Round 19.1 (Side Story)
VANESSA'S POINT OF VIEW
Pass or Fail.
Syempre kailangan kong makakuha ng Pass. Hindi puwedeng mapunta sa wala ang lahat ng gabi na dapat itutulog ko eh ginamit ko para mag-aral. These past three months were so hectic.
We are all here in the computer lab. Kakatapos lang ng final examination namin. It is either magse-sembreak ako nang payapa o magse-sembreak akong umiiyak. Nagbaba na ng notice na nakapagbigay na lahat ng professors ng grades kaya puwede na naming ma-access ang Student's Information Accounts namin kung saan namin makikita ang mga grades namin.
"YES!" napasigaw ako sa saya. Napatingin silang lahat sa akin. Mabilis kong tinakpan ang bibig ko at nag-sorry. Ibinalik ko ang atensyon ko sa monitor. WAAAHH! Lahat ng subjects ko for first semester 'P'. Kahit sa Geometry nakapasa ako. Waaahh~ Nakakaiyak. Kahit saradong dos lang ang grade ko sa math, masaya na ako.
Pinalabas na kaming lahat at sama-sama kaming naghiyawan, bukod kay Kuya. Nakasimangot siya ngayon. Wait, imposible namang bumagsak siya?! Naglalakad na kami ngayon papuntang cafeteria. Nahuhuli kami ni Kuyang maglakad kaysa sa kanila. Masyado kasi silang masaya.
"Kuya, ayos ka lang? Omg. May failed subject ka?"
"Tss. Haha. Ako pa ba? Sa akin ka nga nangongopya, tapos ako pang babagsak? Haha." inakbayan ako ni Kuya and let out a fake smile. Diretso lang ang tingin niya.
"Oo na. Huwag mo na i-broadcast. Hahaha. Oh eh bakit ka nakasimangot?"
"Tss. Subukan mo kayang manligaw tapos mabasted. Ewan ko na lang kung makangiti ka pa."
Victor James Ferrer, nabasted. Magandang headline 'to para bukas sa buong campus tapos aani ng tone-toneladang bashers at haters si Genevieve. Paniguradong aani rin ng mga sampng 10-wheeler truck ng mga babaeng asado ang kapatid ko at magsasabing 'Vic, ako na lang!', 'Ako mahal kita.', 'You deserve me.' and chenelin chenelin. Hahaha.
"Hindi nga failed sa subject pero sa love, oo. Ay achieve! Haha." I clapped to show gay. My brother gave me a glare. Tuloy-tuloy lang kami sa paglakad.
"... Ayan kasi. Akala mo ang guwapo mo noh? Hahaha." nakaramdam ako ng mahinang pagdagok galing sa kanya. Hahaha. Sa oras na ganito, wala akong mahanap na iba pang paraan para mag-comfort ng kapatid kundi sa pamamagitan lamang ng lalong pag-down sa kanya. Kasi kung dadagdagan mo pa ng isang kilong drama, lalo siyang mada-down. Hahaha. Ang labo ko,hindi ba? I know. I'm adorable like that. Hahaha.
Napahinto kami sa paglalakad nang hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. Hibang 'tong kapatid ko oh.
"Rain, sabihin mo nga, ano bang mali sa akin, ah?" he asked me with his puzzled face. He detached his hands from my shoulders at nagsimula uli kaming maglakad. It feels weird talking about love with my brother. Eeww.
"... I thought she's feeling the same way. I never thought I was the only one feeling it. We're only good as friends." mahahalata sa tono ng pananalita niya ang sobrang kalungkutan. Awww... Kawawang kapatid, nabasted.
Pasensya na my dear brother but I don't feel any sympathy for you. Haaay. Ewan. Hindi talaga ako naaawa sa kanya though he doesn't deserve to feel this kasi matinong lalaki naman siya. Pero ewan, siguro kasi, hindi ko alam kung paano mareject. I don't think what I'd experienced before counts for this situation.
"...And look at her now. She's not even aware that I'm hurting." he frowned. I looked at Genevieve and my brother's wrong. Nakikita kong tinitingnan ni Genevieve ang kapatid ko sa peripheral vision niya. Duwag kasi nang malala ang babaeng 'yan. She doesn't want to take risks. Ramdam kong awkward siya ngayon. Girl instincts.