I was in the midst of writing my essay as homework. I'm about to wrap up pa lang sa school works dahil medyo maraming pinapagawa.
Yung isang linggo na pasok ko, pang-isang semester na ang katapat.
It is already 7 PM when I finished my essay. I saved my work before going down. Mangopya na lang kaya ako sa kapatid ko ng homework sa accounting? Kasi naman, communication course na nga kinuha ko para makaiwas ako sa numero tapos may ganito.
Naabutan ko si kuya na nagbabalanse ng sheets pagbaba ko. Tama 'yan kuya, para kokopya na lang ako sa'yo.
"Kuya, kain na tayo." gutom na gutom na ko.
"Kumain na ko. Maghapunan ka na dyan." sumagot siya nang hindi man lang ako nilingon. Psh. Kumain siya nang hindi man lang ako tinawag. Ang sama ng ugali.
Wala na kong nagawa pa at kumain akong mag-isa.
Naistorbo ang pagkain ko nang may tumunog na phone. Pero hindi sa akin, kay Kuya. Iniwan niya yung phone niya rito. It is just a message from... Genevieve.
Wow, Vic. Speed.
Hahaha. Medyo nakakabaliw na nga eh. Pero nasagutan ko naman na yung iba although hindi ko lang sure.
I am trying to balance now. Nahihirapan nga ko eh.
Yes, I'm already done with the essay. Kaya mo 'yan. :)
And so on. Maya-maya, pumunta si Kuya dito sa dining. He immediately snatched his phone away from me na para bang may masamang bagay siyang itinatago sa akin.
"Bakit mo binabasa messages ko? Who gave you authority?" yung tono ng boses ni Kuya, ipinipilit na lang niyang magmukhang matapang pero kabado siya. Haaay.
I went back to my sit and started eating again.Itinatago ko lang yung kagustuhan kong tumawa. Pinipigilan ko sarili ko. Pero kasi, yung itsura ni Kuya. Hahaha.
"Vanessa, don't do this again. This is my right to privacy."
" It wasn't intentional. Tumunog kasi and it was an automatic gesture to pick it up. Wala akong nabasang kahit ano. As in kinuha ko lang. Then you came."
"Totoo?" ang wirdo nito. Akala mo nakagawa ng krimen. Napakadefensive. Hahaha.
"I swear Kuya. Sige na. Tapusin mo na yung journal para makakopya na ako. Hahaha." habang dumadaldal ako, binabasa na ni Kuya ang message at nagmadali na ulit bumalik sa sala.
Tinapos ko na agad ang pagkain ko at saka dumiretso ulit sa kuwarto. Kinuha ko lang ang aking tools for copying.
Pagbaba ko sa sala, wala si Kuya. At bukas ang pinto. Inilapag ko muna ang mga gamit ko sa couch saka sumunod sa labas. May dumating eh. Pinagbuksan ni kuya ng gate.
"Teka, Ikaw? Ano'ng ginagawa mo dito?" buong araw na nga akong naimbyerna nang dahil sa kanya tapos ganitong gabi makikita ko pa siya.
"Eh kapag sinabi kong nandito ako para makita ka, anong gagawin mo?" Eric answered back. At hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung bakit pero napatahimik ako.
I saw Kuya laughed. Hindi naman sa nag-iinarte ako pero gabi na kaya. Gabi na nga lang ang pag-asa ko para sumaya eh tapos nandito pa siya.
May dala siyang isang malaking backpack. Nauna silang pumasok ng bahay at ako pa talaga ang nagsara ng gate namin. Pagpasok ko ng bahay nando'n agad silang dalawa sa sala at sumasagot nagtatapos ng journals. Kumpara naman sa aming lahat, silang dalawa ang magaling sa ganyan.