Round 21

202 7 1
                                    

ERIC'S POINT OF VIEW

"Guys, we'll just go buy something to eat. Who's up for fries?" Genevieve.

Mabilis pa sa kidlat na nagtaas ng dalawang kamay si Vanessa. She's a total maniac to fries.

"Ayy... Oo nga pala Vanessa, 'diba talo ka do'n sa pustahan natin? Ito na lang parusa mo. Ikaw manlibre sa amin ng merienda."

I saw her face turned into frown. Wala na siyang nagawa kundi sundin ang utos ng tatlong babae. Mag-isa siyang bumili ng pagkain. Naiwan kaming pito dito.

"Eric. Kamusta?" Cedric.

"What do you mean?"

"Eh kasi bro, since the semester started, nananahimik ka na. Ano ba nangyari?" Rommie.

"What happened that night?" Vic.

"Wala."

"This is so not you, Eric. Nakakapanibago ka. Wala nang maingay sa grupong 'to." Desiree.

"Desiree, meron pa. Nandyan ka pa kaya. Hahaha." Cedric received a majestic glare from her girlfriend.

"Wala? Eh mukhang dismayadong dismayado ka nung gabing yun eh. Tell me. Pinagtangkaan mo bang ligawan kapatid ko tapos nabasted ka lang?" Vic.

"Ayy... Parang Vic-Genevieve lang noh?" Another majestic glare from Vic to Rommie. Ano bang gusto nitong malaman?

"Vic, can you give me a 101 reasons why I should court her? I don't even like her. Isa pa, wala akong pag-asa sa kanya. She's still into that man." now I sound so awful.

"So it is confirmed. Basted ka nga. Hahaha!" Rommie.

"Basted basted pinagsasabi niyo. Dun nga kayo sa malayo. Wala talaga kayong kuwenta eh. Masama bang manahimik for a change?"

"Hindi naman. Masama lang yung pati sarili mo, niloloko mo. Kami nga hindi mo maloko eh, sarili mo pa kaya. Obvious na obvious ka na dude."Julie.

"Does that even matter? Umamin man ako o hindi, hopeless naman talaga." oh there I said it.

"OMG. So inaamin mo na nga?" Genevieve.

"Wala. Wala akong aaminin."

"Mamatay man si Vanessa?" Rommie. Bakit kailangang ganito?

"Ikaw kaya patayin ko, Rommie? Idadamay mo pa kapatid ko sa kalokohan mo eh." Vic to Rommie.

"Pasensya na. Ayaw umamin ng mokong na 'to eh."

"Wala." I'm not asking for Vanessa's death but I'm not going to say anything.

"Bahala ka Eric. Ikaw nagsabi niyan ah. Kapag may nangyaring masama sa kanya nako..." Rommie.

"Rommie, hindi ka ba talaga titigil? Isa na lang talaga mauuna ka nang mamatay sa kapatid ko. Kung sinabi ni Eric na wala, wala. Sabi niya eh. So stop killing my sister." Vic.

"Who's killing who?" walang ni isa man sa amin ang nakaramdam sa pagdating niya. May nginunguya siyang fries habang hawak niya ang isang tray na puno ng fries. Oh sht. Kanina pa ba siya nandyan?

"WALA Vanessa. Wala. Hahaha." Cedric. Sinamaan ko ng tingin si Cedric for mocking me.

We eventually eat the fries pagkalapag na pagkalapag ng tray sa lamesa. As usual, magkatabi kami. The way I see it, mukhang maayos na siya. Mas masaya, mas totoo na ang mga tawa at ngiti. Ayaw ko na kasi na makakita ng mga babaeng umiiyak nang dahil sa panloloko ng mga lalaki.

As Vanessa's friend, masaya na ako para sa kanya. Kaso bakit ganito? Ako naman 'tong hindi na marunong ngumiti at magbigay ng totoong tawa.
What is happening to me?

The Love Game (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon