence, hindi ako si Vanessa."

"Eh sino ka kung gano'n? Bakit hawak mo cellphone niya?"

"Anne."

I made a quick glance to Cedric and relatively made my voice louder. "...sinong Anne?..." biglang napaupo mula sa pagkatihaya sa kama si Cedric nang narinig niya ang second name ng girlfriend niya. "... ahh, Anne. Desiree Anne, tama tama. Yung girlfriend ni Cedric, 'di ba?" Cedric clenched his fist and threatened me with his clenched fist which shadow boxed towards my direction. I turned the loudspeaker on para lalong asarin si Cedric.

"Girlfriend ako Cedric? Patawa. Well, last time I checked, Oo. Not quite sure now. Will keep you posted." Ito na naman sila sa ganito nila.

I saw Cedric's face turned into a frown.

The Love Game (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon