Round 10

256 7 0
                                    

ERIC'S POINT OF VIEW

"Uno!" lahat sila biglang napatingin sa cards ko. Hahaha. Isa na lang, panalo na ko. At ligtas ako sa parusa.

Kasunod ko si Vic na nagbagsak ng dalawang +2 cards, Rommie with one +4 card, Cedric with one +4 card, Desiree with two +2 cards, Genevieve and Julie na parehong nagbagsak ng tig-isang +2 cards. Hahaha. Kawawa si Vanessa. Siya na ang susunod eh.

"Paano ba yan Vanessa, bibigyan na ba kita ng dagdag na 20 cards? Haha." She looked at me hopelessly.

"I think..." she sighed for a moment "... I should be the one giving you 20 cards, plus 4 equals 24 caaaaards! HAHAHAHA."

I'm doomed.

Eh wala na kasi akong power card! Ang natira na lang sa akin ay isang number 3 red card. Ugh. Ang akala ko wala ng power card si Vanessa. Sinisilip ko kasi cards niya eh. Saan nanggaling 'yon?!

"Hoy Vanessa. Saan nanggaling 'yang power card mo? Wala ka naman niyan ah?"

"Alam kong sinisilip mo ang cards ko kaya itinago ko yung power card ko. Ayan napapala mo, madaya ka kasi." habang nagbibilang siya ng 24 cards. 

"...22,23,24! O ayan Eric! Siguro naman, sa dami niyan marami-rami na ang power cards niyan? Hahaha." she handed me over the 24 cards. I want to quit. Tsk.

Nagpatuloy kami ng laro, hanggang sa natapos silang lahat, bukod sa aming dalawa ni Vanessa. Magkatapat na kaming naglalaro ngayon. Kailangan kong manalo. 

Kapwa kaming may tig-isang card. Ang huling card na ibinagsak ay number 6 - green card. Wala akong kahit anong number 6 na card o kahit anong green na card dahil ang naiwan sa akin ay ang pahamak na 3 -red card na 'to. Malamang parehas lang kami ng sitwasyon ni Vanessa.

Nakasalalay na ang panalo sa mabubunot naming card.

It's my turn!

Nakabunot ako ng number 6-blue! Bago pa man ako maunahan, ibinagsak ko na agad at nag-UNO! Isang card na lang. Please disappear 3-red card. Please.

Ang sumunod na nangyari ang nakapagpababa sa akin.

Nagbagsak ng 9-blue card si Vanessa. Ibig sabihin, ubos na ang cards niya at panalo siya habang talo ako. Wow.

Habang nagsasaya sila sa pagkapanalo nila, nandito ako sa isang tabi, hindi makapaniwalang hanggang sa dulo, kasama ko ang 3-red card na 'to.

Kami ang forever.

WAAAHH! Dahil sa card na 'to naudlot ang pagkapanalo ko! Nakakainis!

"Truth or Dare! Truth or Dare!" sabay-sabay nilang sigaw. Napagkasunduan kasi naming ang matatalo, makakatanggap ng parusa galing sa dalawang matatapatan ng bote. Nang nag- spin the bottle na, Si Cedric at Vanessa ang natapatan.

How great.

Can I choose 'or'? Kasi kahit ano naman ang mapili ko alam kong gagawin nilang katawa-tawa eh. Kaibigan ko kaya 'ata' sila. Kilala ko takbo ng mga isip nila.

Si Cedric sa Truth, at si Vanessa sa Dare. Kung bakit kasi natalo ako eh! Nakakainis!

"Ano'ng gusto mong unahin? Truth or yung Dare?" Vic.

"Kahit ano, matapos lang 'to. " nakakafrustrate.

Nauna magbigay ng dare si Vanessa.

"Do an aegyo while dancing the chicken dance." WHAT?

"Anong aegyo? Yung pula ng itlog? Paano ko gagawin 'yon?" hindi ko talaga gets.

Tinawanan lang nila ako. Ano ba kasi 'yon?!

The Love Game (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon